Will Ashley, may hidden meanings nga ba ang mga captions sa mga socmed posts na pasimpleng para kay Jillian Ward?

PHOTO: @willashley17 on Instagram

PHOTO: @willashley17 on Instagram

Kung mabibigyan ng chance ay si Jillian Ward pa rin daw ang gustong maka-love team ni Will Ashley.

Ito ang naging sagot ng young Kapuso actor nang ma-corner at ma-hot seat s’ya ng co-star n’ya sa Prima Donnas na si Aiko Melendez. Naging guest kasi s’ya virtually sa vlog nito na in-upload sa YouTube last May 23.

Isa sa naitanong ni Aiko kay Will ay ang tungkol sa mga Instagram posts n’ya na tila may mga hidden or coded meanings daw. 

Nakikita ko sa Instagram mo, kapag nagpo-post ka ng picture, may double meaning. Kunwari, [ang nakalagay sa caption], ‘Looking at you.’ Sino ba ‘yong nilo-looking at you mo?” curious na tanong ng seasoned actress kay Will. 

Natawa muna ang binatang aktor bago sinagot ang tanong. 

Ano po ‘yon…nakikita ko lang po ‘yon sa Google po,” natatawang palusot n’ya. 

Mukhang hindi naman ito pumasa kay Aiko.

Sagot sa kanya ng aktres, “Talaga? Parang ano, e. Kasi nagkakataon, meron kang pinost na, ‘Looking at the one who’s wearing red.’ Tapos meron akong makikita sa Instagram [account] nu’ng isa, naka-red s’ya. Hahahaha!”

(Kahit di pinangalanan ay halatang si Jillian ward naman ang itinutukso ni Aiko kay Will.)

Sunod pang naitanong ni Aiko kay Will ay kung sino ba ang favorite n’yang leading lady. 

Ngayon po? Hindi na tayo lalayo. S’yempre po si Jillian Ward,” sagot ni Will. 

Hirit na tanong agad ni Aiko sa kanya, “Is she the one wearing red and you’re looking at her?”

Dito na natameme si Will dahil mukhang na-corner talaga s’ya. No choice ang binata kundi ang tumawa na lang. 

Kinikilig naman ako sa inyo kasi ‘yong posting n’yo laging sabay na parang may double meaning,” muling sundot pa ni Aiko sa vlog. “So, sa Book 2 [ng Prima Donnas] kayo pa ba ni Jillian ang magka-love team pa rin?

Tugon n’ya, “‘Di ko pa po alam ‘yong mismong story sa [Book 2 ng] PD [Prima Donnas] po pero sana p’wede pa [kaming maging magka-love team].”

Dagdag na tanong pa ng versatile actress sa kanya, “Pero kung ikaw ang papipiliin, gusto mo pa rin si Jillian?”

S’yempre naman po,” mabilis na sagot ni Will.

At dahil 18 years old at nasa legal age na si Will, tinanong rin s’ya ni Aiko kung ready na ba s’yang ma-in love talaga.

Hindi ko po s’ya minamadali,” sagot n’ya. “Kasi po nagpo-focus po talaga ako sa dreams ko po, sa gusto kong maabot sa buhay ko. 

Kumbaga, kung darating man po ‘yan, siguro po pag ready na po talaga ako, ‘yong meron na po akong napatunayan sa sarili ko,  ‘yong meron na po akong na-achieve sa mga goals ko,” pagtatapos ni Will.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Fourteen-year-old Prima Donnas star Sofia Pablo loses role due to DOLE’s age restriction protocol during community quarantine

Wendell Ramos commences on his duty as volunteer firefighter

Pika's Pick: Prima Donnas actor Vince Crisostomo gets his high school diploma; promises to uphold Xavier Schools mission and vision

Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.