Vicki Belo, itinuring na compliment ang paninita sa kanya sa senior citizen priority lane noong eleksyon

Medyo na-confuse daw si Dra. Vicki Belo kung matutuwa ba s’ya o maiinsulto sa nangyaring paninita sa kanya sa pila para sa senior citizen nitong nagdaang halalan.   “Ohh! Should I be mad or happy because she didn’t think I was a senior? And so I guess I’m happy!” saad niya. Itinuring pa niyang best compliment ever sa beauty niya ang naganap na paninita.

PHOTO: @victoria_belo on Instagram

Medyo na-confuse daw si Dra. Vicki Belo kung matutuwa ba s’ya o maiinsulto sa nangyaring paninita sa kanya sa pila para sa senior citizen nitong nagdaang halalan. “Ohh! Should I be mad or happy because she didn’t think I was a senior? And so I guess I’m happy!” saad niya. Itinuring pa niyang best compliment ever sa beauty niya ang naganap na paninita.

Medyo na-confuse daw si Dra. Vicki Belo kung matutuwa ba s’ya o maiinsulto sa nangyaring paninita sa kanya sa pila para sa senior citizen nitong nagdaang halalan. 

Ito ang k’welang ibinahagi ng beauty doctor sa short video na in-upload n’ya sa Instagram kahapon, May 12, na may caption na “My best ‘senior’ moment. [S]hould I be flattered or insulted?”

“Hi everyone! I’m about to go to work but I thought I’d share a story with you guys about what happened to me during election day. It’s just a light story because the mood is a bit heavy,” panimula ni Dra. Vicki, 65, sa video.

Sa kauna-unahang pagkakataon daw kasi, ginamit n’ya ang kanyang “senior card” para mabilis na makaboto dahil mahaba ang pila ng mga karaniwang botante. 

“So, last Monday, when I went to vote, I was with Hayden [Kho], Quark [Henares], Bianca, and Atom [Henares]. When we got there, ang haba ng line. Grabe!” pagtutuloy niya kuwento.

“So, for the first time, kahit ayokong aminin, umamin na po ako na senior na po ako. Kasi I saw the line in the seniors’, medyo short,” pagpapatuloy n’ya.

“So I went to the senior line and I said, ‘Excuse me po, is this the line for seniors?’ Sabi ng girl d’un, ‘Senior?’ Sabi ko, ‘Yes’ and she goes, ‘O sige, you sit here. What’s your number?’ whatever…”

Pero may umalma daw sa pagpila n’ya doon dahil inakala nitong hindi s’ya p’wede doon dahil hindi naman s’ya mukhang senior citizen. Sa tono daw nito ay tila inakala na ginagamit lang niya ang pagka-celebrity niya.

“And then when I sat there, bigla na lang narinig ko from the back, may medyo galit! Sabi niya, ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’” nakaka-aliw na pagbabaliktanaw ng celebrity dermatologist.

Hindi daw n’ya malaman kung magagalit siya dahil may nagreklamo sa pagpila n’ya sa priority lane o matutuwa dahil hindi nito nahalatang nasa mahigit sisenta anyos na s’ya. 

“Ohh! Should I be mad or happy because she didn’t think I was a senior? And so I guess I’m happy!” she said.

Ikinatuwa na lang daw n’ya ito sa huli at itinuring na isang magandang papuri. 

“Thank you very much! It’s the best compliment I’ve ever received ’cause it’s so genuine!” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Scarlet Snow joins her parents, celebrity doctors Vicki Belo and Hayden Kho, in planting trees; says they’re her "gift to the next generation."

Pika's Pick: Scarlet Snow Belo posts the most “pakilig” pic of the AshMatt couple!

Hayden Kho reveals the secret of his wife Vicki Belo’s “gorgeous and youthful” look in sweet birthday message to her

Doktora Vicki Belo, binistong dalawang beses nag-propose si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo; Sarah, umaming nakadantay kay Matteo sa pagtulog

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.