Winwyn, umaasang ang kasunod ni Mark ay ang “the one” na

PHOTOS: Anna Pingol & @herrasmarkangelooff on IG

PHOTOS: Anna Pingol & @herrasmarkangelooff on IG

Sa “God’s will” nalang ipinapasa ni Winwyn Marquez kung magkakabalikan pa sila ng matagal niyang naka-relasyon na si Mark Herras.

“If it’s not for me and it’s not us then it’s not us, let’s see. Kung ano ’yong God’s will,” kaswal na sagot ng beauty-queen/actress sa pangungulit ng ilang members of the entertainment press na nanghihinayang sa tatlong taon nilang relasyon, hindi pa kasali rito ang isang taong panunuyo ng binata sa anak ni Joey Marquez.

Pero aminado si Winwyn na nami-miss niya pa rin kahit papaano ang ex-boyfriend.

“S’yempre naman ang pangit naman kung sabihin kong hindi ko siya nami-miss diba? Parang three years [kami] and one year din niya akong niligawan. Pero wala na ’yon, tapos na, e. Hindi mo naman p’wedeng balikan ’yong tapos na, e. Hindi naman p’wedeng pilitin kung ano ’yong tapos na, diba?”

Wala na raw silang contact lately pero hindi naman daw sila umabot sa puntong kailangan nilang i-block ang isa’t isa sa social media, particular sa Instagram. Magkaibigan naman daw silang naghiwalay. Kaya lang ay mas minabuti ni Winwyn on her part na i-delete nalang ang mga pictures nila ni Mark.

“’Yong delete-delete oo. Siguro ayaw mo din naman s’yempre ex mo tapos mami-miss mo, makikita mo sa feed mo. Ikaw din naman ang mahihirapan.” 

Ginagamit pa rin daw niya ang mga gamit na regalo ni Mark sa kanya and vice-versa.

“Napag-usapan namin no’ng maghiwalay kami kung ibabalik ko pa ’yong gamit,” balik-tanaw ni Winwyn. “Sabi niya hindi kasi s’yempre bigay daw niya ’yon sa akin so bakit ko ibabalik pa? Siya din naman ’yong mga bigay ko sa kanya…” 

Last Valentine’s Day 2019 nang maisapubliko ang paghihiwalay nina Winwyn at Mark. 

At noon, magpa-hanggang ngayon ay kapwa naman sila consistent na walang third party at wala silang maiturong matinding dahilan kung bakit sila naghiwalay.

“It was ano, e, hindi naman siya one day lang ayaw na, e,” patuloy na esplika ni Winwyn. “Pinag-usapan siya. Nagkakainisan, nagkaka-pikunan… then one day nag-usap nalang ng isang masinsinan kung ano ang kailangang gawin.”

“Siguro nag-iba ’yong direction. Nag-iba lang talaga ’yong pananaw siguro namin. Mas iba, e. Hindi nalang siya ’yong parang pa-tweetums na ayaw or something… Actually wala ngang away, e. Nag-decide lang talaga kami na we need to grow separately.” 

Mutual daw ang naging desisyon nilang maghiwalay nalang at hindi nagpadala sa buyo ng mga naka-paligid na umaasang sa kasal na mauuwi ang relasyon nila.

“Ang hirap kasi kung gawin mong complicated. . . ang hirap kasi maging complicated ang life. I think ’yong mga human being complicated kayong mga tao, tayo complicated din… hindi naman kailangan. Kailangan chill lang sila. Kung ano ’yong nand’yan, nand’yan; kung ano ’yong wala, wala.” 

Kung ang mga pronouncement ni Winwyn ang pagbabasehan ay tila naka-move on na ito nang husto. Mas gusto daw niyang pagtuunan muna ng pansin ang sarili niya at mas mag-pokus pa sa career lalo na’t pa-drama nang pa-drama ang bibibigay sa kanyang proyekto ng GMA-7.

“Kailangan kong mag-enjoy, kailangan kong mas mahalin ’yong sarili ko, kailangan kong. . .Kailangan kong mag mas focus sa self ko. Kasi ngayon na single ako ngayon lang ako magta-travel…[punta ako] sa Japan. I go alone. Imi-meet ko nalang ’yong best friend ko doon… magko-Korea ako…”

Bandang end of June and early July ang alis ni Winwyn for a 10-day Korean vacation, tapos ay didiretso siya ng Japan para manood ng concert ng kinahuhumalingan niya ngayon grupo, ang phenomenal Korean boyband na BTS na kasalukuyang nagwo-world tour.

Matagal na raw niyang naipag-paalam ito sa GMA-7 kaya naayos na nila ang schedule ng mga tapings niya para sa bagong teledrama niyang Dahil sa Pag-Ibig.

Bagama’t hindi pa iniisip ni Winwyn ang lovelife at this point, umaasa raw siya na sana ang next one ay ang “the one” na talaga.

S’yempre kung magkaka-boyfriend ako gusto ko naman siya na. Pangit naman kung mag-boyfriend ka tapos hindi pala siya.” 

Meantime, nakapag-pilot episode na kahapon (Monday, May 20) ang Dahil sa Pag-Ibig and the said episode grabbed the No. 2 slot sa mga nag-trending topic kagabi sa Twitter.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Winwyn, si V ng BTS ang kinahuhumalingan after Mark Herras

WATCH: Kung paano ma-windang si Winwyn Marquez sa sunod-sunod na tanong tungkol kay Alden

Mark Herras on breakup with Winwyn Marquez: “Walang third party”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.