Yassi Pressman, excited para kay Julia Montes bilang “huling pag-ibig” ni Coco Martin sa Ang Probinsyano

“I wish her the best,” saad ni Yassi Pressman patungkol kay Julia Montes, ang bagong leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. “Kasi alam ko po na kahit ano pong gawin ng Ang Probinsyano family, it’s always going to be worked on hard tapos pinag-isipan po nang mabuti at lagi pong exciting.”

PHOTOS: VAA & @montesjulia08

“I wish her the best,” saad ni Yassi Pressman patungkol kay Julia Montes, ang bagong leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. “Kasi alam ko po na kahit ano pong gawin ng Ang Probinsyano family, it’s always going to be worked on hard tapos pinag-isipan po nang mabuti at lagi pong exciting.”

Happy and excited daw ang multi-hyphenate celebrity na si Yassi Pressman para sa aktres na si Julia Montes sa pagpasok nito sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Mara na magiging “huling pag-ibig” umano ni Cardo Dalisay. 

Natanong kasi si Yassi ng entertainment press tungkol dito sa kanyang solo virtual media conference ngayong araw, August 23, after ng kanyang contract renewal with the Viva Artists Agency. 

Mula pa kasi noong 2016 ay si Yassi na ang leading lady ni Coco Martin dito hanggang nitong nakalipas na January 2021 kung kailan “namatay” na sa istorya ang karakter n’yang si Alyana. 

“I’m so excited. Nu’ng nakita ko po [ang teaser], sabi ko, ‘This definitely a great move,’” saad ng tila minamalat pang si Yassi. “Sigurado po ako na nami-miss ng mga tao si Julia Montes.

Ang tagal-tagal n’ya pong nagpahinga siguro or…I don’t know what she did but I’m sure it was great for her. And for her to be coming back po and dito po sa show na Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat. 

“And I wish her the best,” dagdag pa n’ya. “Kasi alam ko po na kahit ano pong gawin ng Ang Probinsyano family, it’s always going to be worked on hard tapos pinag-isipan po nang mabuti at lagi pong exciting.”

Samantala, excited daw ang Filipino-British actress na muling bumalik sa pag-arte after n’yang malinya sa pagho-host. 

Na-miss daw ni Yassi ang pag-arte sa harap ng camera pero nag-enjoy naman daw s’ya na e-explore niya ang game-show hosting. 

“The transition to hosting was really fun. And acting po, the reason why I’m so excited to do this film po talaga is the script is so beautiful,” aniya. 

Ang tinutukoy n’ya ay ang pagbibidahan n’yang film adaptation ng 2009 Korean movie na More Than Blue kung saan makakasama n’ya sina JC Santos and Marco Gumabao

“I read the script many times na po and every time, I cry. Every time I feel what the character’s feeling tapos I feel for the different characters as well,” k’wento pa ni Yassi sa press. 

Meron po silang pag-ibig na kakaiba dahil it’s very complicated and minsan ang pag-ibig pagka complicated, mas maraming sacrifices, mas mahirap. Pero, at the end of the day, kung mahal mo, mahal mo. And ipaglalaban mo ’yon. 

Hindi ibig sabihin kailangan mong kunin [pero] p’wede mong ibigay. And these are all of the things na it all happens in my head and it’s such a great piece,” pagbibigay-clue pa niya sa istorya ng pelikulang ididirek ni Nuel Naval ng blockbuster na Miracle in Cell No.7.

“I’m so honored to have been chosen to be play this character kaya I’m so excited po talaga,” pagtatapos ni Yassi. 

Sa ngayon ay napapanood si Yassi bilang host ng weekly game show na Rolling In It Philippines sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Yassi Pressman, excited nang tumira sa bagong bahay niya

Pika's Pick: Yassi Pressman bumps into American rapper and online gaming boss, Offset, in Rodeo Drive

Yassi Pressman, Issa Pressman, at Kobe Paras, nag-fan mode kay Chris Pratt sa Los Angeles

Dahil financially-challenged noon: “We barely changed shoes for school,” ani Yassi Pressman

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.