Xian Lim, ipinasilip ang bahay na may Buddha at life-size Incredible Hulk statues!

SCREENSHOT: Xian Lim on YouTube

SCREENSHOT: Xian Lim on YouTube

Although nakita na noong araw sa isang glossy magazine ang bahay ni Xian Lim sa Antipolo ay muling nagpa-unlak ang actor-director na ipasilip sa kanyang mga fans ang kanyang mildly-renovated house sa kanyang latest vlog entry na in-upload last October 30.  Namili din muna ng mga bagong gamit si Xian bago nagpa-virtual tour

Umpisa pa lang ng video, ibinida na agad ni Xian ang pagkakahilig n’ya sa halaman pero ayaw daw n’ya matawag na “Plantito” (ang tawag sa mga lalaking nahihilig sa pag-aalaga ng halaman, as opposed to “plantita” naman sa mga babae).

“As you guys can see, mahilig ako sa mga halaman,” pagbabahagi ng 31-year-old actor-filmmaker. “Ayoko ‘yong term na ‘plantito,’ e, parang ang tanda, e. But I love plants. I think it gives life to the whole place.”

 Paliwanag pa mg multi-talented Viva actor, na-acquire daw n‘ya ang bahay na ‘yon sampung taon na ang nakararaan. 

“So, the house was built in the early 80s. I came in… mga 10 years ago, I acquired the house,” esplika ni Xian sa video. “Kung mapapansin n’yo sa loob [may] mga lumang kahoy. Hindi namin s’ya binakbak. Kumbaga, we kept them in place.”

Unang dinala ng aktor ang kanyang viewers sa kanilang spacious living area.  

“It is actually an open space,” aniya. “Right when we moved in ganito na s’ya. Wala s’yang partitions, wala s’yang anything. 

Ang major lang na nabago sa bahay na ’to was the high ceiling kasi dati isang palapag lang talaga s’ya. But when we moved in we’re like, ‘Yeah, lagyan natin ng medyo… Taasan natin ‘yong ceiling.’ Para mas spacious tingnan ‘yong lugar.

Ramdam mo ang ’70s and ’80s vibe ng bahay dahil nga kasama ni Xian ang kaniyang mom at lola, na mahilig sa paggawa ng cross stitch at pagko-kolekta ng mga art pieces, kaya talagang classic at homey ang dating house.

Mahilig ako sa mga rock formations or parang natural stones,” pag-amin pa ng binatang aktor at ipinakita ang kanyang amethyst crystal. “Mahilig ako sa mga ganu’n, sa mga geodes, kung ‘yon man ang tawag doon.

Ipinakita din ni Xian ang mga couches and sofas na ay ilan nabili n’ya mula ng simula s’yang magtrabaho, pati na rin rugs at kanyang art masterpiece. 

Hindi rin maitatanggi kay Xian ang pagkakaroon ng pamahiin na mukhang nakuha n’ya sa kanyang Chinese side. Gaya na lamang ng paglalagay ng statue ng laughing Buddha na pinaniniwalaang nagdadala ng s’werte at kasaganaan sa isang bahay.

“Kung mapapansin n’yo nandito si Buddha,” paliwanag ni Xian. “Sabi nila for good luck nga daw. Dapat ira-rub ang belly ni Bhudda tapos magwi-wish ka. 

At ginawa nga ito ng actor-TV host. 

“He’ll give you good luck and fortune,” pagpapatuloy n’ya. “Pero actually, dapat ang Buddha dapat facing the front door. But it’s okey. D’yan pa rin s’ya. Mukha naman s’yang masaya d’yan, ‘di ba?

Tsika naman ng Viva artist nang marating ang attic area, ‘yon daw ang tambayan nila ng mga kanyang friends na gaya daw n’yang introvert. 

“Another huge help na ginawa ng mga interior designers when they came by the house was they helped me fix this place off,” sey pa n’ya. “Kasi sabi ko nga, I want an area [where I] can be able to chill… It’s a good place to chill and talk about life. No one really drinks here. 

“I’m an introvert at lahat ng mga kasamahan ko na introverts, e, ang mga topic namin, e, tungkol sa buhay… Deep thoughts.”

Ibinahagi pa ng aktor ang pagkahilig n’ya sa origami na Japanese art of paper folding at nagpakitang gilas pa sa paggawa ng paper crane.

Pinasyalan n’ya din ang balkonahe na overlooking sa swimming pool area kung saan daw siya nagre-relax paminsan-minsan.

“This is balcony or lanai na parang naisip namin before na parang it will be good to chill [here] pero wala naman kaming ka-chill dito, e. It’s just a really nice area, a really nice open area… 

Sabi ko dati pag na-engganyo ako mag-yoga, dito ako magyo-yoga,” ani Xian. 

Hindi n’ya kinaligtaan na ipakita ang dining area na kung saan nakapag-share pa s’ya ng trivia tungkol sa kanilang pamilya. 

“Growing up here, growing up in the States, never kong na-experience na kumain [kami ng family] nang magkakasama,” pag-amin ng aktor.  

Kasi I was raised that way. Like, my mom would have her job, I would have my job, and lola [would] have her thing going. So, we never ate together as a family.”

At s’yempre, ipinakita rin n’ya ang newly-installed glass cabinet na ipinagawa n’ya—as a surprise—para sa mga dolls and clowns collection ng kanyang lola nu’ng ma-ospital at maoperahan ito kamakailan.

Ito, bago lang ‘to and I’m super na… Actually, gift ko ‘to kay lola, e, because sobrang dami n’yang collection. As in,” pahayag ni Xian sa kanyang vlog. 

“And these are super old. Hindi pa yata ako pinapanganak nasa kanya na ‘to,” patungkol ni Xian sa mga koleksyon. “And they are just laying around the house.

“Sabi ko, it would be nice after her operation, pagka balik n’ya makita n’ya ‘yong clowns n’ya naka-display. So she was really surprised and she was so happy. That is why I always leave the lights on every single day para makita n’ya ‘yong mga kolekyon n’ya, mga abubot n’ya.”

 At dahil aminado ngang introvert at hindi pala-labas ang aktor, sa loob na mismo ng bahay nila ay meron ng recreational room kung saan naroroon ang kanyang billiard table, grand piano and other musical instruments, at ang kanyang personal gym and work-out area.

Katabi lang din gym ang pool area nina Xian na talagang ipinagawa n’ya daw dahil mahilig talaga s’ya mag-swimming mula pa noong bata s’ya. 

“So growing up as a kid, sobra akong fan ng water parks so I love water,” pag-amin pa n’ya. “Hilig ko talaga mag-swimming nu’ng maliit pa ako so I always look forward to those days na with my cousins. Mag-iikot-ikot kami, magsu-swimming at lahat lahat. 

“So, I decided to make a lap pool for exercise and at the same time pag [may] party dito. Kaso hindi pa nangyayari ‘yang party na ‘yan,” natatawang sabi n’ya. 

Isa pang attraction sa compound nina Xian ang life-size statue ni Incredible Hulk na binili daw n’ya dahil bumabalik ang kanyang magagandang alaala sa romantic comedy na movie n’ya na The Reunion kung saan nakasama n’ya sina Enchong Dee, Enrique Gil, Kean Cipriano, Cristine Reyes, Megan Young, at marami pang iba. 

Kasi kung napanood n’yo ‘yong pelikula na ginawa ko na The Reunion, nandu’n ako as The Hulk,” natatawang pagre-recall ni Xian. “So, when I saw this for sale, nakita ko, sabi ko, ‘Sige, kuha ako nito.’

“Nostalgic ‘yong feeling na maalala ‘yong The Reunion days. I think that was back in 2012,” dagdag pa n’ya. 

 Ipinakita din n’ya ang loob ng kanyang sasakyan bilang bonus sa kaniyang pa-virtual house tour. 

“I spent more time sa sasakyan na ‘to kesa dito sa bahay kasi ito talaga ‘yong pang-trabaho ko, e… And this car has been with me for so long. Ito ‘yong first car na nabili ko ever since I started getting work,” paliwanag pa ng aktor. 

Maliban sa spacious interior ng sasakyan, nako-convert din ang couch sa loob nito into a bed na kailangang-kailangan n’ya kapag ginagabi o may overnight sa mga taping.  

“P’wede ka mag-chill, p’wede ka kumain… Lahat, lahat. And there’s a TV,” pagbibida pa ni Xian. 

Sa magiging Part II daw ng house tour vlog n’ya, nag-promise si Xian na ipapakita n’ya ang iba pang rooms sa loob ng bahay, including his room, of course.

PANOORIN ang kabuuan ng part 1 virtual house tour ni Xian Lim dito:
 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Xian Lim, ilang beses inatake ng insomnia habang nasa lock-in taping ng Love Thy Woman

Xian Lim, naiyak nang ikuwento na may breast cancer ang kanyang lola

Exclusive: Xian Lim, magaling daw kumilatis ng sinungaling (plus more update tsika) !!!

Xian Lim defends Kim Chiu from bashers who criticized her “classroom” statement; urges everyone to stop the hate

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.