Biniro namin si Zanjoe Marudo sa nakaraang ABS-CBN Ball na tila wala siyang inaalalayan at inaayusan ng gown sa taong ito. Kumpara sa mga nagdaang tao na isa siya sa mga maginoong naka-tutok sa pag-alalay sa ka-partner.
“Wala akong ka-date this year and hopefully next year meron na,” sakay naman niya sa amin.
Pero for a change, ay mas relaxed daw pala pag solong rumarampa lalo pa’t pang-labing-dalawang ball na niya ito. [Ang ABS-CBN Ball ay ang dating Star Magic Ball.]
Mag-asawa ka na kasi, dugtong na biro namin.
“’Yon ang sunod kong isasama! Asawa na. Haha!”
Loveless na maituturing sa ngayon si Zanjoe, 35, at pawang taken na ang mga babaeng naka-date niya sa Star Magic Ball in the past gaya ni Bianca Gonzalez na Mrs. JC Intal na ngayon; si Mariel Rodriguez na misis na ngayon ni Robin Padilla; at si Bea Alonzo na nakipagbalikan na sa ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Si Bela Padilla, na na-link sa kanya noong February lang this year, ay hindi naman niya nakatuluyan. At kahit nili-link din siyang pabiro ngayon sa Playhouse co-star niyang si Angelica Panganiban, ay malinaw naman na tila mas drawn si Angge sa sume-second chance na ex-boyfrend nitong si Carlo Aquino.
Ang huling pangalang naikabit sa pangalan ni Zanjoe ay ang half-Scottish surfer-model na Josie Prendergast na kasalukuyang naka-base sa Siargao sa Mindanao. Ito ay matapos silang ma-spot-an na magkasama noong June, noong diumano ay lumipad pa si Zanjoie ng Siargao para lang umattend ng 19th birthday ni Josie. Wala nang naging kasunod na balita tungkol dito.