Vin Abrenica answers question about men who can’t resist temptation

“Well, [number] one, lahat naman is nate-tempt. Well, ’yong statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist ’yong guy…well, I think that is unfair.” 

PHOTOS: @vinabrenica on Instagram

“Well, [number] one, lahat naman is nate-tempt. Well, ’yong statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist ’yong guy…well, I think that is unfair.” 

Sinagot ng aktor na si Vin Abrenica kung naniniwala ba s’yang hindi kayang humindi ng mga lalaki sa tukso.

Natanong kasi ito sa kanya ng fiancée n’yang si Sophie Albert sa latest vlog entry nila sa YouTube entited “Questions We've Never Asked Each Other + Mukbang” na in-upload last July 17.

Dito ay deretsahang tinanong ng Kapuso actress si Vin na “Do you really believe that men can’t resist temptation if temptation is there?”

Tila nag-ugat ang tanong sa hiwalayan ng utol ni Vin na si Aljur Abrenica at misis nitong si Kylie Padilla dahil sa isyu ng pambababae diumano ni Aljur.

Panimula ni Vin, unfair daw na sa mga lalaki lang ina-associate ang “cheating” at “temptation” dahil lahat naman daw ng tao ay natutukso. 

“Well, [number] one, lahat naman is nate-tempt. Well, ’yong statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist ’yong guy…well, I think that is unfair,” paliwanag ng aktor kay Sophie. 

Aniya, lahat naman daw ay binigyan ng free will at nasa tao na ’yon kung ano ang pipiliin n’ya.

Meron talagang temptation na nangyayari sa’tin pero ang nakakalimutan ng statement na yan is ‘God gave us a choice’ and that’s His gift to humans, ’di ba?” pagpapatuloy n’ya. 

Binigyan N’ya tayo ng choice to choose what’s right and what’s wrong. May taong cheater...will he always be a cheater all his life? Parang alam mo ’yon? It’s a choice. He chose to cheat or he chose to be tempted.”

Pagdidiin pa n’ya, “I think that’s unfair for guys…it’s not about the matter of sex o biology. Kung lalaki ka o babae ka.

Mas mabuti daw na pag-usapan muna ng mag-partner ang mga gusto at ayaw nila. 

“If it’s not working in the first place, kapag hindi mo nakuha [’yong gusto mo], why would you get something from other girls? ’Di ba, why not consult your partner first?” lahad pa ni Vin.

Sabihin ko sa’yo, ‘This is what I want. Hindi mo mabigay? Then, okay. If hindi mo mabigay sa akin ’yon, I think ’yong relationship natin might be at risk.’”

Dagdag pa n’ya, kung hindi magkakasundo ang mag-asawa o magkasintahan ay mas okey na maghiwalay na lang sila para magawa nila ang mga gusto nila, individually.

“Then, kung makapag-agree nga kayo na at risk nga ’yong relationship, kung ayaw pa rin ninyo ang isa’t-isa then, at least, you have a closure first. E di, maghiwalay kayo then do the stuff that you want to do, ’di ba?” sey pa n’ya kay Sophie.

“Choose. At least you’re not gonna cheat but you gonna do what you want that can satisfy you. Ang pinaka ano talaga sa akin is you have a choice; you always have a choice,” pagtatapos ni Vin.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vin Abrenica and Sophie Albert share a new relationship milestone: “WE ARE MOVING IN TOGETHER!!!”

Aminadong dating bully, Vin Abrenica, ini-isa-isa ang mga dating biktima para hingan ng tawad

Sophie Albert embraces challenging roles on-screen

Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.