Vince Rillon, na-distract sa “kargada” ni Paolo Gumabao sa isang eksena nila sa Sisid ng Vivamax Plus

Sa January 19 na mapapanood ang Sisid sa Vivamax Plus at meron silang pa-world premiere—with matching meet and greet sa cast at kay Direk Dante—on January 18 at 7PM. P499 lang ang tickets.

Photos: Vivamax and @brillante_mendoza

Sa January 19 na mapapanood ang Sisid sa Vivamax Plus at meron silang pa-world premiere—with matching meet and greet sa cast at kay Direk Dante—on January 18 at 7PM. P499 lang ang tickets.

Tatlo na ang natapos na pelikula ni Direk Brillante “Dante” Mendoza para sa Vivamax—ang lesbian movie na Palitan (na nag-Number one sa Vivamax at kasalukuyan pa ring streaming), ang BL (Boys Love) movie na Sisid, at ang horror na Bahay na Pula (starring Julia Barretto and Marco Gumabao) na pawang kinuhanan sa Pola, Oriental Mindoro.

Tila mas nauna pang natapos ni Direk Dante ang Vince Rillon-Paolo Gumabao starrer na Sisid kaya lang ay mas naunang ipinalabas ang Palitan. But now na ipalalabas na ang Sisid, uunahin muna ito sa VivamaxPlus, ang Transactional Video on Demand (TVOD) service ng Vivamax para doon sa mga nais maka-una.

Naka-kwentuhan namin si Direk Dante kamakailan, along with other entertainment writers, and according to him, Sisid ang kino-consider niyang first BL (Boys Love) project niya kahit na nakagawa na siya noon ng similar project called Pantasya (2007), a five-episode digital feature.

“Pantasya? Matagal na ’yon at saka wala pa akong kamulatan doon,” natatawang k’wento niya.

Bakit daw sa tinagal-tagal ay ngayon pa siya nag-BL? Nakikiuso daw ba ang Cannes International Film Festival director? 

“Wala lang, enjoy din siyang gawin kasi unang una challenge din siya,” kaswal na tsika niya. “Parang paano magiging interesting ang isang BL?”

Ang Sisid ay tungkol sa isang married guy (Paolo Gumabao) na magpo-fall sa isang father-to-be younger guy (Vince Rillon).

That should be interesting enough. Marami agad paano at bakit?

And mga bidang sina Vince at Paolo ay kapwa palaban. Sila ang mga tipo ng aktor na noong pinasok ang showbiz ay itinapon na nila ang inhibitions lalo pa’t kapwa sila nalilinya sa mga sexy-drama movies.

Pareho na silang nakapag-frontal nudity sa mga nauna nilang pelikula. In Vince’s case, sa yet unreleased film na Pula (another Dante Mendoza film na pinagbibidahan ni Coco Martin at Julia Montes), while si Paolo ay sa first starring role niyang Lockdown last year.

Dito kaya sa Sisid, meron din?

Ayaw i-detalye ni Direk. Basta raw ang mga aktor niya ay wala ni katiting na inhibition kaya’t napaka-sasarap ka-trabaho.

“Lalong-lalo na si Paolo Gumabao, sobrang game niya... sobrang game siya. Wala talaga siyang arte,” papuri ni Direk sa kapatid ni Marco Gumabao.

At dahil doon, sinisiguro ni Direk na maraming hubaran scenes ang dalawa.

“Marami kasi silang bed scenes [ni Vince]...

meron silang tatlong major-major na talagang love scenes doon na wala talaga silang saplot. Wala silang plaster. Kasi hindi naman sila nagpa-plaster na dalawa.”

At dahil maseselan ang eksena, literal na nagka-“espadahan” daw ang dalawa.

“Kinuk’wento nga ni Vince, sabi daw niya kay Paolo, ‘Pare, parang naramdaman ko ’yong ano mo, ha.” 

May pagkakataon din daw na hindi sinasadyang makiliti ni Vince sa bigote ni Paolo.

“Nu’ng bumababa si Paolo kay Vince, nandidito na siya [sa may pusod] ni Vince, sabi ni Vince nakikiliti na siya sa bigote niya kasi nandidito na siya sa baba.”

Pero pinaka-tawang-tawa si Direk no’ng minsang magrekamo si Vince dahil nadi-distract ito sa kargada ni Paolo.

“Wala nga kasi silang pakialam, e. Pag nagsu-shooting naman kami wala namang ano [tao] at saka nasa character na sila, ganyan-ganyan.

“E, naka-ano na pala ang nota ni Paolo sa mukha ni Vince. Sabi niyang ganu’n, ‘Pare, ’yong titi mo takpan mo.’ Hahaha. Tinakpan naman agad ni Paolo. Kasi nandidito na sa muka niya,” k’wento ni Direk with matching demo. 

“Kasi ’yong eksena, naka-ganun sa kanya parang bino-blowjob [siya] ni Vince, e,” natatawang pagtatapos ni Direk.

(E, hindi nga uso sa dalawa ang plaster, diba? Kaya ayon.)

Kaya kung may pinag-usapang “pasilip” sa Palitan ni Direk Dante, malamang ay may gugulat din sa atin dito sa Sisid.

Sa January 19 na mapapanood ang Sisid sa Vivamax Plus at meron silang pa-world premiere—with matching meet and greet sa cast at kay Direk Dante—on January 18 at 7PM. P499 lang ang tickets.

Sa mga hindi pa pamilyar sa Vivamax Plus, you don’t need an active subscription to avail of Vivamax Plus. All you need is to purchase viewing access to the film that you want.

Vivamax Plus content is available for purchase via the app, or via the website using your Paymaya account or credit/debit card.

Here’s how you can get exclusive access:

Register or sign in using the Vivamax app or at vivamax.net

Scroll to the Vivamax Plus content rail and tap on the content you want to purchase.

Click on Purchase Access Now and complete the payment transaction.

That’s it.

Alamin kung gaano kalalim ang pag-ibig on January 18.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.