Vice Ganda, nag-trending at umani ng iba't ibang reaksyon dahil sa kanyang TikTok video criticizing pasaway attitude ng ilang Pinoy habang naka-ECQ

SCREENSHOT: @unkabogableviceganda on TikTok

SCREENSHOT: @unkabogableviceganda on TikTok

Umingay ang pangalan ni Vice Ganda sa Twitter kagabi matapos s'yang ma-call out ng mga Netizens hinggil sa kanyang komento tungkol sa extension ng enhanced community quarantine at kung paano hina-handle ng ilang pasaway na Pinoy ang mga protocols na nakapaloobs dito.

Sa short video kasi na ini-upload n'ya kahapon, April 21, sa kanyang TikTok account na may 3.7 million followers, naglabas ng saloobin ang It's Showtime host sa on-going enhanced community quarantine at kung bakit ito na-extend.

Narito ang lyrics ng kanta ni Vice Ganda in the tune of This Band's hit song "Kahit Ayaw Mo Na:"

"Tatayo, lalamon, hihiga na naman ako
Iisipin na lang panaganip lahat ng ‘to…
O bakit ba humaba ang quarantine?
E kasi nga, mga Pinoy, makukulit din
‘Pag sinabing ‘wag lumabas, maglalabasan
At pag nagkasakit naman, magsisisihan
Daling sabihin, ‘penge ng ayuda’
Pero sumusunod nga po ba?”

Isang Netizen ang nagpost ng TikTok video ni Vice sa Twitter at doon ay umani ito ng samu't-saring reaksyon.

May ilang pumabor sa sinabi ng The Mall, The Merrier lead actor. Anila, totoo naman sa wang mga binitawan ni Vice. Ilang ulit na rin kasing napabalita ang mga paglabag ng mga tao sa social distancing protocol kaya patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang nang nagpopositibo sa coronavirus disease o COVID-19. 

May ilan-ilan din namang nagsasabi na parehong may kasalanan ang gobyerno at ang publiko. Inefficient daw kasi ang gobyerno samantalang uncooperative naman ang publiko.

However, marami rin ang nainis at hindi naiwasang salungatin ang Kapamilya host sa kanyang naging pahayag. Iginigiit nila na kulang sa konkretong solusyon ang pamahalaan. Mabagal din umano ang pagpapatupad sa mass COVID-19 testing. 

As of this writing,  nakapagtala na ng 4.2 million views ang controversial na TikTok video. 

Samantala, pumalo na sa 6,599 ang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19, with 437 deaths and 654 recoveries.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.