Vice Ganda sa pagbuo ng UnkabogaBALL event niya: “I want to be the bridge to create a relationship amongst all of us.”

Goal daw ng UnkabogaBALL event ni Vice Ganda—na malamang ay maging annual event na—na pagtibayin ang samahan ng beki community. “Mga bakla tayo, okey lang na magbaklaan tayo pero hindi maganda kasi ’yong ‘nagpapagandahan’ tayo. Mas maganda kung lahat tayo maganda at lahat tayo sinusportahan natin ang kagandahan ng bawat isa. Let’s mark this night. Ito ’yong araw na susuportahan natin ang isa’t isa,” saad ni Vice.

PHOTOS: @_atedick & @memeviceganda on Instagram

Goal daw ng UnkabogaBALL event ni Vice Ganda—na malamang ay maging annual event na—na pagtibayin ang samahan ng beki community. “Mga bakla tayo, okey lang na magbaklaan tayo pero hindi maganda kasi ’yong ‘nagpapagandahan’ tayo. Mas maganda kung lahat tayo maganda at lahat tayo sinusportahan natin ang kagandahan ng bawat isa. Let’s mark this night. Ito ’yong araw na susuportahan natin ang isa’t isa,” saad ni Vice.

Star-studded ang first-ever UnkabogaBALL event ng comedian-TV host na si Vice Ganda na in-organize niya kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. 

Noon pang December 22, 2021 idinaos ang naturang masayang event sa Okada Manila na dinaluhan ng mga beki celebrities and social media influencers. At ito ang naging content ni Vice sa kanyang vlog which was belatedly upload on YouTube on January 23.

Dahil ang tema ang event ay “Eksaherada Eleganza,” nagpabonggahan sa red carpet ang mga invited attendees kabilang ang mga online personalities gaya nina Macoy Dubs, Tita Krissy Achino, Sassa Gurl, Negi, and more.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga TV and stage comedians na sina Iyah Mina, Divine Tetay, Donita Nose, Petite, Kaladkaren, at ang Beks Battalion composed of Chad Kinis, MC Muah, and Lassy Marquez.

Present din sa gathering ang TV personality na si IC Mendoza, former child star Awra Briguela, ang Eat Bulaga Dabarkad na si Paolo Ballesteros, at ang celebrity doctors na sina Vicki Belo and Hayden Kho.

S’yempre, hindi nagpakabog si Vice na s’yang may pakana ng lahat. Shining, shimmering, splendid ang peg ng Kapamilya star sa kanyang dazzling silver dress. Dramatic pa ang effect ng pagpasok n’ya dahil covered ang kanyang ulo at mukha maliban sa kanyang mga mata.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VICE GANDA (@memeviceganda)

At matapos ang kanyang grand entrance and opening remarks ay may change outfit pa itong si Vice kung saan isinuot n’ya ang isang cocktail dress embellished with feathers. 

Nang makabalik inside the grand ballroom ay ipinaliwanag n’ya kung paano nabuo ang concept nila ng UnkabogaBALL party. 

Ang saya-saya kasi it was made possible by Team Vice sa tulong ng aking mga super close friends. Maraming maraming salamat,” panimula ng Viva artist sa kanyang talumpati. 

Para magkaroon kayo ng backgrounder, nagsimula ito dahil may nakita akong pinost na picture ni Inah [Evans] na may kasama s’yang baklang social media stars, mga baklang influencers.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ate Dick (@_atedick)

Natuwa daw kasi s’ya sa nasabing Instagram photo kaya gusto n’ya ring makilala ang mga beki na kasama roon ng vlogger na si Inah. 

Tapos sabi ko, ‘Inah gusto kong ma-meet ’yang mga baklang ’yan.’ Sabi ko gusto ko magkaroon ng simpleng acquaintance party for me to be able to meet the new baklets in social media, ’yong mga bagong social media stars, ’yong mga influencers kasi ang dami-dami ng baklang stars ngayon. Nakakatuwa. Kaya sabi ko, ‘I want to have that opportunity to meet them,’” esplika pa n’ya. 

Mas maganda daw kasi na magkakakilala silang nasa iisang community. 

Ang dami-dami n’yo ngayon pero parang hindi tayo magkakakilalang lahat. And I don’t think it’s a good thing na we all belong to the same community...nakikita natin ang mga mukha natin sa mga telepono natin pag nagpupunta tayo ng TikTok, pag nanonood tayo ng YouTube pero personally hindi tayo magkakakilala. So, I want to be the bridge to create a relationship amongst all of us.”

Dagdag pa n’ya, marami daw ang gumabay at tumulong kay Vice noong nagsimula s’ya sa showbiz para marating n’ya kung nasaan s’ya ngayon. At ’yon daw ang gusto n’yang mangyari, ang maging gabay ng bawat isa ang isa’t isa para magtagumpay rin sa kani-kanilang larangan. 

Sa dami nating ’to, siguro ang saya nu’n kung lahat tayo gina-guide natin ’yong isa’t isa. Para kung may natatapilok, may nangangarag, imbes na… Bukod sa kino-call out, why not start a community that helps one another… Why not start a community that helps and supports each other,” pagsa-suggest pa n’ya. 

Mga bakla tayo, okey lang na magbaklaan tayo pero hindi maganda kasi ’yong ‘nagpapagandahan’ tayo. Mas maganda kung lahat tayo maganda at lahat tayo sinusportahan natin ang kagandahan ng bawat isa. Let’s mark this night. Ito ’yong araw na susuportahan natin ang isa’t isa,” pagtatapos ni Vice. 

And because nag-effort ang mga beking um-attend sa kanilang mga outfit at paandar, namigay ng papremyo si Vice sa mga itinanghal na UnkabogaBALL Stars of the Night. 

Nakakuha tig Php10,000 ang tandem nila Jake Galvez and Martin de Leon, at si Julia Fresh matapos silang tanghalin bilang runners-up.

Wagi naman ng Php 100,000 si Awra dahil s’ya ang itinanghal na pinaka-UnkabogaBALL Star of the Night.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

PANOORIN ang highlights ng UnkabogaBALL 2021 sa vlog ni Vice Ganda dito:
 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.