Voltes V: Legacy star Ysabel Ortega, proud na napagsabay ang showbiz at pagtatapos ng pag-aaral

This year, aabangan si Ysabel sa highly-anticipated series ng GMA na Voltes V: Legacy. Sa naturang live-action series, gaganap si Ysabel bilang si Jamie Robinson, isang martial arts expert at skilled sa fighting combat. Siya ang nagmamaneho ng Lander ship. Ayon sa Kapuso actress, nag-train siya non-stop para sa role na Jamie Robinson simula pa noong 2020.

Photos: @ysabel_ortega

This year, aabangan si Ysabel sa highly-anticipated series ng GMA na Voltes V: Legacy. Sa naturang live-action series, gaganap si Ysabel bilang si Jamie Robinson, isang martial arts expert at skilled sa fighting combat. Siya ang nagmamaneho ng Lander ship. Ayon sa Kapuso actress, nag-train siya non-stop para sa role na Jamie Robinson simula pa noong 2020.

Kabilang si Ysabel Ortega sa tinatawag na “next brightest stars” ng Sparkle, ang rebranded name ng GMA Artist Center.

Sa naganap na Zoom Mediacon ng Sparkle last January 14, nakasama ni Ysabel sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Khalil Ramos, Sanya Lopez, Derrick Monasterio, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix na tinawag na mga banner artists ng Sparkle dahil sila ang mga mabibigyan ng malalaking projects ngayong 2022.

“I'm so grateful. I know that this is a really big opportunity to be part of Sparkle. I'm always so grateful to GMA. It's motivating me to work harder especially for this coming year," masayang pahayag ni Ysabel na naging Kapuso artists noong 2019 at lumabas na sa primetime teleserye na The Gift.

This year, aabangan si Ysabel sa highly-anticipated series ng GMA na Voltes V: Legacy, na hango sa Voltes V or Super Electromagnetic Machine Voltes V, isang iconic Japanese anime television series produced by Toei Company and Nippon Sunrise. It aired on TV Asahi from June 1977 to March 1978.

Sa naturang live-action series, gaganap si Ysabel bilang si Jamie Robinson, isang martial arts expert at skilled sa fighting combat. Siya ang nagmamaneho ng Lander ship.

Ayon sa Kapuso actress, nag-train siya non-stop para sa role na Jamie Robinson simula pa noong 2020.

"We've been working really hard for Voltes V: Legacy. Patuloy pa rin kaming magsu-shoot for that. I'm really excited to start working and working hard. I'm really going to do my best.”

Kasama pa ni Ysabel sa Voltes V: Legacy ay sina Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Radson Flores as Mark Gordon, Matt Lozano as Big Bert Armstrong and Rafael Landicho as Little John Armstrong. 

Kabahagi naman sa supporting cast sina Martin del Rosario as Prince Zardoz, Liezel Lopez as Zandra, Epi Quizon as Zuhl, Carlo Gonzales as Draco, Gabby Eigenmann as Commander Robinson, Neil Ryan Sese as Dr. Hook, and Albert Martinez as Dr. Smith.

Hindi naman daw naging hadlang kay Ysabel ang kanyang showbiz career para hindi makatapos ng pag-aaral niya. 

Bago ang pandemic, kahit na pagod mula sa taping, sinisikap ni Ysabel na makapasok sa school para wala siyang ma-miss na lecture at test.

Last year ay naka-graduate si Ysabel sa kanyang political economy degree mula sa University of Asia and the Pacific.

Kahit minsan nang na-overwhelm si Ysabel dahil sa patung-patong na schedule sa school at showbiz, hindi raw siya nagpatalo sa pagod dahil meron siyang goal na gustong ma-achieve. 

"If everything seems so overwhelming, it's good to remind yourself that it will be worth it in the end.

"It was a really big juggle and a big struggle to balance everything. There were times when I wanted to stop school for a while, or just focus on school only or work alone, and it was always a question of, 'can I do this?'

"Thankfully, I was able to finish my college degree and I was able to graduate last year. It was a fulfilling part, milestone of my life. Not only did I graduate but that was a big representation of my hard work, of all the time and effort I put in for my two passions in life: studies and acting.

"When things get hard for me, when I get overwhelmed, I'm going to think to myself that if I was able to overcome that, then I'll be able to overcome this. 

“I went through so much worse in the past and I was able to get through it. I'll bring that with me this 2022, to not give up and stay focused. If you stay focused and determined, you'll reach your goal."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.