Yeng Constantino, aminadong hindi niya fully understood ang pagiging transgender ng kapatid pero sinabihan itong: “I am for you. I want you to be happy...”

Ramdam daw ni Yeng Constantino ang hirap na dinaranas ng mga kagaya ng kapatid n’yang transgender na si Kukie sa mata ng lipunan.  “Why am I saying that? Siguro kasi parang ano lang, ’yong prejudice. Ang hirap ng pinagdadanan n’yo, ng mga katulad mo, mga bata na parang ‘Is there something wrong with me?’” lahad ni Yeng kay Kukie.  “Tapos hindi mo alam kung paano mo ie-express ’yong sarili mo sa mundo kasi feeling mo lagi out of place ka. Para kang puzzle piece sa isang board na hindi ka mag-fit sa kahit anong butas.”

SCREENSHOT: Yeng Constantino on YouTube

Ramdam daw ni Yeng Constantino ang hirap na dinaranas ng mga kagaya ng kapatid n’yang transgender na si Kukie sa mata ng lipunan. “Why am I saying that? Siguro kasi parang ano lang, ’yong prejudice. Ang hirap ng pinagdadanan n’yo, ng mga katulad mo, mga bata na parang ‘Is there something wrong with me?’” lahad ni Yeng kay Kukie. “Tapos hindi mo alam kung paano mo ie-express ’yong sarili mo sa mundo kasi feeling mo lagi out of place ka. Para kang puzzle piece sa isang board na hindi ka mag-fit sa kahit anong butas.”

Bagama’t hindi raw n’ya lubusang maunawan ang gender identity preference ng kanyang kapatid ay suportado at nakaka-relate daw dito ang singer-songwriter na si Yeng Constantino.

Ipinakilala kasi ng Kapamilya singer ang kapatid n’yang si Kukie, na isang transgender, sa kanyang latest vlog entry kung saan nga inilahad nito ang mga pinagdaanan nito sa buhay.

Pag-amin ni Yeng, hindi daw n’ya talaga lubusang nauunawaan ang sitwasyon ni Kukie pero alam daw n’ya na gaya n’ya ay naghahangad din ito na i-trato siya nang tama ng sosyedad. 

Aaminin ko rin siguro na I will never be able to understand it. Wala ako sa katawan mo, e,” pagbabahagi ni Yeng habang direktang ina-address ang kapatid.

Pero I can empathize doon sa feeling of you just want to be treated as a human being kung anuman ’yong orientation na gusto mo,” patuloy ni Yeng. 

Ang ipinagpapasalamat daw n’ya, on her end, ay ang hindi pagiging kamay na bakal ng kanilang mga magulang sa pagpapalaki sa kanila, bagkus ay pinalaki sila sa malawak na pang-unawa. Sa bagay na ito ay nakaka-relate daw siya sa kapatid

Kumbaga, sa akin, p’wede namang ipilit ng magulang natin na hindi ako maging artist. Hindi po kasi ako academically sobrang okey na bata. Siguro kung naging mapilit ang mga magulang ko na dapat academically well-achieved ka na bata para ma-accept ka, siguro sobrang mahihirapan ako,” paliwanag ng singer. 

“I’m just really grateful na may magulang tayo na tinanggap ’yong quirk ko, ’yong acceptance na parang, ‘Ay, ang sarap naman na okey ako kahit hindi ako academically smart.’ 

Parang ganu’n lang ’yong way ko para mag-relate sa kapatid ko na s’ya sa orientation n’ya. Ito ’yong identity n’ya and it’s something na I will never be able to fully, fully, fully understand.”

Pag-a-address pa n’yang muli sa kapatid n’ya, “But I am for you. I want you to be happy. I want you to be healthy. I want you to live a full life.”

Ramdam rin daw kasi n’ya ang hirap na dinaranas ng mga kagaya ng kapatid n’ya sa mata ng lipunan. 

“Why am I saying that? Siguro kasi parang ano lang, ’yong prejudice. Ang hirap ng pinagdadanan n’yo, ng mga katulad mo, mga bata na parang ‘Is there something wrong with me?’” lahad ni Yeng. 

Tapos hindi mo alam kung paano mo ie-express ’yong sarili mo sa mundo kasi feeling mo lagi out of place ka. Para kang puzzle piece sa isang board na hindi ka mag-fit sa kahit anong butas. 

“We have that power to make people feel that they are welcome. So, I hope that we will more open, compassionate and loving kasi ’yon ang kailangan ng mundo.

Ibinida rin n’ya ang kapatid na kahit umano nagdadamit babae ang transwoman niyang kapatid ay tigasin umano ito sa pag-aalaga sa kanilang magulang. 

Pero alam n’yo ang kapatid ko, s’ya pala ang sobrang nag-alaga sa mama namin nu’ng may sakit si mama. And now na wala na si mama, s’ya naman ang nag-aalaga sa tatay namin sa farm,” pagbabahagi pa rin ng ASAP Natin ’To performer. 

Dagdag pa n’ya, “Minsan tayo ganu’n, e…sa panlabas. Because they’re different, we judge them doon sa panlabas. Pero ang mahalaga ’yong nandito [sa puso], e. ’Yon, nakikita ko ’yon sa kapatid ko, e.

Naiiyak namang nagpasalamat si Kukie sa mga sinabi ni Yeng. 

Alam kong ikaw na-appreciate mo ’yong mga gawain natin, nakaka-touch ’yon,” ani Kukie. 

Wala ka nang hahanapin pang iba sa labas. Siguro bonus na lang ang love life kung may darating sa mga katulad natin. Busog na busog na ako, kumbaga na-impatso na ako du’n sa pagmamahal, attention, at support n’yo sa akin.

Mas pinipili daw kasi ni Kukie ang maging masaya lalo pa’t nasa piling n’ya ang kanyang pamilya. 

“Choose to be happy. Lagi mong pipiliin everyday ’yong kaligayahan, ’yong happy ka dahil kasama mo ’yong mga mahal mo sa buhay. Kasi du’n lang naman umiikot ’yong mundo ko ngayon, e,” saad ni Kukie. 

Nagbigay din s’ya ng mensahe sa mga gaya n’yang transgender na hindi tanggap ng kanilang pamilya. 

Kung sakali man na hindi kayo accepted sa family, keep on going. Sumunod muna kayo sa kung anong sabihin ng magulang ninyo. Kasi ang magulang wala naman ’yang [balak] na ipahamak ang anak,” lahad n ‘ya. 

“To all LGBTQ+, ayan… lumaban ka sa hamon ng buhay sa’yo. Stand up. Do your best sa pakikitungo sa iba’t ibang kapwa. Sa mga kabataang LGBTQ+, patuloy n’yong pipiliin ang pag-ibig. ’Yon lang ang panlaban natin sa hatred. At mag-focus kayo sa inyong mga pangarap.

Hindi rin n’ya nakaligtaang i-acknowledge ang mga taong sumusuporta sa mga tulad n’yang transgender. 

Sa mga lumaban para sa ating LGBT, saludo ako sa inyo kasi s’yempre, hindi man kayo ang nasa sitwasyon namin, nandu’n ’yong alab ng damdamin ninyo upang ipakalat sa mundo na kami ay kabilang sa napakagandang society ng mundong ito,” pagtatapos ni Kukie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kahit titulada, Juliana Parizcovia Segovia, tutol sa pagsali ng transgender women sa mga beauty pageants gaya ng Miss U

Pika's Pick: Jaya gets photo op with Fil-Am trailblazer Kataluna Enriquez, the first transgender woman to be crowned Miss Nevada, USA

Filipina-American actress Ivory Aquino to appear in Batgirl as the first transgender character to appear in a DC Comics feature film

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.