Aminado si AJ Raval na maraming beses siyang napa-iyak ng mga isyung kinasangkutan nila ni Aljur Abrenica last year. Isa ang aktor na si Wilbert Ross na nakasaksi sa mga pag-iyak niya sa set ng pelikula nilang Crush Kong Curly noon. Kasagsagan kasi ng mga isyu noon.
At naidulas sa amin nang slight ni Wilbert kung paano niyang nasaksihan na basta nalang iiyak si AJ sa set ng mga panahong iyon.
In fact, even during the press conference noong Curly noong November 2021, hindi rin napigilang maiyak ni AJ nang mabuksan ang topic tungkol sa mga isyung kinasangkutan niya.
In all fairness, nahusgahan lang naman talaga siya as a third party. At the time na nagiging malapit na sila ni Aljur, wala naman na talaga sina Aljur at ang asawa nitong si Kylie kaya hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay noong dalawa. Kung may third party man, gaya ng nasabi ng tatay ni Kylie sa isang interview, hindi si AJ ’yon
Ang oo kasal. But the relationship is over. Hindi na nila ma-patch up between themselves. Even Kylie declared at that time they’re both free to love again.
Fast forward to today, isang confident at mas matapang na AJ na ang humaharap sa press. It dawned on her daw na walang magandang maidudulot sa kanya ang pagma-mind sa bashing. Hindi naman daw mauubos ’yon at paniniwalaan pa rin ng tao ang gusto nilang paniwalaan regardless of the truth.
Magmula noon, she lets herself free from that bondage of being affected.
“Parang ano na lang din po, e, kumawala na lang din po ako sa sarili ko, e,” lahad sa amin ni AJ sa aming exclusive interview with her kamakailan.
“Nawala na po ako totally sa lahat ng binabatong hindi magaganda sa akin...parang ano po, e. Wala na po akong pakialam sa kanila. ’Yong mga nagkokomento sa akin ng hindi magaganda, unang-una, hindi ko po sila kilala. Bakit po ako magpapa-apekto hindi naman po sila ’yong nagpapakain sa akin? Bakit po ako magpapa-apekto sa kanila?
“So, nawalan na lang din po ako ng pakialam. Ano din naman po, gumawa ka ng maganda, gumawa ka ng pangit, meron pa rin masasabing hindi maganda ’yong tao.”
Ang mahalaga raw ngayon, malinaw na sa mga pertinent people involved ang lahat. Nagka-usap na raw muli ang tatay niyang si Jeric Raval at Aljur and Aljur reiterated to Jeric na mabuti ang intension niya sa anak nito.
Maski raw between her and Kylie Padilla, on her initiative, ay maayos daw ang lahat.
“Habang tumatagal po ’yong panahon, nare-realize ko po, wala pong problema sa amin...kay Kylie, kay Aljur, sa tatay ko. Kahit kanino, wala pong problema sa amin. Masaya po kaming lahat. Also, nag-usap din po kami ni Kylie na okey naman po...
nag-message po ako sa kanya and okey naman po lahat. Parang wala naman pong problema sa amin... sa mga tao lang po talaga...nagiging isyu lang po pag dating sa mga tao.”
“At saka ano din po, e, si Aljur nagbitaw ng salita hindi po talaga ako ’yon [third party],” dagdag pa niya. “Si Kylie din po pinagtanggol din po ako sa harap ng maraming tao. Pero pipiliin ng mga tao na hindi maunawaan ’yong sitwasyon.”
These days, anuman daw ang ibato sa kanya ay tinatawanan nalang niya.
“Parang pinagtitripan ko na lang din po ’yong mga tao. Natatawa na lang po ako sa kanila.”
At dahil wala ng paki-alam sa bashers, hindi na rin nila itinatago ni Aljur ang kanilang pagde-date. They never did in the first place. Kaya nga ilang beses ilang “na-sighting.”
“Wala naman din pong kailangan pag ingatan,” katwiran niya. “Mas pinipili ko na lang po ’yong freedom. Para din po yon sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.”
In fact, ni-like pa ni Kylie ang video post niya kung saan makikitang binubuhat siya ni Aljur habang nagliliwaliw sila sa beach. Bagamat silhouetted ang post ay hindi naman itinagi ni AJ na si Aljur nga ang lalaki sa video.
“Yes po. Hindi naman po namin tinatago yon. Kaya ko po ’yon pino-post para po tumigil na po ’yong mga tao kakahuli sa amin kasi hindi po talaga kami nagtatago. Ayan clear na clear na po sa lahat na walang tinatago. Walang problema sa amin.”
When asked kung nasaang level na ang kanilang relasyon?
“Hindi pa po kami,” paglilinaw niya. “Wala pa naman kaming commitment sa isat-isa. Pero siguro po papunta na rin po doon. Matagal-tagal na rin po ’yong mga ano, panliligaw...pagpapakilala. Kilala naman na po namin ’yong isat-isa.”
Sa ngayon, naka-pahinga si AJ matapos gumawa ng sunod-sunod na projects sa Vivamax. Nakapa-bakasyon daw siya kasama ang pamilya. ’Yon nga lang, absent si Aljur dahil ito naman ang naka-lock in sa Iloilo.
Kasalukuyan niyang pino-promote ang Iskandalo at nakatapos na rin siya ng isa pa, ang Kaliwaan naman na base sa napanood namin trailer ay parang Iskandalo din na may pagka-misteryoso.
Ang Iskandalo, by the way, ay isang 10-part whodunnit thriller na sinasabing biggest online series ng Vivamax so far. Isang online sensation siya na mabibiktima ng sex scandal when a video of her intimate moment sa isang misteryosong lalaki ay magli-leak online.
Doon iikot ang masalimuot na istorya ng Iskandalo kung saan makakasama niya sina Ayanna Misola, Francis Magundayao, Rocky Salumbides, ang perennial screen partner niyang si Sean de Guzman, si Rocky Salumbides, Cindy Miranda, at Jay Manalo.
May special role din dito ang beteranong aktor na si Joonee Gamboa.
Iskandalo starts streaming on Vivamax on April 10.
Samantala, bago yan ay panoorin muna ang aming full exclusive interview sa kontrobersyal pero wala ng pake na si AJ Raval by clicking the video link above.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber