Vince Rillon, na-lowbat sa extended bed scene nila ni Ayanna Misola sa L; “Nahirapan talaga ako at pagod na pagod ako.”

PHOTOS: Viva

PHOTOS: Viva

Hindi itinanggi ng sexy actor na si Vince Rillon na talagang napagod s’ya sa naging bed scene nila ng co-star n’yang si Ayanna Misola

Inamin n’ya mismo ito sa virtual media conference ng pinagbibidahan n’yang digital three-part erotic series na L, kung saan apat na nagseseksihang aktres ang kanyang mga kapareha, sina Ayanna Misola, Cara Gonzales, Stephanie Raz, at Cloe Barreto.

Si Ayanna ang katambal ni Vince sa “Larawan,” na first episode ng L, kung saan nagkaroon sila ng extended bed scene. Ang “Liko” at “Lipat” ang ikalawa at ikatlong episode ng online series.

Kaya naman natanong ng entertainment press kung ano ang kaibahan na nito sa mga previous sexy-drama movies na nagawa na nila before. 

Ayon kay Vince, ibang-iba at todo daw ang ginawa nilang mapangahas na esksena kumpara sa mga nagawa na nila noon. 

Masasabi kong iba kasi yong direktor din kasi tinatanong po ako na, ‘Nagawa mo ba ’to?’ Okay.’ Doon na tayo sa may sexy scene agad. ‘Nagawa mo na ba ’yong ganito sa sexy scene sa ibang pelikula?’ Sabi ko, ‘Direk, hindi pa,’” pagbabalik-tanaw ng aktor.

Dagdag pa n’ya, talagang napagod daw s’ya nang gawin nila ni Ayanna ang eksena na tumagal daw ng dalawang oras.  

Masasabi kong pagod na pagod ako sa eksena namin ni Ayanna doon sa mga sexy scenes namin. Kasi kakaiba. Pinapanood pa kami ni direk ng peg ng kung anong gagawin namin sa kama, kung anong posisyon,” lahad ni Vince. 

Halos makatulog na nga daw sila sa pagod pagkatapos nilang ma-shoot ang extended sex scene. 

Nahirapan talaga ako at pagod na pagod ako. Nakita nila direk na after naming mag-take ng ganu’n tahimik na ako sa gilid. Umiidlip na ako. Si Ayanna umiidlip na rin sa gilid,” natatawang pag-amin pa ng Viva actor.

Pagpapatuloy pa n’ya: “Pag nagka-cut ’yong direktor nasa gilid lang kami. Para kaming lowbat, ganu’n. As in, challenging at kakaiba dahil nga ’yong direktor hinigitan n’ya ’yong mga nagdaan naming pelikula sa sexy scene. So, masasabi ko na pagod ako.

Kinumpirma naman ni Ayanna na totoong napagod sila sa mainit na eksena nila ni Vince at hinigitan pa raw nito ang launching movie n’ya na Kinsenas, Katapusan. 

Sobrang intense ng mga scenes namin—as in, two hours naming shinoot ang love scene namin du’n sa…kung napanood n’yo,” nambibiting pahayag ng aktres. 

Available na for streaming ang “Larawan” episode simula pa noong February 27 sa Vivamax habang ang “Liko” episode naman ay mapapanood na simula sa March 6 sa Vivamax pa rin.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.