WATCH: Kyle Echarri, kinilig nang i-recall ang surprise ball proposal niya kay Francine Diaz!

Kyle Echarri, kinilig din sa kanyang surprise ball propsal kay Francine Diaz. Ibinahagi niya sa press kung paano niya napa-oo si Francine to be his date on the upcoming ABS-CBN Ball.

PHOTO: Jewelle Pacia and @kyleecharri on IG

Kyle Echarri, kinilig din sa kanyang surprise ball propsal kay Francine Diaz. Ibinahagi niya sa press kung paano niya napa-oo si Francine to be his date on the upcoming ABS-CBN Ball.

Masayang ibinahagi ni Kadenang Ginto star Kyle Echarri sa press ang kanyang super nakakakilig na ball proposal sa kanyang on-screen partner na si Francine Diaz para maging date niya sa nalalapit na ABS-CBN Balll.

In-upload ni Kyle ang glimpses ng nasabing proposal sa kanyang Instagram account noong Thursday, September 5, na mabilis na nag-viral at nagpakilig sa kanilang KyCine fans. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

Sa nakaraang media conference nito para sa kanyang international song collaboration with Singaporean singer Haven, ikinuwento ni Kyle ang experience niya sa kanyang surprise invitation na ito kay Francine.

Hindi niya (Francine) po talaga alam na gagawin ko po ’yon. What I did po was I drove all the way from Quezon City to Cavite...doon po sa bahay po nila.” Kyle narrated. “Kasi s’yempre kailangan ko po muna tanungin si Tita Merdick and si Tito. I had to ask for their permission if I can ask Francine to the ball. So I asked them first (before asking Francine).”

Dagdag pa ni Kyle, “Actually, no’ng dumating po kami, lahat sila nakatulog na. Ginising po namin ’yong ate ni Francine, mga 10 or 10:30 PM na po ’yon. Pagdating po namin doon tinawagan po namin ’yong ate niya para gisingin si Tita and si Tito.” 

Evident naman na masaya si Kyle after makakuha ng matamis na “oo” galing sa parents ng kanyang love interest sa dramang Kadenang Ginto. 

“Tapos ginising po si Francine. Actually, akala po ni Francine call time na para mag taping. Pero pagbukas niya po ng pinto nakaganto po siya (shocked). Hindi niya po akalain na ako po ’yon.”

Hindi lang flowers and chocolates ang dala nito, hinarana din ni Kyle si Francine with their theme song na “Make It with You” by Bread.  

“Then I sing a song that means a lot to me and her, parang theme song po naming dalawa, the song is Make it With You by Bread po, it’s an 80’s song and it’s the song that I dedicate to her and she dedicates to me. And It’s a very special song of ours. Nag-oo naman po siya so magkasama po kami sa ABS-CBN Ball,” sabi ni Kyle, still smiling. 

Sa kanyang ball proposal, Kyle was wearing a shirt with words “Will you be my date at the ball?” written on it. Ni-reveal din ni Kyle ang reason kung bakit ito ang kanyang way of asking Francine sa press. 

He said, “Kasi alam ko po lahat sila laging may board, laging naka-board. Ako, at least now that I have the shirt it will always be the first memory of the time that I asked her to the ball because I’m always gonna keep that with me hanggang sa pagtanda ko.” 

Hindi napigilang kiligin ng young actor ng aminin nito na first time niyang gawin ang suprise ball proposal. “This is my first time ever doing that. It’s really special to me and really special for the both of us.” 

When asked kung alam niya na ba ang gown na susuotin ni Francine, he was quick to say, “No, kasi gusto ko po talaga ma-surprise. Alam ko naman na maganda talaga ’yong kalalabasan kasi it’s Francine. Alam ko kung ano ’yong gusto niyang gawin. Alam ko po kasi si Francine, she’s an old soul kaya gusto niya ’yong pupunta sa Intramuros, gusto niya ’yong mga ganon na damit, mga Filipiniana. I’m just really excited to see how beautiful she would be at the ball.” 

WATCH FULL INTERVIEW BELOW:

YOU MAY ALSO LIKE:

How Kyle Echarri and Seth Fedelin romantically invited Francine Diaz and Andrea Brillantes as their respective dates at the ABS-CBN Ball?

Kyle Echarri shows support for Julia Barretto; “Never let the ‘talks’ bring you down.”

Francine Diaz, ready maging kontrabida

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.