Winwyn Marquez, graduate na daw sa mga beauty pageants

PHOTOS: @teresitassen on Instagram

PHOTOS: @teresitassen on Instagram

Nakatuon na daw sa ibang chapter ang buhay ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez at kuntento na umano siya sa napanalunan n’yang beauty title bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.

Napa-throwback kasi s’ya kahapon, June 8, at nag-post ng short video na kinunan during the swimsuit competition ng Reina Hispanoamericana almost 4 years ago na ginanap sa bansang Bolivia. 

(Winwyn initially won Reina Hispanoamericana Filipinas title when she joined Miss World Philippines in 2017. She then made history for being the first Filipina and Asian to win the Reina Hispanoamericana crown later that year nang mag-compete s’ya sa Bolivia)

“People have been tagging me non stop sa video na to' so might as well post it on my feed again,” pahayag ng Kapuso actress sa kanyang IG post. “[O]h how time flies.  [T]hank you sa nag video.”

Isang Instagram follower naman ang nagtanong sa comment section kung may balak ba s’yang sumali uli sa beauty pageant ngayong open sa applicants ang Miss Universe Philippines. 

Dito ay diretsahan s’yang sinagot ni Winwyn ng, “No na.”

 

Sa kasunod na IG post ng Owe My Love actress ngayong araw, June 9, nagpasalamat s’ya sa patuloy na suporta ng kanyang fans. 

“I am overwhelmed with all your messages grabe non stop. 2015 and 2017 ako sumali.. ngayon 2021 na at hanggang ngayon ganyan padin kayo,” pahayag ni Winwyn.

Her post came with a series of photos na kinunan sa sinalihan n’yang international beauty contest. 

Dagdag pa n’ya, hanggang pagsuporta na lang daw sa mga future kandidata ng Pilipinas ang ganap n’ya sa pageantry sa ngayon. She’s already 29 years old at lagpas na din sa age requirement ng mga pageant organizations.  

“[T]hank you so much pero hanggang sa pag support nalang ako sa mga candidates natin and sa mga gusto sumali ng pageants,” lahad pa ng aktres. 

“[M]insan mag bubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag move on sa ibang bagay but sabi nga diba once a Miss Philippines, always a Miss Philippines. Xx,” pagtatapos ni Winwyn. 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Para kay Vitto Marquez, walang better dancer sa kanila ng Ate Winwyn niya

Winwyn Marquez tops Marine reservist training; JM De Guzman is officially a sergeant of Philippine Air Force Reserve

Pika's Pick: Actress-beauty queen Winwyn Marquez shows progress of her weightlifting feat

Pika's Pick: Marquez siblings Winwyn and Yeoj win first place in Cross-Fit competition!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.