Vice, napa-amin bang 7th monthsary na nila ni Ion Perez?

PHOTOS: @praybeytbenjamin, @ionperez_official, screengrab from iwantv

PHOTOS: @praybeytbenjamin, @ionperez_official, screengrab from iwantv

Kahapon, June 25, sa “Tawag ng Tanghalan” portion ng It’s Showtime ay tila hindi sinasadyang naibisto ni Vice Ganda at ng mga co-hosts niyang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na seven months na ang napapabalitang relasyon nina Vice at ang nauugnay sa kanyang si Ion Perez o mas kilala ng madlang people ng It’s Showtime as Kuya Escort.

Ini-interview nina Vice at Vhong ang singing contestant nila from Camarines Sur na nagngangalang JaySaint Aclan. At gaya nang nakakagawian, hinahaluan nila ng biro at punch lines ang pagi-interview.

At some point, habang nagbibitiw ng jokes ay nagkanda-utal-utal si Vice at siya mismo ang kumuwestiyon sa sarili.

“Bakit ba ako nauutal?” tanong ni Vice at pagkatapos ay in-exaggerate pa ang pag-utal.

“Alam ko na, anniversary n’yo ba?” sagot-tanong ni Vhong.

“Hindi,” sagot naman ni Vice.

“Monthsary?” sabat naman si Jhong Hilario na nasa sulok ng studio.

Sinakyan ito ni Vice ng: “Tapos na. Hahaha! Three days ago…Charot!” 

Pumapatak sa June 22 and date na sinasabi ni Vice na three days ago. Pero umaktong hindi kumbinsido si Vhong.

Ani Vhong: “Hindi ba ito ’yong date? 

Sa puntong iyon ay si Vhong at si Jhong na ang nag-usap habang panay naman ang pagsaway ni Vice sa dalawa. 

Ganito tumakbo ang banter nila:

Jhong: Monthsary lang

Vhong: Monthsary lang pala, monthsary.

Vice: Sssshhh!

Vhong: Ano ba monthsary or anniversary Jhong?

Jhong: Monthsary.

Vice: Ssshhh!

Jhong: Kita mo mamaya si Ion pito, pito, pito, pito….

(Habang binabanggit ang “pito” ay nag-demo pa ng dance step si Jhong.)

Vhong: Ah pito, akala ko anniversary… monthsary lang pala.

Vice: Ayaaan, ayaaan, ayaaan!

Jhong: Bilangin mo ’yong gano’n ni Ion mamaya…

Vhong: Pito.

Hindi nahagip ng camera kung ano ang sinasabing  “gano’n” ni Jhong pero umapela na si Vice na tila masyadong nang maraming nasasabi ang mga kasama.

Pero imbes na pabulaan ay naging defensive si Vice.

“Wala talaga tayong itatago dito?” kunwari ay galit na sabi ni Vice.  “Isisiwalat natin lahat!  Hahaha! Maraming salamat sa ibang mga programang pumoprotekta sa akin maliban sa sarili kong programa!”

Hirit naman ni Vhong kung sa GGV daw ba o sa Sunday night show niyang Gandang Gabi Vice ay protektado siya?

Imbes na sumagot ay birong binatukan ni Vice si Vhong at tuluyan na nitong iniliko sa ibang usapan.

Umm, nanggi-gilgil ako sa’yo, dito ka,” hatak ni Vice kay Vhong. “Nanggi-gigil ako sa suot mo mukhang lumang maleta…”

Vice has never confirmed nor deny his romantic involvement with Ion. At ganoon din naman si Ion. But their on-cam, gestures sa It’s Showtime, bagama’t panay dinadaan sa biro, seem to betray them. 

September 2018 nang maging regular si Ion, isang ramp model and male pageant winner from Tarlac, sa It’s Showtime bilang si Kuya Escort sa Miss Q&A portion ng show.

February this year pa sila nagsimulang ma-link ni Vice. March naman inamin ni Vice sa GGV that he’s in a romantic relationship bagama’t hindi ito pinangalanan. May naman ng openly silang nakitang magkasama sa Los Angeles, noong mag-concert si Vice doon. And just recently, sa book launch ng libro niyang Tutoy, Vice reportedly said na ang real score nila ni Ion ngayon ay: “I’m happy. He’s happy.”

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Vice Ganda, nakipagharutan sa isang fan na umattend ng kanyang concert

Vice Ganda answers random questions from Pikapika!

Vice says no to marriage

Vice Ganda answers Random NAUGHTY Questions from Pikapika!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.