Willie Revillame, napa-throwback sa kanyang showbiz journey as he celebrates his 60th birthday

SCREENSHOT: Wowowin on YouTube

SCREENSHOT: Wowowin on YouTube

Binalikan ng TV host-comedian na si Willie Revillame ang kanyang mga pinagdaanan sa showbiz matapos makatanggap ng birthday greetings mula sa mga celebrities.

Nag-celebrate kasi ng kanyang 60th birthday si Willie o kilala rin sa tawag na Kuya Wil kahapon, January 27, sa kanyang programang Tutok to Win sa Wowowin. 

Sa first batch pa lang ng video greetings para sa birthday celebrant, mga bigatin personalidad agad ang mga bumati. 

Kabilang na nga dito sina Tirso Cruz III, Philip Salvador, Coco Martin, Randy Santiago, John Estrada, Richard Gomez, Aga Muhlach, Charo Santos, at ang veteran showbiz columnist na Cristy Fermin.

Napapalakpak naman si Willie nang mapanood ang pagbati sa kanya ng mga nakasasama n'ya sa showbiz noong nagsisimula pa lamang s'ya.

"Maraming maraming salamat sa inyong lahat," pahayag ng celebrated TV host. "For the 60 years of life, 'yan ho 'yong mga nakasama ko sa buhay ko."

At hindi nga napigilan ni Kuya Wil na magk'wento ng kanyang pinagdaanan noon bago n'ya narating ang kinalalagyan n'ya ngayon. 

"Si Aga [Muhlach], si Richard [Gomez], dati nangungutang ako d'yan," pag-amin n'ya. "Totoo 'yan. Lahat ng 'yan sa lahat nang bumati...

"Kuya Ipe, naging sidekick n'ya ako sa pelikula," pagpapatuloy pa n'ya. "Si Pip, coach ko sa basketball ng mga artista. Pinagdaanan ko talaga, madami. 

"Naging basketball player ako ng artista, all stars. At ako 'yong nag-o-organize ng team. Ako 'yong nagrerenta ng bus. Bayad sa mga artista dati P5000 lang. Dadalhin namin sa Isabela, kung saan-saan. Ako ang nag-aasikaso nu'n. Ako 'yong kanilang kumbaga runner boy."

Naik'wento din n'ya sa manonood ang panahon kung kailan napasama s'ya sa variety show ng GMA Network noon na Lunch Date (1986) sa tulong ni Randy Santiago.  

"Si Kuya Randy ho, malaki ang naging parte ng buhay ko d'yan. Drummer n'ya ako ng Cicada band. Pumunta kami ng Singapore. Ako ang drummer n'ya. Pero unang drummer po ako ni Gary Valenciano. And then napunta ako sa Cicada. Isang management lang 'yan

"Four months kami sa Singapore," he continued. "Naging close kami ni Kuya Randy and then after nu'n, pagbalik namin, naging sikat na s'ya sa Lunch Date. At kinuha naman n'ya akong side kick sa Lunch Date.

"Naalala n'yo ba 'yong Super Suman?" tanong pa n'ya sa viewers sa tuloy -tuloy n'yang pagto-throwback. "'Yong Super Suman, para s'ya 'yong Superman. Unang bubugbugin, ako muna. Pagkabugbog sa akin, uusok. Hihilahin ako sa likod ng backstage [tapos] lalabas na si Super Suman na si Randy. I started here in GMA-7 bilang side kick ni Randy Santiago."

Binalikan rin ni Willie ang mga panahong lagi daw silang nakakatanggap ng suspension order mula sa MTRCB nang mapasama na s'ya as co-host sa ABS-CBN noontime show na Masayang Tanghali Bayan (MTB). 

"Si John [Estrada], kasama ko rin 'yan sa basketball, sa MTB. Kami ho 'yong tatlo na laging nasu-suspend ng MTRCB. 

Pagbibiro pa n'ya sa show, "Sila naman talaga ang bastos. Binubulungan lang ako. Alam n'yo naman ako, masunurin ako kay Kuya Randy. Sila talaga ang bastos. Kaya lang ako ang laging tinutulak nila kaya ako ang laging natatanggal."

Hindi naman daw naging maganda ang umpisa ng pagkakaibigan nila ng showbiz writer na si Cristy Fermin pero sa pagdaan daw ng panahon ay naging okey sila.

"[Si] Tita Cristy, of course, parang nanay ko. Lagi akong pinaglalaban n'yan," pahayag n'ya. 

"Pero bago kami naging close ni Tita Cristy lagi akong binabanatan n'yan. S'yempre, ganu'n talaga. Magpapakumbaba ka kapag may nakikita kang mali sa'yo."

S'yempre, hindi p'wedeng hindi balikan ang pinagsamahan nila ng dati n'yang boss na si Charo Santos noong panahong nasa ABS-CBN pa s'ya. Ito daw kasi ang nagbigay sa kanya ng opportunity para mabili n'ya ang kanyang unang bahay. 

"Ang unang-una ko naman pong bahay ay bigay naman ni Ma'am Charo," lahad ni Willie. "Papunta po akong ABS [that time]. Para malaman n'yo lang. Nag-text s'ya. 'Asan ka? Ma'am Charo mo ito. Punta ka dito sa opisina ko. Sa'n ka ba nakatira?

"Sabi ko, 'Nangungupahan lang ako sa townhouse,'" pagre-recall ng Kapamilya-turned-Kapuso TV host. "Totoo ito ha. This was 2005. Saka nu'ng nakabalik po ako ng ABS dati, si Ma'am Charo ang kausap ko. S'ya lang. Tinanong n'ya ako, 'Ano bang gusto mo? Willie, magbago ka na. Ano bang gusto mo? Gusto mo bang mag-prime time, mag-sitcom?

Dito daw n'ya hiniling na magkaroon ng noontime show and the rest is history.

"Sabi ko, 'Ma'am Charo, kung babalik po ako, gusto ko noontime [show].' Tapos nagulat ako. Sabi n'ya, 'Sige, ikaw lang mag-isa. Wala kang kasama. Maghanap ka ng direktor mo, ng lahat. Ikaw na magplano ng gusto mo.'

"And then, bumalik ako ng opisina n'ya. [Sabi n'ya], 'Ayan, para makabili ka ng bahay.' Binigyan n'ya ako ng P 2 million. 'Downpayment mo 'yan.' 

Hinding-hindi n'ya daw 'yon makakalimutan. 

Na-appreciate naman n'ya ang humble gesture ni Coco Martin na talagang nag-effort daw para makilala s'ya.

"Si Coco Martin, hindi man kami close pero noong nasa Tagaytay ako, pumunta ho 'yan kasama si John Estrada, para sabihing, 'Kuya Willie, idol ko po kayo.' 

"A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa s'ya [bumibida sa] Probinsyano nu'n, there was a time na gusto lang n'ya akong ma-meet. 

"'Di ko makakalimutan 'yon, Coco, na nagpakumbaba ka sa akin at gusto mo akong makilala," sey pa ni Willie.

Thankful naman ang Wowowin TV host sa mga pagbati sa kanya mula sa mga kaibigang celebrities. 

"'Yang bati n'yong 'yan, kayamanan na sa puso ko. Maraming salamat po sa inyo," pagtatapos n'ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Meryll Soriano introduces new baby to Lolo Willie Revillame

The Butcher | No money in showbiz: Even Willie Revillame feels the pinch

Willie Revillame, aminadong sobrang pinagpala kaya namigay ng P5M para sa mga “namamalimos” na jeepney drivers at tig-100K naman para sa pamilya ng mga namatayan sa Beirut explosion

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.