Viva Hot Babes, baby at magandang married life ang birthday wish para kay Andrea Del Rosario

Ano kaya ang birthday wish ng Viva Hot Babes sa kanilang miyembro na si Andrea Del Rosario? Scroll down below to find out!

PHOTOS: @andreadelrosariovm on Instagram (L) and Anna Pingol (R)

Ano kaya ang birthday wish ng Viva Hot Babes sa kanilang miyembro na si Andrea Del Rosario? Scroll down below to find out!

Noong 2003, ang Viva Entertainment, headed by movie mogul Vicente “Boss Vic” Del Rosario, Jr., ay nag-launch ng siyam na sexy at magagandang babae na kumakanta at sumasayaw ng mga naughty at sexy songs.

Ito ang Viva Hot Babes. Sa kanilang career, nakapaglabas sila ng three albums, kasama na dito ang Bulaklak, which is the title of their biggest hit song. Although, nag-disband na sila noong 2008 para mag-pokus sa ibang ventures, hindi ito nakapigil sa kanila na mag-reunion from time-to-time.

Katulad kaninang umaga, November 27, sa Wack Wack Road Condominium sa Mandaluyong City, nagkaroon ng photoshoot ang Viva Hot Babes, namely sina Andrea Del Rosario, Gwen Zamora, Zara Lopez, Maui Taylor, Katya Santos, at Sheree, para sa men’s lifestyle website na AO.MNL.

Subalit, hindi lang photoshoot ang kanilang pakay doon kundi para ipagdiwang din ang 41st birthday ni Andrea. Sinurprise nila ito ng cake at isa-isa nilang binigyan si Andrea ng birthday wish.

“Well, I hope soon magka-baby na siya,” sabi ni Gwen. “Sana si Anthony na ang [kanyang] forever.”

Ang polo player na si Anthony Garcia ang tinutukoy ni Gwen. Kasalukuyang miyembro si Anthony ng Philippine polo team para sa Southeast Asian Games.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Del Rosario (@andreadelrosariovm) on

Humugot naman si Zara na sinabing naka’y Andrea na ang lahat dahil meron na itong stability sa buhay at may love life pa, ngunit wish niya rin ay magka-baby na rin ang aktres.

Parang lahat naman ata baby [ang wish para kay Andrea],” puna ni Maui. “Pero gusto ko sana baby boy.”

Magandang married life naman ang wish ni Katya, na sinamahan ng tawa ng lahat ng Viva Hot Babes.

Sana magtagal kayo ’pag nagpakasal kayo,” sabi ni Katya. “Totoo naman, [’di ba?] Lahat ng nagapapakasal, naghihiwalay din! Kaya huwag ka na magpakasal! ’Di, joke lang. I hope na mag-last talaga ang marriage niyo. Make it right.”

Baby twins naman at magandang sex life ang hiling ni Sheree for Andrea.

Ako, ang wish ko kay Andrea ay sana magkaroon siya ng twins na baby,” sagot niya. “Tsaka sana si Anthony na ’yong forever niya. Tsaka sana hindi sila magkasawaan sa sex life nila! Hanggang 60 na sila! Dapat kailangan hanggang 60 or 70, kailangan nagse-sex pa rin kayo. ’Yon lang wish ko.

At huli, ang birthday wish naman ni Andrea para sa sarili niya ay kapag nagkareunion daw sila ten years from now, ganoon pa rin ang itsura nilang mag-kapwa Viva Hot Babes.

Maalala natin na noong May 2016, tumakbo si Andrea para sa posisyon ng Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Nanalo siya sa eleksyon at ginampanan ang kanyang role bilang public servant simula noong June 2016 hanggang nitong June 2019.

PHOTO: @andreadelrosariovm on Instagram

Happy birthday, Andrea! We wish you all the best! 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.