Watch: Yam at Ryza, “naghalikan”

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Sa ginanap na #GRATEFUL Thanksgiving luncheon ng Viva conglomerate kahapon sa Makati Shangri-la Hotel para sa kanilang mga advertisers ay present ang ilan sa mga sikat na artista ng Viva Artists Agency gaya nina Nadine Lustre, Yassi Pressman, at ang mga primera kontrabida ngayon sa primetime TV na sina Yam Concepcion (o si Jade Flores ng Halik) at si Ryza Cenon (as Jessie de Leon) ng The General’s Daughter).

 

Nagsilbi ring reunion ang event para sa mga artists ng Viva na sa ka-busy-han ay hindi na rin nakukuhang magkita-kita. Kaya naman nang matapos na ang mga major kaganapan sa event kahapon ay nagkatuwaan ang karamihan sa kanila na mag-playtime sa photo-booth.

 

Kakaiba nga lang ang naging playtime nina Yam at Ryza dahil matapos nilang magpasiklaban sa kontrabida poses at emote ay naisipan nilang mag-cozy poses.

 

 

At some point ay nag-suggest pa si Yassi Pressman ng wind-blown effect kaya pinaypayan niya ang dalawa para liparin ang mga buhok nila.

 

Pero nang makita nina Yam at Ryza okay ang epek ng mga yakap poses nila, naisipan naman nilang mag-kunwaring nagki-kiss ng lips-to-lips—bagay na ikinatili ni Yassi at nang ilan pang nakasaksi.

 

Tawa nang tawa ang dalawang “lukaret” off-cam sa naging impromptu show nila. Agad naman nilang hiningi sa tauhan ng photo booth ang naging photo results ng playtime poses at sabay uling nagbungisngisan nang makita na nila ang produkto nang mga kapilyahan nila.

 

 

Heto ang video ng kapilyahan nina “Jade” at “Jessie”:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.