Yassi Pressman, handa nang mag-settle down; “I’m not scared anymore.”

Na-overcome na raw ni Yassi Pressman ang takot niya sa pagkakaroon ng sarili n’yang pamilya dahil lumaki siyang breadwinner at mula sa isang broken family.  “Dati takot ako, e. Takot akong mag-trust. Takot akong magkaroon ng sariling pamilya or anything. So, now na nakita ko na okey ang kapatid ko, may work na ulit, nabigay ko na ’yong bahay for my family...now I’m starting to think of myself.”

PHOTOS: @yassipressman on Instagram

Na-overcome na raw ni Yassi Pressman ang takot niya sa pagkakaroon ng sarili n’yang pamilya dahil lumaki siyang breadwinner at mula sa isang broken family. “Dati takot ako, e. Takot akong mag-trust. Takot akong magkaroon ng sariling pamilya or anything. So, now na nakita ko na okey ang kapatid ko, may work na ulit, nabigay ko na ’yong bahay for my family...now I’m starting to think of myself.”

Nasa stage na raw ng buhay n’ya ang actress-dancer and game-show host na si Yassi Pressman kung saan ay naiisip na n’ya ang mag-settle down at magkaroon ng sarili n’yang pamilya. 

Nagpahiwatig ang aktres tungkol dito sa exclusive interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa online show ng huli na Toni Talks on YouTube na in-upload nitong weekend. 

Matapos kasi ang kumustahan nila at throwback sa kanyang humble beginnings sa showbiz ay natanong si Yassi of what she is looking forward to in her life right now.

At dito n’ya sinabi na naiisip na n’ya ang lumagay sa tahimik dahil naibigay na rin naman umano n’ya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. 

Siguro just nice future for my family, personally na, now that’s something new that I open myself up to,” panimulang lahad n’ya. 

Na-overcome na rin daw n’ya ang fear noon sa pagkakaroon ng sarili n’yang pamilya dahil lumaki siyang breadwinner at mula sa isang broken family.

Dati takot ako, e. Takot akong mag-trust. Takot akong magkaroon ng sariling pamilya or anything. So, now na nakita ko na okey ang kapatid ko, may work na ulit, nabigay ko na ’yong bahay for my family, now I’m starting to think of myself,” pagbabahagi n’ya kay Toni. 

Sa sagot niyang ito ay napatanong nang deretsahan ang talk show host sa kanya ng: “Settling down? Ganu’n?

“In the future,” kinikilig na sagot ni Yassi. 

Komento naman ni Toni, nasa hustong edad na siya para isipin ang mga ganitong bagay. 

Tumatanda na ata ako..." saad pa ng Viva actress. "I’m not scared anymore. Nakakatakot kasi [dati dahil I am] from a broken family."

Bukod pa rito, masaya daw ang lagay ng puso ngayon ni Yassi. 

"I’m super happy… Woooow! Just super happy, ate," she told Toni. "Whole.Happy."

Biro naman ng TV host-actress sa kanya: "Someone’s taking care of your heart."

"Well, I always take care of my heart. But may nagsu-support...with the assistance of the carrying," natatawang pagtatapos ni Yassi. 

Matatandaan na isinapubliko ni Yassi ang relasyon nila ni Jon Semira nito lang July sa Instagram.

July 14 exactly nang unang magbigay ng hint ang aktres sa relasyon nila ng Filipino-Canadian basketball player and businessman by uploading a series of photos sa Instagram nang mag-celebrate s’ya ng Bastille Day kasama ang iba pang Pinoy sa Paris, France.

Kabilang sa in-upload n’ya ang photo nilang dalawa holding each other habang nakatanaw sa Eiffel Tower.

Nasundan pa ito nang mag-post siya ng birthday greeting para kay Jon sa IG din noong July 21 naman kalakip ang black and white photo nila na kinunan sa Amsterdam sa Netherlands.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Yassi Pressman gets treated to a Pinoy lunch at Sen. Manny Pacquiao’s LA home

Yassi Pressman, excited nang tumira sa bagong bahay niya

Yassi Pressman, seryoso sa pagiging negosyante

Level Up na saya at suwerte ang hatid ng Rolling In It PH Season 2

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.