Willie, may bago bang nililigawan?

Willie, buong gabing tinabihan si Miss Earth 2018 candidate na si Celeste Cortesi

PHOTO: Melo Balingit

Willie, buong gabing tinabihan si Miss Earth 2018 candidate na si Celeste Cortesi

Kagabi, October 22, isang special dinner ang inihanda ni Wowowin host Willie Revillame para sa mga kandidata ng Miss Earth 2018. Kaibigan daw kasi niya ang co-founder ng pageant na ito na si Lorraine Schuck.

Ginanap ang dinner, na nauwi sa dance at sing-along party, sa isa sa tatlong penthouse suites ni Willie sa Wil Tower sa Quezon City.

Napansin lang ng pikapika.ph na tila mas nakatutok ang TV host sa isa sa mga kandidata, ang Filipino-Italian na si Celeste Cortesi. 

Napag-alaman ng pikapika.ph na nililigawan pala ito ni Willie para maging isa sa mga regular co-hosts sa WowowinIn fact, ilang beses na niya ring itong naisalang sa show pero dahil busy pa ay hindi pa ito makapag-commit.

Pero as co-host nga lang ba? Parang may naaamoy kaming kakaiba dahil later that night, pinatugtog at ni-lipsynch ni Willie ang hit song niyang “S’yempre” at tila hinaharana ang dalaga na halos buong gabi niyang binabaran.

Mukhang may aabangan ang mga Wowowin fans hindi lang sa TV kundi pati sa lovelife ni Willie.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Willie Revillame, nagpa-dinner ng 30 babae sa Penthouse ng building niya

Willie, may hinarana

FIRST LOOK: Willie Revillame's Wil Tower Penthouse

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.