Vilma Santos, “inihabilin” na kay Jane de Leon ang bato ni Darna; “Pangalagaan mo ’yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon.”

Dumaan man sa maraming aberya, mapapanood na finally ang Darna ni Jane de Leon kaya naman ganoon na lang ang excitement ng dalaga.  “Ito na po ’yong pagkakataon para ipakita sa buong mundo ’yong pinaghirapan ng production, lahat ng cast at mapa-director. S’yempre matagal na po itong hinintay ng sambayanang Pilipino at marami po kayong aabangan pag dating sa effects, sa costumes, sa mga villains, at s’yempre, sa bagong istorya ng Darna.”

PHOTOS: @rosavilmasantosrecto & @imjanedeleon on Instagram

Dumaan man sa maraming aberya, mapapanood na finally ang Darna ni Jane de Leon kaya naman ganoon na lang ang excitement ng dalaga. “Ito na po ’yong pagkakataon para ipakita sa buong mundo ’yong pinaghirapan ng production, lahat ng cast at mapa-director. S’yempre matagal na po itong hinintay ng sambayanang Pilipino at marami po kayong aabangan pag dating sa effects, sa costumes, sa mga villains, at s’yempre, sa bagong istorya ng Darna.”

Na-surprise ang young actress na si Jane de Leon sa naging video message sa kanya ni Star For All Season Vilma Santos

Naganap ito kahapon, August 7, sa media conference para sa pinagbibidahan n’yang teleseryeng Darna, na pinagbidahan din noon ni Ate Vi sa apat na versions ng pelikula. 

Hindi pa kasi opisyal na nagsisimula ang press conference nang ipapanood sa lahat ang video message ng dating Darna actress kaya naman talagang nagulat si Jane. 

At bakit naman hindi? Maituturing kasing si Ate Vi na isa sa pinakasikat na gumanap sa iconic Pinay superheroine na likha ni Mars Ravelo. 

Si Darna ay isang local heroine na crineate ni Mars Ravelo… Babaeng matapang at handang ipagtanggol ang sino mang nangangailangan,” panimula ni Ate Vi sa kanyang video message. 

Binalikan din n’ya ang apat na Darna movies na pinagbidahan n’ya noong kabataan n’ya. 

“I’m lucky enough na makagawa ng apat na Darna [movies]. ’Yong unang-una ko is Lipad, Darna, Lipad. ’Yon ang isa sa pinaka-memorable sa akin, directed by three directors, Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao, and Elwood Perez,” lahad ang actress-turned-public servant.

“And then I did Darna and the Giants, Darna vs. the Planet Women, and then ’yong last Darna ko was with Nino Muhlach, Darna and Ding,” she added. 

Inilarawan pa n’ya ang kagandahan ng fictional character na ito na p’wede paghugutan ng inspirasyon sa totoong buhay. 

“’Yong pagiging Darna, relevant ’yan, e, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay. ’Yong character n’ya ay nabibigay ng inspirasyon sa mga tao, na anybody could be a Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero,” pagliwanag pa n’ya. 

Kaya naman malaking karangalan daw para sa isang artista na mapagkatiwalaan ng ganitong kalaking role sa TV man o sa pelikula. 

Maraming nag-aasam na maging Darna at icon na ’yong character. Malaking malaking karangalan ’yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap na isang Darna,” aniya. 

At dito na nagbigay ng mensahe si Ate Vi sa bagong Darna na si Jane de Leon. 

Ngayon Jane, ikaw ay napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon, na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala, at meron pa ring pag-asa,” pag-a-address n’ya sa Kapamilya actress. 

Ang daming humawak ng batong ’yan. Ngayon Jane, nasa ’yo ang bato. Pangalagaan mo ’yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” pagtatapos n’ya. 

Hindi naman naikubli ni Jane ang pagkabigla sa napanood n’ya. Hindi daw n’ya inasahan na paglalaanan ni Ate Vi ang pagbibigay mensahe at suporta para sa kanya. 

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala. Actually, hindi ko po in-expect na meron po akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko po talaga ’yong best ko para sa inyong lahat. Maraming maraming salamat po,” pahayag ng aktres. 

Excited na din umano s’yang ipakita sa mga manonood ang pinaghirapan nila, na sa kabila ng mga problemang na-encounter nila ay heto’t maipapalabas na sa wakas ang Darna

Ito na po ’yong pagkakataon para ipakita sa buong mundo ’yong pinaghirapan ng production, lahat ng cast at mapa-director. S’yempre matagal na po itong hinintay ng sambayanang Pilipino at marami po kayong aabangan pag dating sa effects, sa costumes, sa mga villains, at s’yempre, sa bagong istorya ng Darna,” patatapos ni Jane. 

Mapapanood ang Darna ni Jane de Leon, together with Janella Salvador, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, and more, simula August 15 sa A2Z, TV5, and other ABS-CBN online platforms.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jane De Leon expresses sadness over postponement of "Darna"

Jane De Leon and Angel Locsin quash conflict speculations as they talk via video call

Jane De Leon is already a hero after donating ABS-CBN Ball prize to Bantay Bata

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.