Yassi Pressman sa butt exposure ni JC Santos sa More Than Blue: “Never pa po akong nakakita nu’n sa co-actor ko. So, it was quite shocking.”

Direk Nuel Naval on Yassi Pressman: “I’ve never work with her. First time ko ’to. Sobra akong na-impress sabi ko, ‘Ang galing pala nitong Yassi Pressman.’ Hahaha! Kasi napapanood ko lang siya, e. I think this is her most matured performance.  Matured but very relaxed at napaka-organic.”

Photos: Vivamax

Direk Nuel Naval on Yassi Pressman: “I’ve never work with her. First time ko ’to. Sobra akong na-impress sabi ko, ‘Ang galing pala nitong Yassi Pressman.’ Hahaha! Kasi napapanood ko lang siya, e. I think this is her most matured performance.  Matured but very relaxed at napaka-organic.”

Nagulat pala si Direk Nuel Naval kay Yassi Pressman nang makatrabaho niya sa pelikulang More Than Blue dahil hindi niya inakalang magaling umarte.

Naibahagi ito ng direktor sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula nila nitong Lunes ng tanghali, November 15.

“I’ve never work with her. First time ko ’to,” panimula ni Direk Nuel. “Sobra akong na-impress sabi ko, ‘Ang galing pala nitong Yassi Pressman.’ Hahaha! Kasi napapanood ko lang siya, e. I think this is her most matured performance. Matured but very relaxed at napaka-organic.”

Hindi lang si Direk Nuel ang nagbigay ng papuri kay Yassi. Maging ang sumulat ng script na si Mel Del Rosario ay nagkuwento tungkol sa aktres.

“It really pays to have competent actors. Merong competent pero tamad.

“Ako kasi as a writer, ang una kong tinatanong sa director o sa producer, ‘Nabasa na ba nila ang script?’

“Kasi mayroon talagang mga artista na they’re really go to the set ang kapal ng mukha hindi nagbasa ng script, hindi nag-aral. ’Yung ganu’n?

“But ako nakarating sa akin that si Diego [Loyzaga] was really excited sa role, si JC [Santos], alam ko naman na ang capacity niya hindi naman ’yan lulusong nang hindi handa.

“And then si Yassi actually, na-touch ako kasi first time niyang nabasa ’yung script nagpadala siya ng picture, I don’t know kung kay Tita June [Rufino, Viva’s film head], umiyak siya when she read it.  Nasa bed siya umiiyak siya. So, alam ko, ‘Ah salamat sa Diyos, biniyayaan kami ng nagbabasang artista kasi ’yung iba parang no read, no write. Hindi ko maintindihan bakit hindi nila binabasa.”

Maririnig naman sa background ang tawa ni Yassi habang nagsasalita si Mel.

Pagpapatuloy pa ni Mel: “Si Ariella [Arida] naman, we’re confident kasi bagay din siya do’n sa role.  So, it also pays that you get the right mix, e. Right casting. Si Direk at saka si Boss Vic [del Rosario], ang best in casting diyan.”

Tila overwhelmed naman ang bidang aktres na si Yassi sa mga narinig na papuri sa kanya at sa buong cast.

“How do I feel?  Honestly, I’m just overwhelmed.  I feel the same way na JC was feeling. When I first read the script, I did send photo to Tita June... I was pressured more than anything and then I was also scared but more than anything excited to be working with Direk Nuel,” masayang kuwento ng aktres.

“This is really the lightest, heaviest film I’ve ever done in my life,” natatawang dagdag-kwento pa ni Yassi.  “Lightest kasi po Cream, K, and all of these characters, they’re beautiful souls. They’re so willing to live with free spirits and tama po ’yung sinabi ni Miss Mel na with this situation [in the story], sometimes life puts us in... forces us to do things we don’t want to do, pero we do it for love. And doon po talaga pumapasok ’yung sacrifice.

“So, going back to what I feel, I’m just overwhelmed.  Wala po talaga akong masabi. Thank you, Direk, thank you everybody.”

Samantala, natawa nang bonggang-bongga si Yassi sa tanong kung ano ang naramdaman niya sa eksenang naliligo si JC na hubo’t hubad at nakita ang butt nito base sa trailer ng More Than Blue.

“Hahaha! Masyado yatang malakas ’yung tawa ko... Direk Nuel can tell you exactly how I felt. Never pa po akong nakakita nu’n [butt] sa co-actor ko. So, it was quite shocking. But JC was very, very comfortable,” tumatawang sagot ng dalaga habang maririnig din ang tawa ni JC sa background.

“So, ’yung nakita po sa trailer, papasok po ako sa loob ng banyo and s’yempre, kapag blocking po, hindi naman kailangan ’yun, di ba?

“So, nun’g take na, sinabi na ‘Okay JC, get ready na’ ganyan, ‘Yassi, step out.’ Step-out po ako. Nakasarado po ’yung pintuan, di ba? Nandito ’yung kuwarto nila, Direk on the left, and then, nandu’n po s’yempre ‘yung monitor nila,” very animated na pagkukuwento ng dalaga.

“And then po, sa monitor nakita ko ’yung nangyari,” patuloy ni Yassi na umaktong nagulat.
“Sabi po ni Direk, ‘5,4,3,2,1... pasok Yassi!’”

At that point, niyugyog daw niya ang ulo saka huminga nang malalim bago pumasok sa eksena.

“Kasi hindi ko po talaga kaya na pumasok sa eksena. So, I had to gather myself and really breathe and just focus. And ayun, nagulat lang po ako to say the least.”

Hindi pa rin nawawala ang tawa ng aktres sa pagkukuwento tungkol sa butt exposure ni JC nang kumpirmahing muli ng nagtanong kung nakita ba niya talaga.

“Ay, direk nakita ko ba? Abangan n’yo na lang po,” pambibitin pa ng aktres.

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018.

Kaya sa mga nakapanood na ng either of the foreign versions ay alam na siguro kung gaano ka-heartbreaking ang movie na k’wento ng dalawang magkaibigan, K (JC) and Cream (Yassi) who love each other pero ang lalaki ay may taning na ang buhay.

Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at tinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at matikas na lalaki.

Mapapanood na ang More Than Blue sa November 19 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, and starting November 19, meron na ring Vivamax in USA and Canada.

For local subscriptions, you can subscribe using the VIVAMAX app and for P149, you can watch-all-you-can for 1 month. You can pay using your Debit or Credit card, GCash, or PayPal account that’s linked on your Google, Apple and Huawei App Gallery account.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.