Vivamax sexy newbie na si Angelica Cervantes, 2021 lang nakilala ang tatay niya

Kahit natagpuan na n’ya ang amang matagal n’yang hinanap, tila wala pang plano ang showbiz newbie na si Angelica Cerventes na makipagkita dito in person.  “Kasi ako, honestly, okey na po ako. Malaman ko lang po na okey s’ya…saka okey na po ako, na-meet ko ang mga kapatid ko [online]. Hindi ko pa po sila nami-meet in person, ha. Nakausap ko lang po. Okey na po ako,” pagpapakatotoo n’ya.

PHOTO: @anglcrvnts_ on Instagram

Kahit natagpuan na n’ya ang amang matagal n’yang hinanap, tila wala pang plano ang showbiz newbie na si Angelica Cerventes na makipagkita dito in person. “Kasi ako, honestly, okey na po ako. Malaman ko lang po na okey s’ya…saka okey na po ako, na-meet ko ang mga kapatid ko [online]. Hindi ko pa po sila nami-meet in person, ha. Nakausap ko lang po. Okey na po ako,” pagpapakatotoo n’ya.

Medyo nahahawig pala sa tunay buhay ng aktres na si Angelica Cervantes ang naging karakter n’ya sa upcoming Vivamax movie na Biyak.

Unang napanood ang baguhang aktres sa ilang Vivamax movies gaya ng Silab, Shoot Shoot! Di Ko Siya Titigilan! at Eva. Ngayon naman ay bibida s’ya sa sexy-drama film na Biyak, directed by Direk Joel Lamangan.

At sa naging exclusive virtual interview nga sa kanya ng pikapika.ph recently, naikuwento n’ya ang pagkakapareho ng buhay n’ya sa karakter niya sa Biyak na si Violet na naghahanap sa kanyang biological parents. 

Medyo mabigat kasi ang mga eksena sa pelikula kaya natanong namin s’ya kung saan ba s’ya humugot ng emosyon para doon. 

Pagbabahagi ng showbiz newbie, matagal din daw n’yang hinanap ang tatay n’ya.

Kung napanood n’yo po ’yong trailer, nandu’n ’yong na-meet ko na ’yong totoo kong nanay. Meron pong photo album du’n sa trailer, parang na-meet ko na sila tapos pinakita n’ya sa akin ’yong photo album na kasama ko ’yong tatay ko….pagkakita ko po du’n sa picture, kamukhang-kamukha ng tatay ko ’yong nasa picture,” lahad ni Angelica. 

Ako po kasi, recently ko lang nakilala ’yong tatay ko. 2021 lang. Pero hindi ko pa s’ya nami-meet. So pagkakita ko po ng picture na ’yon, nakatulong sa akin. Iyak ako nang iyak.”

Last year lang daw sila nagkaroon ng connection ng biological father n’ya at that time lang din daw n’ya nalaman na naghahanapan pala sila. 

Na-meet ko lang s’ya nitong 2021. Matagal na po kaming naghahanapan. Ang issue lang is hindi alam ng tatay ko ’yong buong pangalan ni mommy…Basta hindi po kumpleto ’yong details. Tapos ’yong name [n’ya] na nakarating sa akin mali ang spelling. So naghahanapan po kami,” salaysay n’ya.

“Until one time, last year po, ’yong kapatid ko, parang out of nowhere, sabi n’ya, ‘Search ko nga uli.’ Tapos pagka kita n’ya, ‘Hala, Ma! Ito ’yon, ’di ba?’ 

Tapos ayon si mommy na-shock. Na-shock po kaming lahat. Nakatulala lang ako, walang luha, walang kung ano-ano. Tapos nu’ng mag-isa na lang po ako du’n nag-sink in sa akin lahat. ‘Hala, ito na pala ’yong tatay ko.’

Dahil doon, dumami raw bigla ang mga kapatid n’ya. Nalaman n’ya kasi na maliban sa tatlo n’yang kapatid sa ina ay meron pala s’yang limang mga kapatid pa sa ama. 

May kapatid pa po pala ako. Kumbaga, sa mother side po namin, apat kami. Ako po ang bunso tapos sila po magkakapatid na buo. Tapos doon po sa tatay ko, anim kami, puro babae. Ako rin po ang bunso. Kumbaga, last na ako. Hahaha!” natatawang sabi ng aktres. 

Bagama’t nagka-reconnect na sila online, never pa daw silang nagmi-meet in person.

Hindi po kami nagkita, e. Sa Facebook lang po naming na-meet ang isa’t isa pero hindi pa po kami nag-uusap. Ang nakausap ko lang po is ’yong mga kapatid ko sa father’s side,” saad pa n’ya. 

Natanong tuloy naming kung hindi pa ba s’ya handang makita ang ama.

Hindi ko po alam. Kasi ako, honestly, okey na po ako. Malaman ko lang po na okey s’ya…saka okey na po ako, na-meet ko ang mga kapatid ko [online]. Hindi ko pa po sila nami-meet in person, ha. Nakausap ko lang po. Okey na po ako,” pagpapakatotoo n’ya.

Ang goal lang naman daw kasi n’ya kaya n’ya ito hinanap ay makilala ito at malaman kung nasa maayos ba itong kalagayan. 

Ang purpose ko lang po is… Okey na. Malaman ko lang po kung sino ang tatay ko. Hindi ko na po kailangang… Okey, sige, mami-meet ko s’ya if ever in the future. Looking forward naman. Pero kung hindi, okey lang din. Contented na po ako kay mommy,” pagtatapos ni Angelica.

Mapapanood si Angelica sa sexy-drama movie na Biyak kasama sina Quinn Carillo, Albie Casiño, Vance Larena, and more simula July 1 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Albie Casiño sa nag-viral na komento niya about ex-girlfriend Andi Eigenmann: “Hindi ako naghuhugas-kamay dito. I really did want to say something to make her feel bad.”

Exclusive: Albie Casiño gamely answers pikapika’s Random NAUGHTY Questions

Albie Casiño, mabilis naka-move on kay Andi Eigenmann pero natagalan kay Dawn Jimenez

Dahil dyslexic, Albie Casiño, takot mag-hosting noon; ngayong nagso-showbiz na, TikTokerist Yukii Takahashi, ready na daw sa bashers

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.