Warning ni Jason Francisco, wag daw munang magpapakasal sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia

Wala naman daw sine-set pang time frame ang magkasintahang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ukol sa pagse-settle down         Ani Gabbi: “Feeling naman namin, for these things naman, pag naramdaman naman namin…it will come. Pero no pressure.”

PHOTOS: @jasonofficial on Facebook

Wala naman daw sine-set pang time frame ang magkasintahang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ukol sa pagse-settle down Ani Gabbi: “Feeling naman namin, for these things naman, pag naramdaman naman namin…it will come. Pero no pressure.”

Tila nakabantay sa magkasintahang Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang co-star nilang si Jason Francisco.

May mahigpit daw kasi itong bilin sa Kapuso couple tungkol sa pag-aasawa na hango sa experience nito bilang isa nang pamilyadong tao.

Isiniwalat ito nina Khalil at Gabbi sa entertainment press during the virtual media conference last November 23 para sa upcoming teleserye nila na Stories From The Heart: Love On Air. 

Kinumusta kasi ng press ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon ngayon. 

“Going five years na kami ni Gab. So, ako sobra-sobrang happy kasi ever-evolving ’yong relationship namin,” proud na lahad ni Khalil via Zoom.

“There’s no one else I could imagine myself with than Gab kasi we fit like gloves and we compliment each other so well. So, she’s my favorite person."

For her part, wala na rin daw mahihiling pa si Gabbi when it comes to her love life sa ngayon. 

Ako din, the same,” sabi n'ya. “Ang puso ko ngayon is very secured, very safe, and sincerely happy. Talagang I couldn’t ask for more.”

Dito na sila natanong kung napapag-usapan na ba nila ang planong lumagay sa tahimik. 

Naku, sabi nga ho ni Jason e…ayaw ni Jason,” tila sumbong ni Khalil sa press. “Pagka sinabi na ni Jason na p’wede na…s’ya ’yong magdedesisyon.”

Magagalit po sa amin si Kuya Jason,” natatawang dagdag pa ni Gabbi. “Text po muna namin s’ya.” 

Singit naman ng natatawa ring si Jason sa usapan, “Ako po ang bahala… They are not [yet] ready.”

Pagtitiyak naman ni Gabbi, hindi naman daw sila nagmamadaling magkasintahan sa pagpapakasal. 

Wala naman po [sinet na age limit]. Parang wala namang ganu’ng pressure. When it comes, it comes,” pahayag ni Gabbi.

"At saka feeling naman namin, for these things naman, pag naramdaman naman namin…it will come. Pero no pressure," dugtong pa ng dalagang aktres. 

"We have a long way to go and we have so much on our plates pa. For sure, if we feel naman we won’t deny it naman."

Muling tulak pa ni Khalil sa kanyang co-actor sa press, "Si Jason po ang unang magbabalita sa inyong lahat."

Pa-kengkoy na singit muli ni Jason,  "Yes am, I will. And I will be there in the marriage."

Nang makausap naman ng press si Jason, doon na nalamang hanggo pala sa personal experience n'ya ang ipinapayo n'ya kina Khalil at Gabbi. 

"Sinabi ko na kina Khalil na mga 20s to 30s…25 to 30 [years old] ’wag muna kayo mag-asawa kasi very confusing [ang phase na ’yan], e," paliwanag ng comedian-actor. 

Critical period daw kasi 'yon para sa kanya gaya nang karanasan nila ng misis n'yang si Melai Cantiveros na naghiwalay noon bago nagkabalikang muli.

Iyon marahil ang ayaw n'yang maranasan ng dalawa. At present kasi ay 22 years old pa lang si Gabbi habang 25 years old naman si Khalil.

Parang akala n’yo ano… Twenty five [years old] kasi kami nu’ng [nagpakasal ni Melai], e.

Siguro mga 31 to 35 [years old], ’yan [p'wede na]. ’Yon ang advice ko sa kanila kasi may asawa na ako, e,” pagtatapos n'ya. 

Mapapanood sina Khalil at Gabbi sa Stories From The Heart: Love On Air — ang una nilang TV series project matapos ma-postpone ang soap opera nila na Love You, Stranger — with Jason Francsico, Sunshine Cruz, Kiray Celis, Shunshine Cruz, Anjo Damiles, Psalms David at Kate Valdez, simula November 29 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.