Xian Lim, magpapa-presscon pag ia-anunsyo na ang kasal?

Pangarap daw ng KimXi tandem nila Kim Chiu at Xian Lim na makatulong silang maka-engganyo ng mga moviegoers na muling bumalik sa mga sinehan sa pamamagitan ng reunion movie nilang Always. “Para sabihin naming ‘In cinemas nationwide...’ Parang nakaka-miss sabihin. Kasi, ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie nga,” sey ni Kim. However, aware din siya na sa panahon ngayon, isa itong malaking challenge. “This is also one of the biggest challenges na haharapin namin ni Xian. Aside sa aming comeback ay ’yung i-comeback namin ang mga tao na panoorin ang local movies sa mga sinehan.”

Photos: Viva Films/ @xianlimm

Pangarap daw ng KimXi tandem nila Kim Chiu at Xian Lim na makatulong silang maka-engganyo ng mga moviegoers na muling bumalik sa mga sinehan sa pamamagitan ng reunion movie nilang Always. “Para sabihin naming ‘In cinemas nationwide...’ Parang nakaka-miss sabihin. Kasi, ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie nga,” sey ni Kim. However, aware din siya na sa panahon ngayon, isa itong malaking challenge. “This is also one of the biggest challenges na haharapin namin ni Xian. Aside sa aming comeback ay ’yung i-comeback namin ang mga tao na panoorin ang local movies sa mga sinehan.”

Ang Filipino adaptation ng 2011 Korean hit film na Always ang reunion movie ng reel at real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim after eight years.

Although nakagawa naman sila ng teleserye two years ago, ang Love Thy Woman, iba rin daw ang galawan sa paggawa ng pelikula talaga kaya’t nandoon daw na nanibago rin sila especially sa part ni Kim na two years hindi nakagawa ng movie.

Kaya kahit na sila naman in real-life, nakaramdam pa rin daw sina Xian at Kim ng tila nagkakahiyaan sila bago kuhanan ng eksena.

“Noong una nga po kaming nagkasama ni Kim in front of the camera, parang may konting pagkahiyaan pa nga, in a way,” natatawang k’wento ni Xian.

“Kasi, sa totoo lang, iba talaga ang environment ng paggawa ng pelikula. Parang, ‘Kim, paano nga ba?’ ‘Sige, let’s take it step back and try to figure this out.’

“But the feeling of being back and working with Kim in the big screen is such a joy.”

Sa part ni Kim, itinuturing niyang big blessing ang pagdating ng Always sa buhay niya.

“Ako naman, very thankful and this is my first movie rin under VIVA Films and finally, napayagan akong gumawa apart from ABS and nabigyan ako ng Korean adaptation movie and may Xian pa.

“And Xi as a director now, gina-guide niya rin ako. Sometimes, nakalimutan ko na bulag pala ako [sa role ko]. ‘Ay, sorry, bulag pala ako.’ ’Yung mga gano’ng point, gina-guide niya ako,” masayang k’wento rin ni Kim.

Sa simula lang naman daw sila nagkapaan at later on ay natural lang na bumalik ang pagiging komportable nila as screen tandem.

“’Yung pagiging kumportable namin sa isa’t-isa which is, hindi naman na hinihingi ni Direk at hindi na rin namin siya pinapahirapan.

“So, kumportable kami sa isa’t-isa and then, gina-guide din namin ang isa’t-isa so, it’s easier sa work namin, sa work environment.”

Bukod sa comeback film nilang dalawa, pangarap din daw nila na makatulong silang maka-engganyo ng mga moviegoers na muling bumalik sa mga sinehan.

“Para sabihin naming ‘In cinemas nationwide...’ Parang nakaka-miss sabihin. Kasi, ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie nga,” sey ni Kim.

However, aware din siya na sa panahoin ngayon, isa itong malaking challenge.

“This is also one of the biggest challenges na haharapin namin ni Xian. Aside sa aming comeback ay ’yung i-comeback namin ang mga tao na panoorin ang local movies sa mga sinehan.

“Kapag narinig kasi natin ngayon, after pandemic na ‘May movie, manood tayo ng sine,’ ’di ba, mga Marvel, mga ganyan ang pinapanood ng mga tao. Sana this time, ma-udyok namin ang mga tao to go to the movies and watch our movie in the big screen.

“Kasi, mas maganda, mas malaki, kasama mo ang loved ones mo. Mag-iyakan kayo ro’n, magtawanan, di ba, mas masaya? After, kain kayo sa labas. Na-miss din natin ang gano’ng feels. Before pandemic, ang hilig nating manood ng movies. Sana this time, makapag-pave way kami sa Philippine cinemas na pumunta ulit ang mga tao to watch movies sa cinema.”

Sa isang banda, bilang mahigit isang dekada na nga rin ang relasyon nina Kim at Xian, hindi talaga maiaalis na natatanong sa kanila ang tungkol sa kasal.

At para masabi rin na “always and forever” na nga raw silang talaga. 

“Ay grabe, may gano’n pala Xi,” natatawang reaksiyon naman ni Kim.

“Parang sa ngayon, ang nangyayari, gradual ang mga pangyayari, ’di ba? Baka hindi natin alam… bakit ako ang sumasagot, ikaw,” sabay pasa ng microphone kay Xian.

“Sige, dugtungan na lang natin ang sinabi ni Kim,” sakay naman ni Xian.

“Gradual naman po. I mean, kung mangyari po ’yon, kayo po ang unang makakaalam. Definitely, magpapa-presscon po ako. Invited po kayong lahat,” natatawang anunsyo niya.

Turning serious, he adds: “But nandito naman po ang pagmamahal namin sa isa’t-isa, ang respeto... or assurance for each other that we will be here always.”

Samantala, ang heavy drama reunion movie nilang Always ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa starting September 28.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Chiu at Xian Lim, nagbunyagan ng amoy; Kim, ayaw payakap kay Xian offcam during the shoot ng Always

Kim Chiu, dismayado sa pag-aaway nila ni Xian Lim: “…kasi hindi n’ya ako pinapatulan.”

Xian Lim, pinasinungalingan ang haka-hakang kasal na sila ni Kim Chiu

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.