Talagang love is in the air this month of February dahil bukod sa pasilip ng mga celebrity couples sa kani-kanilang Valentine’s date ay ipina-sulyap na rin ni Kapamilya actor Zaijian Jaranilla ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Dian Añes sa publiko by giving her a go signal na mag-post ng sunod-sunod na videos nila sa social media.
Noong Valentine’s Day mismo, February 14, nang mag-upload ng video si Dian sa kanyang TikTok account kung saan magkasama sila ni Zaijian na kumasa sa nauusong Domino Lovers Challenge, kung saan makikitang sumasayaw ang magkasintahan sa saliw ng kantang “Domino” ng English singer-songwriter na si Jessie J.
“Happy Hearts Day from us to yours! ♥️ @zaizaizaizai69” sey pa ni Dian sa kanyang TikTok post na umabot na sa mahigit 5.8 million views sa ngayon.
@alyssadian Happy Hearts Day from us to yours! ♥️ @zaizaizaizai69
♬ Domino Lovers Challenge - tysm for 100k💗💗
Nasundan ito ng dalawa pang TikTok videos nila na umabot sa mahigit 7.5 million at 1.8 million views respectively as of this writing.
@alyssadian @zaizaizaizai69
♬ Hope you do - ᴊᴏʀᴅᴀɴᴀᴜᴅɪᴏᴢᴢ 🦋
Actually, November last year nang unang mag-post ng video nilang mag-sweetheart si Dian sa TikTok pero hindi ito gaanong napansin ng Netizens.
Pero ang kanilang Valentine post ay naghatid ng kakaibang kilig sa kanilang mga followers na ang ilan nga ay napa-throwback pa at umaming naging crush nila si Zaijian nu’ng bata pa sila.



Bumida kasi ang aktor sa hit teleseryeng May Bukas Pa way back 2009 kung saan gumanap s'ya sa iconic role n'ya na si Santino na naging sikat na sikat sa mga bata noon.
Matatandaan naman na October noong nakaraang taon nang umamin si Zaijian sa morning show na Magandang Buhay na meron s’yang non-showbiz girlfriend at mahigit isang taon na daw ang kanilang relasyon.
Pagbibida pa n’ya noon sa show, ang kanyang nobya daw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay.
“Sobra po [siyang inspirasyon]. Nakakatulong po siya sa akin. Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw...kapag gumisiging ako tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, tapos may naghihintay sa akin,” pahayag ni Zaijian sa Magandang Buhay.
Huling napanood ang aktor sa kanyang comedy film na Boyette: Not a Girl Yet na ini-release sa KTX at iWantTFC noong November 2020. Doon ay nakasama n’ya sina Inigo Pascual at Maris Racal.
YOU MAY ALSO LIKE:
Romnick Sarmenta welcome first child with girlfriend Barbara Ruaro
Fans ship Maymay Entrata and Donny Pangilinan on Twitter
Julia Montes, si Coco Martin nga ba ang tinutukoy na ideal man niya?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber