Willie Revillame, inilahad ang mga dahilan kung bakit hindi siya nakumbinse ni PRRD na tumakbong senador

Maliban sa hindi n’ya umano gamay ni Willie Revillame ang mga batas, nasa pagpapasaya daw talaga ng manonood ang puso n’ya. Iyan ang main reason kung bakit hindi siya nakumbinseng tumakbo bilang senador noong nakaraang eleksyon. “Hindi naman ako nakapag-aral, hindi ako nakapagtapos ng abogasya. Wala akong ibig sabihin, ’no?” saad ni Willie. “Saka dito ako masaya, e, sa Wowowin na wala akong commitment sa gobyerno. Dito ako masaya na nakapagbibigay ako ng saya, nakapagbibigay ng tulong na wala akong hinihingan,” dagdag pa n’ya.

PHOTOS: Wowowin Facebook

Maliban sa hindi n’ya umano gamay ni Willie Revillame ang mga batas, nasa pagpapasaya daw talaga ng manonood ang puso n’ya. Iyan ang main reason kung bakit hindi siya nakumbinseng tumakbo bilang senador noong nakaraang eleksyon. “Hindi naman ako nakapag-aral, hindi ako nakapagtapos ng abogasya. Wala akong ibig sabihin, ’no?” saad ni Willie. “Saka dito ako masaya, e, sa Wowowin na wala akong commitment sa gobyerno. Dito ako masaya na nakapagbibigay ako ng saya, nakapagbibigay ng tulong na wala akong hinihingan,” dagdag pa n’ya.

Bagama’t sarado ang isip at puso ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa pulitika, bukas naman daw s’ya na makipag-tie up sa pamahalaan para sa programa n’yang Wowowin.

Sinabi n’ya ’yan sa virtual media conference at contract singing n’ya recently sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) ngayong aarangkada na ang bagong TV network na pag-aari ng mga Villar. 

Ngayong push na push na ang pagbubukas ng AMBS, natanong ng pikapika.ph si Willie kung ito ba ang naging dahilan kaya hindi s’ya natuloy sa pagtakbo n’ya sa pagka-senador nitong nakalipas na eleksyon. 

Maliban kasi sa pagho-host ng game and variety show ay TV executive na rin ang papel n’ya kaya siguradong kakain ito sa oras n’ya. 

Paliwanag ni Willie, makailang beses daw s’yang kinumbinse ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi daw n’ya nakikita ang sarili n’ya sa senado. 

“I’ll be honest. Si mahal na Pangulong Duterte ang kumausap sa akin, si Senator Bong Go…lagi kaming nag-uusap. Tinatawagan ako kahit madaling araw to convince me na tumakbo. Alam ko…sa sarili ko lang naman to, hindi ’yan ang lugar ko, e. Hindi ako para d’yan,” lahad n’ya. 

Maliban sa hindi n’ya umano gamay ang mga batas, nasa pagpapasaya daw talaga ng manonood ang puso n’ya.

Una, hindi ko alam ang batas. Hindi naman ako nakapag-aral, hindi ako nakapagtapos ng abogasya. Wala akong ibig sabihin, ’no?” saad ni Willie.

Saka dito ako masaya, e, sa Wowowin na wala akong commitment sa gobyerno. Dito ako masaya na nakapagbibigay ako ng saya, nakapagbibigay ng tulong na wala akong hinihingan,” dagdag pa n’ya.

“’Yong production, of course…advertisers, sponsors. ’Yan ang tumutulong, e, sa programa. So, hindi ko kayang maging senador kasi hindi ko alam ang gagawin ko doon.

Paniniwala pa ng TV host-comedian, “Mahirap pasukin ang isang bagay na dahil lang sikat ka, dahil popular ka papasukin mo. Dapat pag papasukin mo ang isang bagay dapat mag-e-excel ka, mapapakinabangan ka, at tama ang gagawin mo.

Ganu’n pa man, bukas daw s’yang makipag-tie up sa pamahalaan pagdating sa usapin ng pagbibigay saya sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs). 

Ngayon, I’ll be open. Gusto ko maibalik ’yong balik-saya, makapagpasaya sa buong mundo, sa mga OFWs. Kung may pagkakataon na ako’y kausapin, ’yong [Department of] Tourism, ’yong Wowowin dadalhin namin ’yan para makapagpasaya sa mga OFWs,” pagpo-propose pa ni Willie.

Magsu-show ako sa Middle East, Hong Kong, Singapore… At gusto ko alam ’yan ng gobyerno. Hindi ’yong ako lang ang pupunta...para legal na legal lahat. I’ll be open sa ganu’ng mga bagay, through entertainment. ’Yon ang gusto kong gawin,” he went on.

Pero ang politics, sa isip ko, sa puso ko…hindi ko gagawin ’yon kasi hindi ko alam ang gagawin ko d’yan. Dapat ’yong nalalaman ko lang ang gagawin ko. At ang sarap tumulong ng galing sa bulsa mo,” pagtatapos n’ya.

Sa ngayon, tina-target ni Willie na makapag-launch na ng mga programa ang AMBS this coming October.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Willie Revillame at Raffy Tulfo, nagpapagawa na ng mga campaign materials para sa eleksyon?

Willie Revillame, hindi na kakandidato sa pagka-senador; dismayado sa mga kasalukuyang namumuno

Willie Revillame, nasa crossroad ayon sa kaibigan nitong si Cristy Fermin; “Malungkot, masakit...napakahirap ng kanyang sitwasyon.”

Willie Revillame, nakahinga nang maluwag nang malamang negative siya for cancer

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.