Zephanie, biased sa SB19 kung P-Pop ang pag-uusapan; type daw ang personality ni SB19 Ken and Josh

Bago naipakilala bilang newest Kapuso at alaga ng Sparkle GMA Artist Center ang first Idol Philippines grandwinner na si Zephanie, nag-international gig muna siya sa Expo Dubai 2020 na ginanap sa DEC Arena noong March 16, 2022. Doon, nagkaroon siya ng chance na maka-bonding saglit ang mga members ng sikat na P-Pop group na SB19 na sina Justin, Stell, Pablo, Ken, at Josh.

Photos: @zephanie / @sb19cullenels / @sb19ken

Bago naipakilala bilang newest Kapuso at alaga ng Sparkle GMA Artist Center ang first Idol Philippines grandwinner na si Zephanie, nag-international gig muna siya sa Expo Dubai 2020 na ginanap sa DEC Arena noong March 16, 2022. Doon, nagkaroon siya ng chance na maka-bonding saglit ang mga members ng sikat na P-Pop group na SB19 na sina Justin, Stell, Pablo, Ken, at Josh.

Bago naipakilala bilang newest Kapuso at alaga ng Sparkle GMA Artist Center ang first Idol Philippines grandwinner na si Zephanie, nag-international gig muna siya sa Expo Dubai 2020 na ginanap sa DEC Arena noong March 16, 2022.

Doon, nagkaroon siya ng chance na maka-bonding saglit ang mga members ng sikat na P-Pop group na SB19 na sina Justin, Stell, Pablo, Ken, at Josh.

During her Sparkle launch last March 31, na ginanap sa Cornerstone Studios in Quezon City, na-playtime siya saglit ng entertainment press. During the more casual round-table tsikahan, tinanong siya kung kaninong all-male P-Pop group siya mas nagagalingan, kung sa SB19 ba na kasa-kasama lang niya recently sa Dubai o sa dating ka-Star Music tropa niyang BGYO.

“I dont think parang p’wede silang ipagkumpara sa isa’t isa kasi una po, feeling ko ’yong SB19 ’yong nag-set ng standards talaga sa P-Pop industry po and sobrang galing talaga ng SB19,” pagri-real talk ng talented singer-songwriter.

“Parang sila po kumbaga talaga ’yong pioneer and ’yong standards nga and BGYO ís also good kahit papa’no napapakita talaga nila ’yong galing nila bilang P-Pop,” bawi naman niya.

Pero dahil daw sa SB19 at BGYO, “nagiging buhay na buhay po ’yong mga P-Pop supporters. At ngayon po, ang dami po talagang nag-rise na mga P-Pop [groups] kasali na po ang Vxon (pronounced as vision) po—of course, our very own Vxon from Cornerstone. Nakakatuwa po talaga.”

(Zephanie, by the way, is being co-managed by Cornerstone and Sparkle.)

At dahil bagets, masarap tanungin about mga crushes. One member of the entertainment press asked kung may napipisil ba siya among the members ng dalawang grupo, ang SB19 at BYGO.

Siguro po biased meron,” honest na tsika ng magandang Lagunense. “’Yong biased kung tawagin. Są SB19 po, gusto ko si Kuya Ken and siguro si Kuya Josh. Actually ang hirap kasi lahat sila iba-iba po. Pero personality [-wise], nu’ng nakausap ko po sila, ang lalim kausap kasi ni Kuya Ken. So, parang mahilig po ako sa ganu’ng kind of conversation. Na-enjoy ko po. But all of them are all nice. Parang mga kuya.”

Samantala, dahil magsisimula siyang muli, so to speak, sa bakuran ng GMA-7, baka raw lumaktaw muna siya ng isang taon sa pag-aaral. At this point ay graduating senior high na raw siya pero baka i-postpone muna ang pagko-kolehiyo.

“Right now, sobrang nag-iisip po ako. Maybe I might take a gap year po since ngayon po nagsisimula ulit po ako with GMA. Baka po hindi rin ganu’n super kayanin po [pagsabayin]. But of course, I would still want to finish my studies and I might take Psychology nga po kasi para nakaka-help din po sa industry natin.”

Maybe she meant, magka-counsel siya in the future ng mga nade-depress dahil sa bashing.

Earlier on, nabanggit niya na pangarap niya din noon na maging veterinarian. But sure na daw siyang Psychology ang kukunin niya. Aminado siyang baka hindi niya kayanin ang commitment required sa pag-aalaga at pagpapagaling ng mga hayop na sasabay sa kanyang mga showbiz commitments.

Nagpapaka-realistic lang ang bagets.

Anyway, congrats on your new journey, Zep!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.