Wilbert Ross, may iniyakang sexual-in-nature na pambabastos incident noong baguhan sa showbiz na hindi niya kayang makalimutan

Nailahad ni Wilbert Ross spontaneously ang isang insidente ng pangbabastos na naranasan niya as a showbiz newcomer dahil sinagot niya ang tanong sa virtual media conference ng pelikulang Boy Bastos na related sa titulo ng movie niya. Ang tanong ay kung ano raw ang maituturing niyang example ng pambabastos talaga at sakaling mangyari sa kanya iyon ay ano raw ang gagawin niya? “Ayoko po na may ginagawa sa akin sexually na walang consent kahit pa mga simpleng bagay kasi uncomfortable po [sa pakiramdam],” tila nahihiyang panimula ng aktor. It doesn’t matter daw kung lalaki, beki, o babae man ang gumawa dahil “basta pag wala pong consent...basta walang consent. Kasi may napagdaanan po ako before na ganyan and I must say na may trauma sa akin ’yung experience na ’yun po.”

Photos: Vivamax

Nailahad ni Wilbert Ross spontaneously ang isang insidente ng pangbabastos na naranasan niya as a showbiz newcomer dahil sinagot niya ang tanong sa virtual media conference ng pelikulang Boy Bastos na related sa titulo ng movie niya. Ang tanong ay kung ano raw ang maituturing niyang example ng pambabastos talaga at sakaling mangyari sa kanya iyon ay ano raw ang gagawin niya? “Ayoko po na may ginagawa sa akin sexually na walang consent kahit pa mga simpleng bagay kasi uncomfortable po [sa pakiramdam],” tila nahihiyang panimula ng aktor. It doesn’t matter daw kung lalaki, beki, o babae man ang gumawa dahil “basta pag wala pong consent...basta walang consent. Kasi may napagdaanan po ako before na ganyan and I must say na may trauma sa akin ’yung experience na ’yun po.”

In fairness, nakakatawa ang trailer ng pelikulang Boy Bastos, ang bagong pelikula ni Wilbert Ross na idinirek ni Victor Villanueva na siya ring nag-direk ng Patay na si Hesus na entry sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino, kung saan nagkamit ito ng award bilang Special Jury Prize bukod pa sa ito ang naging box-office hit ng festival. 

Deadpan ang acting ni Wilbert as Boy Bastos kaya mas effective dahil ang mga incidents na napapasok niya ang pinagmumulan ng katatawanan. 

Inamin naman ni Direk Victor na inspired ito ng American Pie movie series ng Hollywood at si Wilbert, as lead actor Felix ’yong bagets na curious pag dating sa sex. Dekadang 2000 ang setting ng pelikula kaya’t bahagi ng mga curiousity ni Felix ang makasilip sa FHM magazines at makanood ng mga For Adults Only VHS tapes.

Nakaka-relate si Wilbert sa karakter niya sa pelikula dahil edad 19-20 nang lumuwas siya ng Maynila para subukin ang kapalaran sa showbiz at dito na niya natikman ang mga na-miss niyang ma-explore sa probinsya . 

Pero hindi lahat doon ay masaya at exciting dahil may isang hindi malilimutang pangyayari si Wilbert na naganap daw noong 2017. Hindi na idinetalye ng aktor kung ano ang ginawa sa kanya ng taong involved pero hinding-hindi na niya raw ito malilimutan habang nabubuhay siya. 

Nailahad niya ang tunkol dito spontaneously dahil sinagot niya ang tanong sa virtual media conference ng pelikula na related sa titulo ng movie niya. Ang tanong ay kung ano raw ang maituturing niyang example ng pambabastos talaga at sakaling mangyari sa kanya iyon ay ano raw ang gagawin niya?

“Ayoko po na may ginagawa sa akin sexually na walang consent kahit pa mga simpleng bagay kasi uncomfortable po [sa pakiramdam],” tila nahihiyang panimula ng aktor.

It doesn’t matter daw kung lalaki, beki, o babae man ang gumawa dahil “basta pag wala pong consent... Kasi may napagdaanan po ako before na ganyan and I must say na may trauma sa akin ’yung experience na ’yun po.”

Aniya, he just brushed off the incident na ayaw na niyang detalyehin.  Pero hindi niya akalain na may malalim na sugat palang nalikha iyon sa pagkatao niya na-realize niya belatedly.

Okey na po ako ngayon kasi nangyari ’yun 2017 and hindi ko pinansin for almost three years,” patuloy na recall niya. “Tapos nu’ng nag-pandemic, umuwi ako ng Davao. Suddenly, bigla na lang akong umiyak tapos bigla kong naalala lahat ng details ng mga nangyari three years ago. And nasabi ko sa sarili ko na hindi pala ako okay ng time na ’yun kasi hindi ko pinansin. Ngayon na wala akong ginagawa bigla ko lang naisip.”

Ayon kay Wilbert, nagsisimula palang siya noon sa showbiz career niya noong 2016 at binanggit niyang nag-audition siya sa Pinoy Boyband Superstar, kung saan sina Aga Muhlach, Sandara Park, Yeng Constantino at Vice Ganda ang mga hurado. 

At dahil nabanggit ito ng aktor ay pinanood naming ang kanyang audition piece na sing and dance sa awiting “Can’t Take My Eyes Off You” na version ni Lauryn Hill at more than 3M views ang episode ni Wilbert. 

Dahil nakita magaling sumayaw kaya siya napasok sa Hashtag boy group sa It’s Showtime hanggang sa naging anak-anakan na siya ng main host ng programa na si Vice Ganda at kinuha pa nga siyang guest sa digital concert nitong Gandemic noong Agosto 2021 kasama ang iba pang miyembro ng Hashtag. 

Going back to the incident, natanong din ang aktor kung nag-seek ba siya ng counselling at that time  para maka-move on sa naranasan niya. 

“Hindi naman po kasi after mangyari po ’yun nawala sa isip ko at nu’ng 2020 nga po, ikinuwento ko lang sa friend ko at habang kinukuwento ko by details, hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako na ’yung feeling na I was harassed at nailabas ko na lahat [ang sama ng loob]. 

“After ko mailabas lahat at pinost ko ’yun sa Facebook account ko at nakita ’yun ng family at friends ko...ayun nalabas ko naman po ’yung sama ng loob ko,” pagtatapat pa rin ni Willber. 

Hindi man binanggit ng binata kung taga-showbiz ang involved pero wala naman kasi siyang ibang ginalawang mundo kundi showbiz since 2016.

Tila charged to experience nalang ang naging turing dito ni Wilbert pero saan mang angggulo tingnan ay hindi ito tama. Ang pagsasawakang-kibo niya noon ay dala ng kainosentihan at sa pag-aakala marahil na as a showbiz newbie ay wala siyang boses.

Kung naapektuhan man, ikinonvert nalang ni Wilbert ang sama ng loob into positive energies na siyang naha-harvest na niya ngayon dahil patuloy na umuunlad ang kanyang sohowbiz career, both sa acting at sa singing-songwriting dahil siya rin ang nagsusulat at kumakanta ng mga theme songs ng mga pelikulang pinagbibidahan niya gaya ng very catchy OST ng Boy Bastos na “Oh, Jusko.” 

Anyway, mapapanood na ang Boy Bastos sa Vivamax starting February 18 handog ng Viva Films at kasama rin sina Bob Jbeili at Andrew Muhlach as his pahamak na classmates, Jela Cuenca as the timid on the outside but mainit on the inside girlfriend, and Rose Van Ginkel as the teacher na pinagpapantasyahan ng mga male high school students including Boy Bastos.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.