Yorme Isko Moreno, kinabog na ng anak na si Joaquin Domagoso sa aktingan

Masasabing maging ang kanyang amang si former Manila mayor Isko Moreno ay naungusan na ni Joaquin Domagoso dahil sa duration ng stay nito sa showbiz ay hindi ito nakapag-uwi ng acting awards. Sabagay, hindi naman nagkaroon ng chance si Isko na mas mag-mature pa bilang actor dahil at age 23 ay inagaw na siya ng pulitika.

Photos: @jdomagoso / screengrabs from That Boy in the Dark trailer

Masasabing maging ang kanyang amang si former Manila mayor Isko Moreno ay naungusan na ni Joaquin Domagoso dahil sa duration ng stay nito sa showbiz ay hindi ito nakapag-uwi ng acting awards. Sabagay, hindi naman nagkaroon ng chance si Isko na mas mag-mature pa bilang actor dahil at age 23 ay inagaw na siya ng pulitika.

Biglang naungusan ni Joaquin Domagoso ang mga kapanabayan niyang young male stars dahil may bonggang achievement ngayon ang binatang anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Nanalo kasing best actor si Joaquin sa 16th Toronto Film and Script Awards sa effective na pagganap niya sa thriller na That Boy In The Dark.

In the sense, maging ang ama nyang si Isko Moreno ay naungusan rin ni JD dahil never pa itong naging best actor or best supporting actor sa anumang award-giving body sa local showbiz.

Sabagay, hindi naman nagkaroon ng chance si Isko na mas mag-mature pa bilang actor dahil at age 23 ay inagaw na siya ng pulitika. Doon na ito nag-focus since 1998 kaya naman mula Manila councillor ay nag-level up siya hanggang maging mayor at  nitong nakaraang eleksyon nga ay sumubok pang masungkit ang pagka-pangulo ng bansa.

Samantala, ayon sa Toronto Film Magazine, and Toronto Film and Script Awards, na isang seasonal filmfest, ay binuo "to promote arthouse film projects, indie artists, filmmakers, and writers working in media.” 

Ayon naman sa kanilang website, "The mission of the festival is to recognize, promote, and screen international and Canadian film projects of all genres".

Ang That Boy In The Dark ay umiikot kay Knight (Joaquin) na nabulag at pinatira muna sa bahay ng kanyang lolo, kung saan nakararanas siya ng mga paranormal experiences.

Bukod kay Joaquin, bahagi rin ng That Boy In The Dark sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Nanding Josef, Kiko Ipapo, Glydel Mercado, at ang anak ni Glydel at Tonton Gutierrez na si Aneeza Gutierrez.

Mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa, ang That Boy in the Dark ay dinirehe ni Adolf Alix, Jr.

Magandang bentahe ang pagkakapanalo ni Joaquin bilang best actor kapag nag-showing na ang pelikula sa mga sinehan sa papasok na January 2023. Maaring ma-curious ang mga tao sa ipinakitang galing ng anak ni Yorme.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.