Vice Ganda sa bashers nila ni Ion Perez noong 2021: “May mga opportunities kayo na hindi n’yo napansin kasi busy kayo sa paggawa nang masama sa aming dalawa.”

Nagkaroon kasi ng new-year reflection moment ang celebrity couple sa kanilang vlog entry tungkol sa mga challenges and achievements nila in 2021. Kinunan ito noong December 31 sa luxury island na Amanpulo, kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon.

PHOTOS: @praybeytbenjamin on Instagram

Nagkaroon kasi ng new-year reflection moment ang celebrity couple sa kanilang vlog entry tungkol sa mga challenges and achievements nila in 2021. Kinunan ito noong December 31 sa luxury island na Amanpulo, kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon.

Kung susumahin ang mga nagaganap noong nakaraang taon, masasabi pa rin daw ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez na maganda ang taong 2021 at marami silang dapat ipagpasalamat. 

Nagkaroon kasi ng new-year reflection moment ang celebrity couple sa kanilang vlog entry tungkol sa mga challenges and achievements nila in 2021. Kinunan ito noong December 31 sa luxury island na Amanpulo, kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon. 

Para kay Ion, achievement unlock daw na nakapag-training s’ya for motocross dahil pangarap na n’ya ’yon noong bata pa s’ya. Blessing din daw na nagkaroon s’ya ng sexy-comedy film, Kaka, last year kung saan nakasama sina Sunshine Guimary at Jerald Napoles. Happy din daw s’ya na na-meet na ni Vice ang kanyang buong pamilya. 

For Vice naman, highlights daw ng kanyang taon ang kanyang successful na digital concert entitled Gandemic, ang naka-byahe sila sa US despite the pandemic para sa live concert n’ya, at ang makapag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya ni Ion sa Tarlac. 

Nang matanong naman ni Vice si Ion kung ano ang “biggest learning” nito noong nagdaang taon, ito daw ay ang mas maging bukas-palad na hindi isinasa-publiko.

Siguro dapat mas lalo ka pang maging generous,” sagot ni Ion. “Iba ’yong pakiramdam ko pag may natutulungan akong tao na hindi n’ya alam na ako ’yon [tumulong]

Tulad nu’ng nangyari sa [bagyong] Odette. Sabi nila, ‘Uy, tumulong kayo.’ S’yempre, hindi ko din naman sasabihin na, ‘Kung alam n’yo lang [tumutulong ako].’ Alam ko naman sa sarili ko na binigay ko na ’yong kaya ko,” dagdag pa n’ya. 

Ang kaya ko lang gawin, bukod sa may tinulong akong financial, ay dasal talaga. ’Yong hindi sila nawawala sa dasal ko.

Feeling naman ni Vice, kung bakit nae-engganyo si Ion na mag-share ng kanyang blessings ay dahil marami rin daw talagang taong generous na nakapaligid sa kanila. Kabilang na dito ang mga co-hosts sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid, ang new director nila na si Direk Jon Moll, ang ABS-CBN kahit walang broadcast franchise, si Boss Vic del Rosario at ang Viva, at ang kanilang mga fans na walang sawang sumusuporta.

Ang daming dapat ipagpasalamat dahil ang dami talagang naganap na ang gaganda. Sobrang napakagaganda,” ani Vice.

Pero sa kalagitnaan ng magagandang nangyayari may mga sumusulpot na pangit, may mga sumusulpot na nega, may mga sumusulpot na bakulaw,” pagpapatuloy pa ni Vice. “Ang daming mga tao na may mga ginawang masama sa atin nu’ng 2021. Ang daming taong may sinabi sa ating masama nu’ng 2021. Ang daming taong nag-isip sa atin nang masama nu’ng 2021...

“But look at us now,” may halong pagmamalaking dagdag ni Vice. “We’re waiting for 2022 to come at ang sarap pa rin naman ang pakiramdam natin. Maayos pa naman ang buhay natin. Malusog pa rin naman tayo, maayos ang mga trabaho natin, malusog ang mga mahal natin sa buhay. We’re still blessed and we’re still thankful.”

Pitik ni Vice, nakakaawa raw ang mga taong inubos ang oras nila sa pag-iisip at paggawa nang masama sa kapwa, gaya na lang umano ng mga bashers and haters nila na mas nakatuon ang pansin sa panlalait sa kanila on social media imbes na mag-focus kung paano gaganda ang kani-kanilang buhay.

May mga opportunities kayo na hindi n’yo napansin. May mga magagandang bagay sana kayong nakuha kaso busy kayo sa paggawa nang masama sa aming dalawa,” lecture ni Vice. 

Gayunpaman, humiling pa rin s’ya ng magandang pasok ng taon para sa mga ito. 

Sana happy kayo ngayon at sana maging okey sa inyo din ang 2022 katulad ng mga magagandang mangyayari sa amin sa 2022. Para everyone is happy,” pahayag ng Kapamilya comedian. 

At kung may pinaka-natutunan man daw s’ya sa taong 2021 ito ay ang pagpapatuloy lang sa mga adhikain niya sa buhay.

Ang learning ko lang talaga is to keep on going. Huwag tayong huminto kahit ano pa mang abala ang nandiya-diyaan, na magkaroon ng pag-asa,” pagbabahagi n’ya. 

Huwag tayong huminto na gawin ’yong mga gusto nating gawin. Huwag tayong huminto na mahalin ’yong mga gusto nating mahalin. Huwag tayong huminto na gumawa ng mabuti dahil lang sa hindi naa-appreciate nu’ng ilan.

Huwag tayong huminto na gumawa ng mga desisyon dahil sa natatakot tayo dahil baka may sabihin na naman ’yong iba. Gawin mo ’yong gusto mong bagay na sa palagay mo ay tama. At gawin mo na ngayon.

Ikunumpara pa n’ya ang kanilang detractors sa mga asong kalye na walang sawang kumakahol sa mga dumaraan.

“Let’s just keep on going. Huwag tayong magpa-abala. Ang daming nang-aabala. Ang daming mga aso sa kalsada na sa paglalakbay natin patuloy tayong tatahulan. ’Yong iba nga tatae pa sa harapan natin para maabala ’yong paglalakad natin, ’di ba?” pag-a-analogy pa ni Vice. 

Pero maantala man tayo nang sandali, huwag tayong hihinto nang dahil sa kanila. Let’s just keep on going. Idire-diretso lang natin. ’Yong trabaho natin idiretso natin. ’Yong gusto nating gawin idiretso natin. Gawin natin ’yong sa palagay natin ay gusto natin at sa palagay natin ay tama.

At inihalintulad naman n’ya ang naging 2021 nila ni Ion sa tabing dagat na kanilang kinaroroonan habang nire-record nila ang vlog.

May malakas na hangin, may tubig na maalon. Hindi mo alam kung anong mangyayari. Aambon ba mamaya o talaga lang dumidilim dahil takip-silim na? Ang daming uncertainties pero ang ganda n’ya,” pagkukumpara ng komedyante. 

“[Year] 2021 has been very challenging, and even challenging to a lot of other people… ’di ba, ’yong mga nasalanta ng bagyo? 

Pero sana kumapit kayo sa kagandahan ng pag-asa at sa kagandahan ng pananampalataya at sa kagandahan ng kakayahan ninyo. Dahil pag pinagsama-sama natin ’yan lahat tayo makakabangon at magiging mas masaya sa mga susunod na araw natin,” pagtatapos n'ya.

Cheers, Vice and Ion!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.