VP Leni Robredo, hindi nakaligtas sa charm ni Papa P!

VP Leni to Piolo: “I’m such a huge, huge fan so ’yong pag-declare mo ng suporta, it really meant the world.”

PHOTOS: @VPLeniRobredoPH on Facebook & @piolo_pascual on Instagram

VP Leni to Piolo: “I’m such a huge, huge fan so ’yong pag-declare mo ng suporta, it really meant the world.”

Biglang na-conscious at kinilig si presidential aspirant and Vice President Leni Robredo sa aktor at tagasuporta n’yang si Piolo Pascual.

Naganap ito habang nagpe-Facebook Live si VP Leni ngayong araw, April 19, bago s’ya sumalang sa entablado sa kanilang campaign rally sa Olongapo City. 

Naghihintay kasi sila noon ng go signal sa loob ng sasakyan bago umakyat sa stage nang maisipan n’yang mag-FB Live para isagawa ang “What’s Inside My Bag” o pagpapakita sa publiko kung ano ang nilalaman ng kanyang bag na karaniwang ginagawa ng mga celebrities sa kanilang mga vlogs. Pampa-light moment lang, kumbaga.

Pero sa case niya, ang pagpapakita ng laman ng bag ay bilang pagpapa-unlak sa kanyang mga supporters na nakapanood ng kanyang hindi sinasadyang FB Live kahapon dahil aksidenteng nadiinan niya ang phone n’ya sa loob ng bag at nabuksan ito accidentally sa FB Live app. 

Maliban sa laman ng bag, inilahad na rin n’ya ang campaign itinerary n’ya ngayong tatlong linggo na lang ang nalalabi at mag-eeleksyon na. 

Pero sa bandang dulo ng video ay nagulat at na-conscious bigla ang bise presidente nang mabasa niya ang pangalan ng verified FB account ni Piolo Pascual bilang isa sa mga nanonood sa kanya noong oras na ’yon. 

“Oh my God, si Piolo Pascual… bigla akong na-conscious,” bulalas ni VP Leni na napatingin pa sa mga kasama n’yang staff. 

Kasunod nito ay kinikilig na nagpasalamat ang presidential candidate sa celebrity hunk sa pagpapahayag nito ng suporta sa kanyang kandidatura. 

“Hi Piolo, kung nanonood ka… na-conscious ako… thank you very much for the support, siguro nakarating na sa’yo, even before, that I’m such a huge, huge fan… so ’yong pag-declare mo ng suporta, it really meant the world… so maraming salamat!” pahayag ni VP Leni sa Kapamilya actor.

 

 

Posted by Leni Gerona Robredo on Monday, April 18, 2022

Ipinost naman sa Twitter account na may handle na @MgaGwapoForLeni ang portion na ito ng FB Live ng bise presidente na s'yang ini-retweet din ni Piolo kasama ang isang pink heart.

Matatandaang na nito lang April 11 ay naglabas ng video si Piolo sa social media kung saan idineklara n’ya ang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni. Sa ngayon ay meron na itong 1.1 million views on Twitter.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Piolo Pascual proud na proud sa anak na si Iñigo Pascual; “He earns in dollars. He earns more than me now.”

Piolo Pascual joins TV5’s Niña Niño

Johnny Manahan says sorry to Piolo Pascual ang Maja Salvador for “dragging” them into the Brightlight/TV5 mishap

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.