Vice Ganda, sinarcastic ang mga bashers: “Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achievements? And, yumaman ba kayo? Ha? Hinde?! Syet, ang lungkot no’n ha!”

Vice Ganda on her and Ion Perez: “And also, I checked my room, nando’n pa rin ang jowa ko, nagpapahinga. Yes, kami pa rin! Masaya pa rin kami. Three years na!”

Photos: @praybeytbenjamin

Vice Ganda on her and Ion Perez: “And also, I checked my room, nando’n pa rin ang jowa ko, nagpapahinga. Yes, kami pa rin! Masaya pa rin kami. Three years na!”

Tila nasa urot mode si Vice Ganda nang i-post niya ang dalawang magkasunod na #factcheck #foryou videos niya sa TikTok kamakailan.

Tila naisipan lang niyang mag-TikTok habang bumibiyahe at ang naging focus niya sa video ay ang mga bashers niya, partikular ang mga tumutuligsa pa rin sa tatlong taong relasyon nila ni Ion Perez.

Nang basahin naman namin ang mga comments sa kanyang TikTok, karamihan naman ay tungkol pulitika ang bashing sa kanya.

Meron namang inuungkat muli ang ABS-CBN Shutdown.

Hindi matiyak kung alin sa mga bashing ang nagpakulo ng dugo niya that day pero without batting an eyelash siyang nagpaka-sarcastic sa nasabing TikTok post.

Sinimulan ni Vice ang video sa pagsasabi na na-realize daw niyang mas fresh at mas nag-improve ang hitsura niya.

Pagkatapos noon ay inisa-isa niya ang mga blessings niya sa buhay.

“Oh my god, ang fresh ko ngayon,” very unkabogabble na opening line niya. “And I realized, ang laki pala talaga ng inimprove ng itsura ko kumpara dati, ’no? 

“And I also realized, upon checking my check book, mas marami pala akong pera ngayon. Mas yumaman pala ’ko this year. And also, I checked my room, nando’n pa rin ang jowa ko, nagpapahinga. Yes, kami pa rin! Masaya pa rin kami. Three years na!

“And earlier, I also checked from my mom, sabi ng Nanay ko, sobra raw niyang happy kasi kagagaling lang namin sa America at sobra raw siyang nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.

“And also, I checked from my handler, may mga bago pala ’kong awards.  Oh my god, ang dami ko palang bagong achievements.”

Matapos ang litanya ng mga positive parts ng buhay niya, saka niya binalingan ang mga bashers niya.

“Now, I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo ngayon kesa dati? May jowa ba kayo? Masaya ba kayo?

“Kumusta ’yung nanay n’yo? ’Yung pamilya n’yo? Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achievements? And, yumaman ba kayo?

“Ha? Hinde?!  Syet, ang lungkot no’n ha! Nakakaloka, hindi? Ang sad…” patuloy na pananarkastic niya.

At saka ito may sinabi sa kanyang driver na, “Kuya, dumaan muna tayo sa simbahan. Ipagdarasal ko lang ’yung mga bashers ko para umasenso naman. 

“Kawawa…”

Sinagot naman si Vice ng driver na, “Sige po.”

“Sa mga fans and supporters ko, Hi! 

“Thanks for watching me. Sa mga bashers ko at ayaw sa akin, why...why are you watching me?”

At sa huling Instagram post ni Vice kunsaan, nag-post siyang muli ng picture nila ni Ion na may caption na, “Perpek!,” ay buong ningning na “asawa ko” ang naging tawag ni Ion sa kanya sa comment nito na: “@praybeytbenjamin nakaka lamang kana asawa ko ha!”

At nireplayan naman niya si Ion na: “@pereziion27 kala mo dyan ah!! Marami pa kong naitabi. Lolz.”

Samantala, balik It’s Showtime na si Vice simula noong Lunes, November 8.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.