Vilma Santos, back out sa eleksyon

Ate Vi’s public service is not co-terminus daw with any government position. “Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.”

Photos: @rosavilmasantosrecto

Ate Vi’s public service is not co-terminus daw with any government position. “Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.”

Sa mga nakalipas na araw, marami ang nag-aabang kung ano ang magiging next political move ng kilalang Star for all Seasons at Batangas Representative na si Vilma Santos.

Tila may dalawang options daw ito—to run for Senate or to retire temporarily from politics.  

At sa araw na ito, October 7, kasabay ng pag-anunsiyo ni Vice President Leni Robredo na siya ay desidido nang tumakbo sa pagka-Presidente ng bansa sa May 2022 election, si Ate Vi (ang nakasanayang tawag sa kanya) naman ay nagdesisyon na hindi na muna tatakbo sa kahit na anong posisyon.

Pero sa statement niya na idinaan sa kanyang social media, sinabi naman niya na kahit wala siya sa posisyon, magpapatuloy pa rin daw siya sa pagseserbisyo sa mga kababayan at mga nangangailangan.

Sa kanyang Facebook, sinabi nitong may kinalaman ang pandemic sa kanyang pagde-desisyon.

“After careful consideration of the present situation especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in May 2022 elections.

“Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.

“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity.  Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo!

“Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming, maraming salamat po. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.”

 

Nagsimula ang political career ni Ate Vi noong 1998 at naging matagumpay siya sa bawat tinakbuhang posisyon mula noon. Mula sa tatlong termino niya bilang kauna-unahang lady mayor ng Lipa City, hanggang sa maging kauna-unahan ding lady governor ng Batangas province noong 2007. She is presently the representative of the 6th District of Batangas at ito ang posisyong iiwanan niya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.