Vince Rillon, binistong naglalagay ng alak sa halo-halo noong araw si Baron Geisler; Baron, naisahan daw ni Direk Dante Mendoza nang pagawain siya nito pitong love scenes sa Pusoy

First time daw magpaka-totally daring ni Baron Geisler sa isang pelikula. Daring the sense na kumasa siya sa maiinit na love scenes in the nude. At hindi umano ito madali. “It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes,” pagdidiin niya. “And sa lahat ng mga eksena, 'yung love scenes talaga 'yung pinakamahirap gawin kesa sa barilan at takbuhan. Akala n'yo, nag-e-enjoy kami [ni Janelle Tee], nanginginig kami. “Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva na hindi po pumasok sa Pornhub,” dagdag-biro pa niya na ang tinutukoy ay ang isang sikat na porn site.

Photos: Vivamax

First time daw magpaka-totally daring ni Baron Geisler sa isang pelikula. Daring the sense na kumasa siya sa maiinit na love scenes in the nude. At hindi umano ito madali. “It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes,” pagdidiin niya. “And sa lahat ng mga eksena, 'yung love scenes talaga 'yung pinakamahirap gawin kesa sa barilan at takbuhan. Akala n'yo, nag-e-enjoy kami [ni Janelle Tee], nanginginig kami. “Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva na hindi po pumasok sa Pornhub,” dagdag-biro pa niya na ang tinutukoy ay ang isang sikat na porn site.

Bata palang daw at bagito sa showbiz si Pusoy lead star Vince Rillon ay nakasama na niya ang mahusay na aktor na si Baron Geisler sa ilang proyekto kaya naman idolo daw niya ang beteranong aktor. Marami umano siyang natutunan dito lalo na sa craft ng pag-arte.

Dahil sa sinabi, natanong si Vince—during the Pusoy media conference right after a press screening—kung anu-ano raw ang mga natutunan niyang ito.

“Tulad po ng pag-inom sa set,” pabirong pasok ni Vince.  “Hindi ko na po ginagawa kasi nakikita ko na po ’yun sa kanya dati po, dati po!” 

Nagkunwari naman si Baron na sasakalin si Vince dahil sa kanyang hirit.

“Matalino nga pong bata itong si Vince,” singit ni Baron. “Napakatalino po. Ito po dapat ang inyong idolohin.”

“Dati-dating ginawa po naming...mautak po siya, e,  umo-order siya ng halo-halo...” patuloy ni Vince na bigla rin niyang inihinto at lumingon muna kay Baron na waring humingi ng permiso sa kanyang ikukuwento.

“Akala ko talaga halo-halo,” dugtong niya. “Nilalagyan niya pala ng alak, ng gin.  Halo-halo may gin?  Basta’t kung gusto niyang uminom, iinom talaga siya.”

However, nilinaw ni Vince na dati ’yon at hindi na umano nangyayari ngayon.

“Pero ngayon, ang laki na ng ipinagbago niya. Siguro po takot lang kay Direk Brillante.”

Natatawang akay naman ni Baron: “Takot ako kay Boss Vic [del Rosario].”

Samantala, napag-usapan din sa press conference ang pagsabak ni Baron sa mga love scenes with Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee, who is playing as his scheming mistress in Pusoy; while he plays an underground gambling syndicate head.

Aniya, bukod daw sa pag-gamit ng sex toys—na binili pa ni Direk Dante online—sa mga eksena, hindi raw akalain ni Baron na pito pala ang love scenes niya sa pelikula.

Hindi nga kasi uso kay Direk Dante ang may actual printed script. Style na nito na sa araw mismo ng shoot ay saka lang sasabihin sa’yo ang gagawin mo.

Nang sabihan daw siya na gagawa sila ng pelikula ni Vince at siya ang kontrabida, na-excite daw siya dahil nga type niya ang karakter na kontrabida.

“Next day, nag-meeting na kami. Sabi niya [Direk Brillante], ‘O, maganda ang mga eksena rito, ha? O, ’wag kang iinom, ha?'

“Tapos, biglang pag dating na du’n (set), ‘Baron, mag-plaster ka na,’” pangre-re-enact niya ng palitan nila ni Direk Dante.

"Nagulat ako, 'Ho?'

“'May pitong sexy scenes ka rito.’”

Nabigla man, he’s not one to back out of challenging roles.

“So, pinanindigan ko na lang kasi naniniwala ako kay Direk Phil at saka kay Direk Brillante na hindi ako maka-hindi bilang producer [siya] at hindi lang pang-Vivamax ito, maaaring pang-ibang bansa.

“So, grateful. Pero naisahan po ako ni Direk. 'Langya ka,” kambiyo nito kay Direk Dante.

Aniya, bukod sa first time na paggamit na sex toys—hindi lang sa eksena, even in real life daw ay never pa—first time din ni Baron na mag-nude sa isang eksena, kung saan nai-tampok ang kanyang behind.

Sana daw ay hindi ma-turn off ang mga tao sa makikita nila lalo pa’t tastefully done naman daw ang nasabing partikular na eksena.

“Sana, hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scenes ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat.

“Mas maraming laman na ipinakita. Good luck sa asawa ko!” natatawang sambit pa niya. “I think nag-improve. Kung makikita n'yo naman po, hindi naman nakabulatlat. Tastefully done pa rin naman.

“Of course, nandoon pa rin 'yung tema ng Vivamax, pero tastefully done. My first time to wear nothing. Mabuti na lang, nandoon si Direk Brillante para i-guide kami sa mga sexy scenes.”

“It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes,” pagdidiin niya. “And sa lahat ng mga eksena, 'yung love scenes talaga 'yung pinakamahirap gawin kesa sa barilan at takbuhan. Akala n'yo, nag-e-enjoy kami, nanginginig kami.

“Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva na hindi po pumasok sa Pornhub,” dagdag-biro pa niya na ang tinutukoy ay ang isang sikat na porn site.

Isang eksena rin daw ang pinangatawanan na niya kahit sa isip niya ay nag-aalanganin siya. Ito raw ay ang foot fetish scene niya with Janelle, kung saan kailangan niyang isubo ang mga daliri nito sa paa.

Hindi raw kasi nagka-cut si Direk Phil Giordano kaya’t tuloy-tuloy lang din siya.

“Hindi nga po nag-alcohol ng paa [si Janelle]. Hahahaha!  Pag ganu’n ko, may sabit! Hindi nagka-cut si Direk kaya itinuluy-tuloy ko na lang!” tumawang kuwento ng aktor.

Kasalukuyang nag-i-streaming na sa Vivamax ang Pusoy. Bukod kina Baron, Janelle at Vince ay kasama rin sa pelikula sina Jela Cuenca at Angeli Khang. Ito ay mula sa Viva Films at sa Centerstage Productions ni Direk Dante Mendoza.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.