Witty fan-made “Popstar Meal” poster ni Sarah Geronimo at “Songbird Meal” ni Regine Velasquez, naglipana online

PHOTOS: @arvinchristian.lobo on Facebook

PHOTOS: @arvinchristian.lobo on Facebook

Viral ngayon sa social media ang fan-made Popstar Meal poster ni Sarah Geronimo na tila local counterpart ng umugong na BTS Meal nitong weekend. 

Nito kasing Friday, June 18, ay gumawa ng ingay ang launching ng “collaboration meal” ng Korean boyband na BTS at fast-food chain restaurant na McDonald’s at tinawag itong BTS Meal.

Mayroon itong 10-piece Chicken McNuggets, medium size coke and fries, at dalawang dipping sauce, ang Sweet Chili at Cajun. 

Hindi naman nagpadaig ang 19-year-old Pinoy fan na si Arvin Christian Lobo at gumawa s’ya ng fanart ad poster ni Sarah Geronimo para sa fast-food restaurant na Jollibee. Sakto naman dahil celebrity endorser talaga ng nasabing restaurant ang Popstar Royalty. 

Thus, tinawag n’yang “The Popstar Meal” ang diumano’y food combo ni Sarah which includes star-shaped Tala nuggets, na masasabing inspired sa hit song n’yang Tala, twisted fries, na maaaring kinuha sa isa pa n’yang kanta na Ikot-Ikot, at isang medium size coke na tinawag na Coke Sarah na inspired naman sa kanyang pagiging Coach Sarah ng The Voice PH.

Naka-indicate din sa fan-made poster na free delivery daw ang Popstar Meal para sa mga fans na mag-o-order online “kahit abutin pa ng kilometrong layo.”

Kwento ni Arvin sa amin sa pikapika.ph, kahapon daw n’ya naisipang gumawa ng poster matapos mabasa ang hiling ng ilang fans ni Sarah na sana ay magkaroon ng Popstar Meal.

“Kahapon po, Sunday, since wala naman aking pasok,” lahad n’ya sa aming online interview. “Naisipan ko gawan poster ‘yong idea nila na Popstar Meal para makapag-post na po ako uli sa IG account ko kung saan ko pino-post mga edits ko.”

Dagdag pa ng second year Tarlac State University student, “Actually, habang nagla-lunch po kami hindi ako kumikibo dahil nag-iisip ako ng foods sa Sarah Meal. Natagalan lang po ako sa editing.”

Kanya-kanya namang tweet ang mga popsters [fandom ni Sarah] at tila nananawagan sa Jollibee na gawing totoo at available ang The Popstar Meal sa kanilang menu. 

Aside sa Popstar Meal poster ni Sarah, gumawa din si Arvin ng version para kay Asia’s Songbird Regine Velasquez na tinawag naman n’yang “The Songbird Meal.” 

Dito, bida ang “Crispy Wings of Love” na inspired sa hit single niyang “On The Wings of Love;” at free delivery umano ito, “Araw-Gabi,” na inpired ng another single niya of the same title. 

 

Kung my bts meal dapt may songbird meal ano na @jollibee!!!!!

Posted by Kylie Marciana Guillerma Gozos on Sunday, June 20, 2021
 

Here comes the #SongBirdMeal by Jollibee 😂 *this was made just for fun.* 📷 photo credit to the rightful owner

Posted by Koreanong Hilaw on Monday, June 21, 2021
 

Sorry kung may Asia BTS meal kayo talo kayo sa Asia’s SONGBIRD Meal ng Jolibee😍😍👌👌 Mapapa Regine wohooo 🥳

Posted by Javier Onupac on Monday, June 21, 2021

Taba ng utak ni Kuya!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Mr. & Mrs. Matteo and Sarah Guidicelli held their groundbreaking ceremony for their future home in Batangas; which also doubled as Matteo’s birthday celebration

Pika's Pick: Matteo Guidicelli shares post-nup photos as way of congratulating his wife Sarah Geronimo for the success of Tala The Film Concert last night

Matteo Guidicelli dedicates heartwarming post to Sarah Geronimo in celebration of their 1st wedding anniversary

AshMatt in Bliss: A year of exciting love for Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.