Vice Ganda, nakaramdam ng inggit sa debutanteng anak ni Ogie Diaz

Magkahalong comedy at serious ang birthday message ni Vice Ganda sa itinuturing na nakababatang kapatid na si Erin Pandaan, panganay na anak ng kaibigan at first ever showbiz manager niya na si Ogie Diaz.   An excerpt from Vice’s touching message went: “Wag kang mag-alala, nandito lang ako bilang panganay ninyong magkakapatid. Aalalayan din kita. Hindi kita iiwan katulad ng hindi namin pag-iwan ni Ogie Diaz sa isat isa.”

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Magkahalong comedy at serious ang birthday message ni Vice Ganda sa itinuturing na nakababatang kapatid na si Erin Pandaan, panganay na anak ng kaibigan at first ever showbiz manager niya na si Ogie Diaz. An excerpt from Vice’s touching message went: “Wag kang mag-alala, nandito lang ako bilang panganay ninyong magkakapatid. Aalalayan din kita. Hindi kita iiwan katulad ng hindi namin pag-iwan ni Ogie Diaz sa isat isa.”

Sa mga hindi nakaka-alam, ang writer/comedian-turned talent manager na si Ogie Diaz ang kauna-unahang manager ni Vice Ganda noong mga panahong pinapasok na niya ang showbiz mula sa pagiging sikat na stand-up comedian. Malaki ang naging parte ni Ogie sa pagiging higanteng artista ngayon ni Vice.

 

At kahit naghiwalay na sila ng landas bilang talent at manager, napanatili nila ang pagiging matalik na kaibigan. Kumukunsulta pa rin si Vice kay Ogie at kapamilya ang turingan nila up to this day.

 

Saksi si Vice sa paglaki ng mga anak ni Ogie—limang babae na sila ngayon—partikular na ang panganay na si Erin, na siyang nag-debut last August 31 sa isang engrandeng Princess Jasmine (of Aladdin) themed debutante’s ball na ginanap sa Luxent Hotel in Quezon City.

 

Vice dropped everything para present siya sa party ni Erin, whom he considers as his own younger sibling.

 

At s’yrempre pa, hindi p’wedeng hindi siya magbigay ng message para sa debutante.

 

Sa simula ay nakipagbiruan muna si Vice, comedy-bar style sa mga komedyante ring hosts ng program that night na sina Tetay at ang protégé ni Vice na si Lassy.

 

Nagbiro si Vice na akala niya, ang event ay para sa engagement na nina Ogie at ng partner nito for more than eighteen years na si Georgette.

 

Tatak na ni Vice ang magkahalong komedi at seryosong adlids kaya naman ang message niya para kay Erin ay magkahalong biro at seryoso, interwoven in Vice Ganda’s eloquent ways.

 

“Happy, happy birthday,” direktang sabi ni Vice sa natatawang debutante. “Anak, alam ko napaka-saya mo ngayon at napakasaya rin ng mga magulang mo. Sino ba’ng parents mo? Hahaha! Ang saya-saya nila dahil 18 years nang napaka-laking trabaho para sa magulang diba, na mag-raise ng isang magandang anak sa loob ng labingwalong taon? Parang minani lang ni Ogie at saka ni Georgette. Sabagay, si Ogie mahilig mag-mani. Hahaha! Kaya ka nga nandito kasi... hahaha!

 

“Noong super bagets ka, diba noong nag-stay pa ako sa bahay ninyo diba? Kasa-kasama ako lagi ng tatay mo at nakita ko kung pa’no ka lumaki nang ganyan. Kasi nga hinulma ka ng tatay mo sa amin ni Liza [Soberano]. . . Hahaha! ’Yong tatay mo talaga may mata sa talent yan. Tingnan mo ’yong mga artists na nakukuha niya, iisa ang hulmahan—si Liza, ako iisa lang talaga ’yong pattern kaya tingnan mo, [to Lassy], hindi ka niya mina-manage. Hahaha!”

 

Sa puntong ito, nagseryso na si Vice at ipinaalala kay Erin na ang kaganapan that night ay natupad dahil sa pagsisikap ng tatay niyang si Ogie Diaz.

 

“Anyway, masayang-masaya ako na lumaki kang ganyan at saka sana ’yong mga natutunan ko sa mga magulang mo—lalong-lalo na sa tatay mo—panghawakan mo din. Kasi ‘yon ang nakita ko sa kanila...’yong marunong silang mag-value ng... they know how to value people, they know how to value relationships, they know how to value hard work, they know how to value money. Kasi ’yon ang mahalagang-mahalagang lalo na  sa tatay mo... ’yong magandang trabaho, ’yong pinaghihirapan, ’yong nagsisimula sa baba, ’yong talagang inaakyat ang lahat... ginagapang ang lahat para makamtan mo ’yong kung ano ’yong gusto mong maabot. At alam kong na-instill din niya sa’yo ’yon.”’

 

Ipinangako din niya kay Erin that he will always have her back.

 

“At wag kang mag-alala, nandito lang ako bilang panganay ninyong magkakapatid. Aalalayan din kita. Hindi kita iiwan katulad ng hindi namin pang-iiwan namin sa isat isa ni Ogie Diaz.

 

At kahit may halo pa ring biro, sinabi niyang nakaramdam siya ng inggit kay Erin dahil hindi niya naranasang magkaroon ng engradeng party noong araw. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na laking-hirap si Vice na may palayaw noon na Tutoy.

 

“Congratulations,” bati ulit ni Vice. “Kasi ang saya-saya ng party mo... ang engrande. Hindi lahat nakakaranas nang ganito. At napaka-palad mo dahil ito ay pinaghandaan ng mga magulang mo at habang buhay mo itong ipagpasalamat sa kanila dahil ako nga meron akong inggit na nararamdaman habang tinitingnan ko ang mga nangyayari kasi hindi ko naman ito naranasan—unang-una, di ba, lalaki ako? Hahaha!

 

“At ito ay ano, e, baka nga hindi ito nakita ng mga magulang mo noong sila ay nagsisimula palang. Pero dahil sa pagta-trabaho nilang dalawa at

pagsusumikap, hindi naging mahirap na magkaroon ng ganitong klaseng okasyon. Hindi naging imposible para sa pamilya mo magkaroon ng ganitong klaseng pagtitipon-tipon na maganda ang mga suot, masarap ang kinakain, nasa magandang venue.... tayong lahat at lahat ng yan ay naisakatuparan dahil ’yong tatay mo magaling mag-trabaho, may pananampalataya sa Diyos, marunong makisama sa kapwa....

 

“Kaya congratulations sa buong pamilya ninyo. Hanggang sa susunod na debut, hanggang sa susunod na miyembro ng pamilya—kung may mabubuo pa. Hahaha! Aabangan natin yan. Again, I love you. I will forever be your elder sister. Nandito lang ako. I love you. Tawagan mo lang ako anytime. You know my number? Diba, hindi? Hindi ko talaga pinapa-alam. Hahaha! I love you. Mahal na mahal kita.”   

 

You may view the video para matawa at maiyak din kayo sa mga pinagsasabi ni Vice Ganda.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Liza Soberano, may k’welang message sa debutanteng anak ni Ogie Diaz

Ayon kay Annabelle Rama, mas mabait si Lorin kesa sa nanay nitong si Ruffa Gutierrez

Ruffa Gutierrez, sinabihan ang anak na si Lorin na p’wede lang siyang magpa-ligaw at 18

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.