Hindi man madalas direktang maka-eksena ni Yassi Pressman ang kanyang Tito Eddie Garcia sa FPJ’s Ang Probinsyano ay marami pa rin namang pagkakataong nakakasama niya ito sa set ng top-rating ABS-CBN series. Kaya hindi maitago ni Yassi ang lungkot nang saglit siyang makapanayam ng pikapika sa opisina ng Viva Films sa Pasig City.
Wala raw siyang taping para sa Probinsyano kahapon kaya wala pang pagkakataong na makausap niya ang iba pa niyang co-stars sa show tungkol sa nangyari sa kanilang Tito Eddie. Pero sigurado daw siyang gaya niya ay nabigla at nalungkot din ang lahat.
“The news is extremely saddening for everyone,” panimula ni Yassi. “Sa lahat ng mga nakatrabaho niya o kahit sa mga viewers lang ni Tito Eddie.”
The well-loved actor, according kay Yassi, reminds her so much of her own dad, Ronnie Pressman. Bukod daw kasi sa magka-edad ang dalawa ay very caring daw si Tito Eddie niya gaya ng dad niya.
“He’s always kind, always there, always strong, and then never niya gustong makita na he’s weak at any point, e, parang ang dami-dami na niya pong naibigay sa industriya, and dami na niya pong naibigay sa mga co-actors niya, tulong, caring… things. Parang, wala lang…any loss or anything bad, any accident na mangyari sa kanya o kahit kanino naman, mahirap tanggapin. And I just feel extremely sorry, sad, especially to the family.”
Wala daw siyang mahanap na salita to describe ’yong kanyang pagka-bigla sa balitang na-aksidente si Señor Gustavo Torralba (ang naging role ni Eddie Garcia sa Probinsyano), lalo na nong nakita niya ang nag-viral nitong litrato.
Ani Yassi: “Hindi ko na-explain ’yong feeling ko do’n sa photo kasi parang… “
Gaya ng ibang artistang nag-aalala at nagmamahal sa beteranong aktor, gustong-gusto raw sanang dumalaw ni Yassi dito sa Makati Medical Center.
“Kung p’wede sana, oo. Hopefully if not tonight, sana tomorrow, pero ang alam ko yata they’re very private e. So, we’ll wait for their news and sana everything’s going to be okay.”
At kung may chance daw siyang makausap ito, wala siyang ibang sasabihin dito kundi: “Thank you for everything.”
Last Saturday, June 8, ay na-aksidente ang movie and TV icon na si Eddie Garcia sa Tondo, Manila, sa set ng bago nitong show sa GMA-7. Sanhi nito, in coma ngayon ang aktor at nananatiling under criticql observation sa Neuro-ICU ng Makati Medical Center.
Matagal na naging mainstay ng FPJ’s Ang Probinsyano si Eddie Garcia at nito lamang February siya namaalam sa kanyang role na Señor Gustavo/Don Emilio. Hindi pa man nagtatagal ay nag-commit na ang indefatigable actor na gagawa naman ng show sa GMA-7 at ito nga ang Rosang Agimat na dinidirek ni ex-Probinsyano director na si Toto Natividad.
YOU MAY ALSO LIKE:
'Ang Probinsyano' is now on Netflix—but with an interesting English title
Eddie Garcia, na-revive na matapos mabalitang na-coma