Willie Revillame, naantig sa isang ginang na nasalanta ng bagyong Rolly; nag-helicopter papuntang Catanduanes

PHOTO: Gov. Boboy Cua via Willie Revillame Supporters on Facebook

PHOTO: Gov. Boboy Cua via Willie Revillame Supporters on Facebook

Personal na nagpa-abot ng tulong si Kapuso TV host Willie Revillame sa probinsya ng Catanduanes ilang araw matapos itong bayuhin ng Super Typhoon Rolly. 

Sakay ng kanyang chopper, binisita ni Willie ang Catanduanes last November 8 para ibigay ang kanyang donasyon. 

Ayon pa sa GMA News, kasamang lumapag ni Willie sa Gigmoto, Catanduanes ang dalawa pang chopper na may lamang mga gamot, kumot, at mga jacket para sa mga binagyong residente. 

Pagbabahagi naman ng Wowowin host, naantig daw s’ya nang mapanood sa 24 Oras ang residenteng si Elizabeth Español na umiiyak at humihingi ng tulong sa kanya matapos nga na hagupitin ng bagyo ang kanilang mga pananim. 

Noong napanood ko ‘yon medyo parang hirap naman na balewalain mo ‘yon, e,” ani Willie ng ma-interview pagkababa n'ya sa chopper. “Kasi nananawagan na sa’yo, tinawag na pangalan mo... Tapos ito namang weekend na ‘to, wala naman akong gagawin, wala naman akong show, e ‘di gumawa ako ng paraan.

Pagbaba pa lang sa helicopter sa landing zone sa Gigmoto Central School, sinalubong si Willie nang makapal na bilang ng tao kaya kinailangang dalhin ang kanyang grupo sa munisipyo. Hindi na kasi mapigil ng otoridad ang pagdagsa ng mga tao at hindi na rin nasunod ang social distancing protocol lalo pa’t may pandemya. 

Pagtitiyak naman ni Gigmoto Mayor Vicente Tayam Jr, COVID-free ang kanilang bayan. 

Sa munisipyo na nagbigay ng talumpati si Willie para sa mga nasalantang residente. 

Hindi ko inaasahan ‘tong ganitong pagsalubong n’yo sa akin,” saad ni Willie through a megaphone. “Si nanay napanood ko sa 24 Oras. Sabi ko, hindi naman p’wedeng matutulog ako na me nakikiusap na tulungan kayo.

At dito na nga ipinahayag ng Wowowin host ang kanyang dalang ayuda. 

Si nanay muna. Sa kanya nagsimula. Si nanay pamamaskuhan ko muna ng one hundred thousand [pesos]. 

Sa abot kaya ko, dahil ako ay nakapa-blessed na tao, ang Panginoong D’yos ay dinadala ako sa kaitasan dahil sa inyo, ang ibibigay ko dito sa Catanduanes kung ano ang binigay ko sa jeepney drivers. Limang milyon.

Sa Virac, Catanduanes na nagpalipas ng gabi si Willie at ang kanyang team. Kinabukasan, ibinigay n’ya ang tseke na nagkakahalag ng P5 million sa gobernador ng lalawigan. 

Hindi ko akalaing makakarating ka sa amin,” pahayag naman ni Gov. Joseph Cua matapos iabot sa kanya ni Willie ang tseke. “Akala ko mag-e-entertain ka lang. ‘Yon pala magbibigay ka pa ng ayuda o support sa aming mga kababayang nasalanta. Again, Maraming salamat po.

“Anytime, basta ho nakakatulong,” sagot naman ni Wilie sa kanya. 

Anumang pangyayari sa ating bansa, mga pangyayaring ganito, alam n’yo naman ho pinagdadaanan natin, pandemya, mga bagyo, hindi lang naman po isang lugar ang p’wedeng tulungan. Buong Pilipinas po, [para] sa ating mga kababayan,” pagtatapos ni Willie.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Willie Revillame cursed at once again by another "Wowowin" contestant

The Butcher | No money in showbiz: Even Willie Revillame feels the pinch

Willie Revillame assures Harry Roque that ABS-CBN remains in his heart after the latter jokes about “Wowowin” causing the network’s shutdown

Pika's Pick: Meryll Soriano shows appreciation for her dad Willie Revillame’s fans who flock to his studio daily

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.