“It’s a boy,” ang gender ng ipinagbubuntis ngayon ng singer na si Angeline Quinto.
Ginanap ang gender reveal ni Angeline na in-organize at ipinagkaloob sa kanya ng malapit niyang kaibigan na si Vice Ganda at ipinalabas sa You Tube channel ng huli ngayon gabi, January 31, sa mismong bahay rin ni Vice. Present ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Angeline at maging ang Viceral family sa pangunguna ni Mommy Rosario. Parang kadugo na rin kasi ang turing nila kay Angeline.
However, that same night lang pala nalaman ng Mommy ni Vice na buntis si Angeline kaya humingi ng paumanhin dito ang singer-actress. Pero kitang-kita sa reaction ni Mommy Rosario na tila hindi ito makapaniwala.
Kaya birong hirit ni Angeline dito: “Bakit gano’n ang reaction ng mga tao sa akin? ‘Nay, babae ako. Parang lagi kayong nagdadalawang-isip.”
“Mukha lang siyang transgender,” dagdag na biro pa ni Vice sa pag-uusap ng nanay at ni Angeline.
Noong nasa America pa raw sana sila kunsaan, nag-concert si Vice at isa sa mga special guests si Angeline pa sana sasabihin ng huli sa nanay ni Vice na buntis nga siya, pero hindi raw niya nasabi.
Aliw naman ang mga hiritan nina Vice at Angeline na baka raw si Vice ang ama.
Magpapa-five months pa lang daw ang baby ni Angeline at kung ito raw ang tatanungin, pakiramdam daw niya ay babae ang magiging anak niya.
“Feeling ko babae,” sabi ni Angeline.
Sinang-ayunan din ito ni Vice at ng Nanay ni Vice dahil maganda raw si Angeline na buntis.
Sa part naman ni Angeline, gusto raw talaga niya na babae sana ang maging baby.
“Gusto ko kasi babae. Kasi, gusto ko ngang ipangalan kay Mama Bob. Pero excited ako.”
(Si Mama Bob ay ang adoptive mother ni Angeline na mahal na mahal niya. Pero pumanaw ito noong November 2020.)
Nang magtanong naman si Mommy Rosario kung sino ang ama, si Vice ang sumagot at sinabing: “Next year pa natin malalaman yan.”
Sakay na hirit naman ni Angeline: “Pag may buntot [ang bata], sa’yo.”
Walang alam si Angeline sa kung ano ang gender ng baby niya dahil iba raw ang kumuha ng resulta nito sa doctor. Kaya maging siya ay doubly excited sa pa-reveal. Para dito, may mga pink at blue balloons at decorations na pina-set-up ni Vice sa tabi ng kanyang swimming pool.
Nang i-reveal na nga, blue balloons ang lumabas sa malaking box na naka-set up din doon—meaning, it’s a boy for Angeline.
At kahit na baby girl ang wish niya, masaya pa rin daw siya sa pagkakaroon ng baby boy.
“S’yempre, masaya pa rin ako,” bulalas ni Angeline. Masayang-masaya ‘ko. Pero hindi ko ine-expect na lalaki. Ang buong pag-aakala ko, babae talaga.”
Biro naman ni Vice kay Angeline: “Sa ngayon pa lang naman ’yan boy. ’Yung nanay ko rin naman, sa buong pag-aakala niya, lalaki. Napanindigan ba niya ang buong akala niya? Hindi rin naman.
“Ngayon pa lang naman ’yan. ’Yung anak mo naman ang magde-decide kung ano ang gusto niya.
Napa-“Kaya nga” naman si Angeline.
“Kung ano ang gusto niya,” pag-agree ni Angeline kay Vice.”
“Pero masaya ko ’Te, kasi sa totoo lang, mas marami akong naisip na pangalan ng lalaki kesa sa babae,” dagdag ni Angeline.
At isa na nga raw doon ang pangalang Bobby, na hango pa rin sa pangalan ng kanyang Mama Bob.
Hirit pa rin ni Vice na natatawa: “Kapag naging bakla, Babeth! Baklang parlor.”
Tinanong din ni Vice si Angeline kung ano raw ang message nito sa anak ngayong nalaman na niya na isa itong baby boy.
“Unang-una, mag-iiwas tayo kay Ate Vice,” hirit ng komedyaten ring singer. “Joke lang!”
Turning serious, she adds: “Siguro kung paano si Mama Bob noong sanggol ako. ’Yung talagang sinecure ako na kahit anong mangyayari, hindi mapapabayaan ang anak niya. So, gano’n din ako sa kanya.
“Bobby, mahal na mahal ka ng Nanay mo.”
At saka ito nagbiro na naman sabay turo kay Vice, sabay sabing: “At ng Tatay mo…”
Panooring ang pa-gender reveal ni Vice para sa kaibigang si Angeline Quinto dito:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber