Willie Revillame, nagpa-dinner ng 30 babae sa Penthouse ng building niya

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Isang masayang dinner party ang inihanda ni Willie Revillame last Monday, October 22, para sa mga kandidata ng Miss Earth 2019.

 

Ginanap ito sa 42nd Floor ng Wil Tower sa Quezon City, na isa sa tatlong Penthouse Floors na pag-aari ng Wowowin host sa nasabing building, na ipinangalan sa kanya ng may-ari nito at former business partner niyang si former Manny Villar.

 

Ekslusibong nasaksihan ng pikapika.ph at ng GMA News team ang nasabing pagtitipon sa paimbita na rin ni Willie.

 

Alas-sais pa lang ng gabi ay nagsidatingan na ang may tatlumpu sa more than 60 candidates ng Miss Earth na nauna nang nagsipag-guest sa game show ni Willie.

 

Ang nasabing dinner—na nauwi sa sayawan at kantahan na umabot hanggang alas-dose ng gabi—ay bilang pasasalamat daw ni Willie dahil nga sa pag-ge-guest ng mga ito sa kanyang show. Isa pa ay matagal na raw niyang kaibigan ang Miss Earth co-founder and Carousel Production executive vice president na si Lorraine Schuck.

 

Ang Miss Earth 2018 coronation night ay magaganap sa MOA Arena on November 3, 2018.

 

 

Kasamang nag-entertain ni Willie sa mga nagtatangkaran niyang bisita that night ang mga co-hosts niya sa Wowowin sa pangunguna ni comedian-dancer Sugar Mercado, Filipino-Ghanaian beauty queen Halimatu Yushawu (Miss Earth Eco-Tourism 2018) at mga stand-up comedians na sina Kim Idol, Petite, at Le Chazz na pawang pinahanga ang mga kandidata dahil sa husay nilang kumanta at mag-perform.

 

Bukod sa pakikipag-sing-along at pagsasatawan, maging busy rin ang mga kandidada sa pages-selfie at groufie sa iba’t ibang bahagi ng posh events place ni Willie, lalo na sa parteng balkonahe kung saan kitang-kita ang nightscape ng kakakhan ng Quezon City at kalapit na syudad.

 

Namataan din ng pikapika.ph ang GMA-7 heartthrob na si Derrick Monasterio na minsan nang nag-guest co-host kay Willie sa Wowowin.

 

Heto ang ilan sa mga masasayang kaganapan that night na nakuhanan ng pikapika.ph.

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.