Viral na tawa ni Kuya Kim, tinapay pala ang dahilan

Ang video clip ng pagpipigil ng tawa ni Kuya Kim Atienza while reporting the weather condition sa TV Patrol kagabi, August 5, ay agad na nag-viral dahil kinatuwaan ito ng mga Netizens. Pero bukod pa doon, na-curious din kasi ang Netizens kung ano ang dahilan nang di niya mapigilang pag-bungisngis

PHOTOS: @kuyakim_atienza on Instagram & TV Patrol on YouTube

Ang video clip ng pagpipigil ng tawa ni Kuya Kim Atienza while reporting the weather condition sa TV Patrol kagabi, August 5, ay agad na nag-viral dahil kinatuwaan ito ng mga Netizens. Pero bukod pa doon, na-curious din kasi ang Netizens kung ano ang dahilan nang di niya mapigilang pag-bungisngis

Ang salitang “tinapay” pala ang naging ugat kung bakit hindi napigilan ni weatherman Kuya Kim Atienza ang pagtawa sa gitna ng kanyang pagre-report sa kanyang segment na “Weather Weather Lang” at “Kaunting Kaalaman” sa TV Patrol kagabi, August 5.

Ang video clip ng kanyang pagpipigil tawa while reporting ay agad na nag-viral dahil kinatuwaan ito ng mga Netizens. Pero bukod pa doon, na-curious kasi ang Netizens kung ano ang dahilan nang di niya mapigilang pag-bungisngis.

Susog pa ng Netizens, i-share naman daw ni Kuya Kim ang dahilan para mas sumaya pa sila. 

Hindi naman nabigo ang Netizens dahil agad na nag-offer ng paliwanag on his behalf si TV Patrol showbiz anchor Gretchen Fullido sa kanyang Instagram video post kagabi rin. At ayon sa kanya tinapay daw ang naging dahilan.

“BAKIT NAGTRENDING SI KUYA KIM KANINA. WAIT FOR IT!!! I DIEEEE," pahayag ng Kapamilya reporter sa kanyang IG post. 

Base sa video post, hinamon pala ni Gretchen si Kuya Kim na isingit o banggitin ang salitang “tinapay” sa kanyang weather report kahit wala ’yon sa script. Pero paglilinaw niya later on, si Kuya Kim din mismo ang nag-udyok kay Gretchen na i-dare siya nito.

Tugon ni Kuya Kim sa hamon: “Sisiw.

Bago mag-on-cam report ay siniguro pa niyang magagawa niya ang hamon nang hindi masisira ang essence ng kanyang report.

On-cam, effortless ngang naitawid ni Kuya Kim ang tinapay challenge sa kanyang pag-a-ad-lib sa gitna ng weather report. 

Ani Kuya Kim sa kanyang report: “Sa mga lalabas para magbakuna, magbaon po tayo ng payong at magdala po ng pagkain gaya po ng tinapay para hindi po tayo magutom habang naghihintay.

Pero makalipas ang ilang saglit, habang nakasalang pa rin on-camera, ay bigla na lang s’yang natawa pero pilit pinipigilan n’ya ’yon. ’Yon nga lang, habang nagpipigil ay lalong pumupuslit ang kanyang tawa.

Umabot pa ang pagpipigil ni Kuya Kim hanggang sa “Kaalaman” segment n’ya, ang trivia segment na karugtong ng weather report, pero talagang tawang-tawa s’ya habang nagsasalita. 

Komento ni Gretchen pagkatapos mag-report ni Kuya Kim, “Nasabi nga niya iyong tinapay, iyong trivia naman niya, laugh trip.”

Sumbong naman ni Kuya Kim kay main anchor Kabayan Noli de Castro, “Ito ginugulo ako, e!

Salag naman ni Gretchen, “Wala akong ginagawa, tawang-tawa siya sa sarili niya!
 
Wala na nga tayong suweldo, matatanggalan pa tayo ng trabaho!” saad pa ni Kuya Kim. 

As of press time ay umabot na sa 80K views ang Instagram video post ni Gretchen. 

Sana nag-enjoy kayo, guys. At kahit naka-lockdown tayo ulit-ulitin n’yo na lang ’tong panoorin,” natatawang pagtatapos n’ya.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Kuya Kim Atienza remembers the late veteran actor-comedian Bernardo Bernardo in a throwback post

Pika's Pick: Kuya Kim Atienza revisits golfing to bond with his first born, Jose, who is set to leave to study in Boston

Pika's Pick: Kuya Kim Atienza expresses love and gratitude to his birthday celebrant father, Cong. Lito Atienza; says "thank you for always believing in me."

Kuya Kim Atienza shoots down fake news saying he was in critical condition to pacify alarmed friends

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.