Vin Abrenica, pinagselosan sina Jericho Rosales at Derek Ramsay

SCREENSHOT: Vin & Sophie on YouTube; INSET: @jerichorosalesofficial & @ramsayderek07 on Instagram

SCREENSHOT: Vin & Sophie on YouTube; INSET: @jerichorosalesofficial & @ramsayderek07 on Instagram

Pinagselosan daw ng Kapamilya actor na si Vin Abrenica ang mga aktor na sina Jericho Rosales at Derek Ramsay

Nagkaaminan kasi sila ng girlfriend n’yang si Sophie Albert sa latest vlog entry nila na in-upload sa YouTube last March 21 kung saan sinagot nila ang mga tanong mula sa kanilang mga fans na tungkol sa kanilang mga pinagselosan. 

Isa sa naitanong sa kanila ay kung nagselos daw ba si Vin nang maka-partner ni Sophie ang childhood crush nitong si Jericho Rosales sa isang wedding bilang part ng entourage. 

Oo. Nagselos talaga ako,” straight forward na sagot ni Vin. 

“He knows Echo [nickname ni Jericho] as my childhood crush. All-time crush pala not just childhood,” sey ni Sophie. 

Patawang dagdag naman ng aktor, “Yeah. He’s also my childhood crush. 

Bukod pa doon ay may nagtanong din kung may pinagselosan ba sila na mga naging co-actors ng isa’t isa. 

Dito na nabanggit ni Vin ang pangalan ng Kapuso leading man na si Derek Ramsay.

“Derek Ramsay,” mabilis na sagot ng aktor. “I have a reason why. Boys would understand me on this, even girls.”

Nangyari daw ito noong time na sa TV5 pa silang tatlo. Sa reality show na Artista Academy kasi na umere noong 2012 sa Kapatid network na-discover sina Vin at Sophie. 

“We [he and Sophie] were together and we were already boyfriend and girlfriend,” dagdag pa ni Vin

Wala naman daw s’yang galit o inis kay Derek pero hindi daw n'ya nagustuhan ay ang naging sagot ni Sophie nang magtanong ang 44 year-old Filipino-British actor kung may boyfriend na s’ya. 

“I have nothing against Derek. Derek is a good friend of mine. He’s a cool dude. Tropa talaga ‘yan,” paliwanag pa ng actor-vlogger sa video. “Si Bianca, tinanong n’ya [ni Derek] back then [if] ‘Do you have a boyfriend?’ And you know what she [Sophie] said? ‘I’m seeing somebody.’”

Hirit naman sa kanya ni Sophie: “Isn’t that the same thing?”

Ayaw naman itong tanggapin ni Vin. 

“No, no. It’s not the same thing,” giit n’ya. “Derek is in the same network, that was in TV5. Ako, ikaw, s’ya. Magkakasama tayong lahat. I was there. He knows me too… Kunwari, ‘Do you have a boyfriend?’ ‘Si Vin.’ Kilala n’ya naman ‘yon, e. Kilala n’ya ako, e.

Katuwiran naman ni Sophie, mas okey na daw na ganu’n ang naging sagot n’ya kesa sabihing totally single s’ya. Bawal pa daw kasi nila isapubliko ang kanilang relasyon noong panahong ‘yon. 

“Yeah, but in my defense, special case sa kanya,” esplika ng aktres. “In my defense, at that time, we did not admit that we were together. So I wasn’t close to Derek. It was like the first time I had a conversation with him or I met him.”

Pagsang-ayon pa ni Vin sa kasintahan, “‘Yon nga ‘yong time na pinapa-deny tayo sa isa’t isa.” 

So s’yempre, I said I’m seeing someone. For me nga, that was my way of being loyal na ‘I’m seeing someone’ instead of saying like, ‘No, I’m single,’” balik pa ni Sophie sa nobyo. 

Still, hindi ito tinanggap ni Vin. 

Hindi n’ya naa-appreciate,” naikomento na lang ni Sophie sa naging reaksyon ng nobyong aktor. 

“Reverse psychology, guys. Don’t fall for that,” natatawang paalala naman ni Vin sa viewers. 

At nang chance na si Sophie, inilahad n’ya na may pinagselosan s’yang female co-actor ni Vin pero hindi n’ya ito pinangalanan. 

“There’s this girl kasi na nakita ko na mini-message n’ya ‘to [si Vin] tapos tinatawag n’yang ‘baby,’” medyo iritableng k’wento ng aktres. 

“Of course, it pissed me off, ‘di ba?” pagpapatuloy pa n’ya. “Kasi I’ve never experienced any of my on-screen partners have a pet name for me or call me ‘baby.’ So parang, ‘Anong landian ang nagaganap dito, no?’”

Paliwanag naman ni Vin sa kanya, “I am the youngest kasi that time. Everybody calls me ‘baby’ on the set. ‘Baby Boy.’ And you know that I’m the youngest on the set.” 

Hindi naman umubra kay Sophie ang paliwanag ni Vin at nanatiling naka-poker face.

Last February 6 nang ipaalam nina Vin at Sophie sa kanilang fans ang plano nilang magsama na sa iisang bahay. February 13 naman nang isapubliko nila ang kanilang naging engagement na naganap pa noong December 2020, at kinabukasan nu’n, February 14, ay ang pag-anunsyo naman nila ng kanilang paparating na baby.

Nitong March 15 naman nang isilang ni Sophie ang baby girl nila ni Vin.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ang latest sa tingi-tinging reveal ng celebrity couple na sina Sophie Albert and Vin Abrenica: they are pregnant with their first child!

Pika's Pick: Kapuso actress Sophie Albert gives birth to her baby girl

Vin Abrenica and Sophie Albert share a new relationship milestone: “WE ARE MOVING IN TOGETHER!!!”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.