Wilbert Ross, umaming naging sila ni Andrea Babierra noon; mas priority talaga ang career kesa love life

At this point, ang daming gustong subukang gawin ni Wilbert Ross bukod sa pag-arte, pagkanta at pagsusulat ng kanta. Nariyang pati scriptwriting at directing ay plano niyang karerin. Pero aniya, it’s not about the money. “Hindi po yaman, e…more on recognition sa industry,” paliwanag ng aktor. “Ang pinaka-goal ko talaga…  Ang lagi kong sinasabi sa mga friends ko, sa mga boss… Ako, my goal is I’m planning to be the greatest artist of this generation. “That’s why ginagalingan ko sa lahat ng side. Kung p’wedeng may idagdag, idagdag. Makilala ako, kumbaga, not necessarily sa isang side lang makilala,” lahad ni Wilbert.

PHOTOS: @hashtag_wilbert on Instagram; INSET: @andreababierra on Instagram

At this point, ang daming gustong subukang gawin ni Wilbert Ross bukod sa pag-arte, pagkanta at pagsusulat ng kanta. Nariyang pati scriptwriting at directing ay plano niyang karerin. Pero aniya, it’s not about the money. “Hindi po yaman, e…more on recognition sa industry,” paliwanag ng aktor. “Ang pinaka-goal ko talaga…  Ang lagi kong sinasabi sa mga friends ko, sa mga boss… Ako, my goal is I’m planning to be the greatest artist of this generation. “That’s why ginagalingan ko sa lahat ng side. Kung p’wedeng may idagdag, idagdag. Makilala ako, kumbaga, not necessarily sa isang side lang makilala,” lahad ni Wilbert.

Inilahad ng actor-singer na si Wilbert Ross na ever since naman ay career ang priority niya kesa sa love life.

Hataw sa projects ngayon sa Vivamax at Viva Records ang singer-actor kaya natanong siya ng press, during the High (School) on Sex media conference kung dahil ba sa kabisihan niya kaya hindi siya maka-singit ng love life?

Malayong-malayo kasi ang nangyayari sa personal niyang buhay sa mga roles na ginagampanan niya onscreen na kung hindi chickboy ay habulin ng babae.

Hanggang on-screen na lang daw ba ang pagkakaroon niya ng love at sex life?

Sinusubukan ko pong manglandi talaga. Hahaha!” natatawa pero prangkang sagot ni Wilbert sa press. “Sinusubukan ko naman mag-explore.

Iyon nga lang, nasa punto nga daw kasi siya ng buhay ngayon kung saan ayaw na daw n’ya magsayang ng panahon sa pakikipagrelasyon na mauuwi lang din naman sa hiwalayan due to differences.
 
“Ano kasi ako, e… Ayoko na mag-aksaya masyado ng oras lalo na kung alam ko na may something kaming hindi compatible. ‘Parang hindi tayo magwo-work, e. So, habang maaga pa stop na natin.’ Ganu’n po ako na tao,” pagtatapat ng Kengkoy Heartthrob. 

Masyado na rin daw kasi s’yang busy ngayon para i-build up ang kanyang sarili para magmarka sa showbiz. 

Ayon nga, sa dami ng ginagawa ko, tina-try kong mag-focus talaga sa music, sa acting, may writing pa,” lahad ni Wilbert. “So, talagang hindi na s’ya ganu’n [ka-big deal] na, ‘Awww, wala akong love life!’ Hindi, e. Kung meron, meron. Kung meron tapos hindi okey…next. Ganu’n lang.

Pagtatapat pa ng tumatak na Boy Bastos, nag-set na umano s’ya ng expectations sa mga naging karelasyon n’ya before na kung dumating ang panahon na kailangan n’yang pumili between showbiz career o girlfriend ay ang karera daw talaga ang pipiliin n’ya. 

’Yong mga girlfriends ko before, sabi ko...if ever... sinasabi ko talaga, kina-klaro ko…Sinasabi ko sa kanila na if ever papiliin ako between love and career, career talaga—always,” pagpapakatotoo ni Wilbert.

Kung dadating ’yong time na kailangan kong mamili na hindi p’wedeng ipagsabay, I will never choose love. Hindi ko pa naranasan ’yong love na talagang… [magta-turn my world around].”

At dahil nakakaintriga ang mga sinabi, natanong ulit s’ya kung ito ba ang dahilan kaya ayaw n’ya munang magkaroon ng kasintahan. Para hindi na lang maka-offend?

Hindi naman,” pagtutuwid n’ya. “Kumbaga, sinasabi ko lang kung may instances na talagang kailangang mamili. Alam mo ’yon? Pero kung kaya naman isabay, why not?”

Pero meron kasing mga ganu’n, ’di ba? Lalo na nagpapa-sexy ako ngayon [sa movies and series] baka papiliin ako na, ‘Magpa-project ka ba o magbi-break tayo?’ [Isasagot ko], ‘Mag-break tayo,’” diretsong sabi n’ya.

Nausisa tuloy s’ya na baka ang pagyaman ang goal n’ya kaya mas pipiliin n’ya kung saan s’ya p’wedeng kumita. 

Hindi po yaman, e…more on recognition sa industry,” paliwanag ng aktor. “Ang pinaka-goal ko talaga…  Ang lagi kong sinasabi sa mga friends ko, sa mga boss… Ako, my goal is I’m planning to be the greatest artist of this generation.”

“That’s why ginagalingan ko sa lahat ng side. Kung p’wedeng may idagdag, idagdag. Makilala ako, kumbaga, not necessarily sa isang side lang makilala,” lahad ni Wilbert.

At dahil nabanggit na rin n’ya ang pagkakaroon ng girlfriends in the past, kinulit s’ya ng press kung meron ba doong taga-showbiz. 

Napilitan tuloy na umanin ang aktor at sinabing naging nobya niya few years ago ang Viva artist din na si Andrea Babierra.

“Three years ago na ’yon,” aniya.

Sa ngayon, magkaibigan daw sila at proud s’ya sa mga bagong achievements nito.

Magaling talaga ’yon. I’m so proud of her.  We’re friends, we’re friends. We’re cool friends,” pagtatapos ni Wilbert.

Napapanood ngayon si Wilbert kasama sina Katrina Dovey, Angela Morena, and Denise Esteban sa sexy comedy series na High (School) on Sex sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.