Pasabog ang mga photos ng actress-dancer and entrepreneur na si Yassi Pressman sa pinakabago n’yang ganap bilang calendar girl ng isang beverage company.
Kamakailan lang kasi ay opisyal nang ipinakilala ang Filipino-British actress bilang calendar girl ng Ginebra San Miguel for 2023.
S’ya ang pumalit sa actress and social media influencer na si Chie Filomeno na naging calendar girl para sa kasalukuyang taon.
Pag-amin ni Yassi during the calendar launch event, naging hesitant pa raw s’ya noong umpisa bago tanggapin ang offer na maging calendar girl.
“I really wasn’t prepared din po talaga, I think, physically. That’s number one,” lahad n’ya nang makausap s’ya ng entertainment press.
Nasa bakasyon daw kasi s’ya that time nang matanggap ang offer at meron lang s’yang dalawang linggong preparation bago ang kanilang photoshoot.
Bukod pa doon, magaganda at sexy din ang A-lister celebrities na naging calendar girls in the past kaya naman dagdag pressure din daw ’yon for her.
“I was on vacation tapos kailangan kong bumalik. And then, kailangan in two weeks I’d be ready on this calendar with millions of copies,” saad pa n’ya.
“So the pressure was there and I know a lot of people din who came before me were almost perfect, right?”
Kabilang na nga rito sina Marian Rivera na naging calendar girl noong 2009 at 2014, Anne Curtis noong 2011, Solenn Heussaff way back 2012, Kim Domingo noong taong 2017, Pia Wurtzbach noong 2019, Sanya Lopez nitong nakalipas na 2020, at si Chie Filomeno nga for this year.
Ganu’n pa man, s’ya daw mismo ang nag-encourage sa kanyang sarili para palakasin ang kanyang loob.
“Sabi ko rin sa sarili ko, ‘Just go and be the healthiest version of yourself. Kayang kaya mo gawin. Go, strive for your best ’cause you’re only in competition with yourself. Do your best lang.’ I hope you guys like my best. Hahaha!” natatawang sabi pa ni Yassi.
Nag-detalye din s’ya sa mga ginawa n’ya para ma-achieve ang sexy body na ini-expect ng mga fans sa isang calendar girl.
“Kailangan ko muna i-give up… siguro ’yong carbs. Hahaha! I went through a big fitness journey this year katulad nu’ng mga napakita ko sa mga tao online,” pagbabahagi ng Viva actress.
“It was a lot of discipline for me, mentally, physically. But I feel good, I feel happy, I feel healthy.
“And I hope this, you know, inspires people to get back [to fitness] ’cause ’yon ’yong usual na sinasabi. Parang nagti-thank you sila. For me, I’m happy if we all grow.”
Nagsilbi rin umanong inspirasyon for her ang idolo niya at It’s Showtime co-host na si Anne Curtis.
“I love Ate Anne so much. She is a person that has a lot of values aside from talent, aside from beauty. And she’s been here for so long. Ibig sabihin patuloy lang n’yang ginagalingan at pinagpupursigihan ang trabaho n’ya. I really respect people like that,” pagbibida pa n’ya.
Happy naman si Yassi na supportive sa kanya ang boyfriend n’yang si Jon Semira.
Hoping din s’ya na magugustuhan ng mga fans ang kinalabasan ng photoshoot nila at maa-appreciate ang effort na ginawa n’ya para dito.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber