Andrea Garcia, more than her pretty face and sexy body

Kung isa ka sa nakapanood ng Vivamax movie na Pabuya, chances are nagmarka sa’yo ang isang female karakter doon na bigay-todo sa kanyang mga sexy scenes na di hamak na mas level-up pa sa mga bida. In fact, tila mas level-up kumpara sa mga nagawa na ng iba pang Vivamax sirens combined.

 

Kung lalaki ka, chances are, pinagpantasyahan mo na siya. Kung babae ka naman, malamang ay napatanong ka kung saan humugot ng tapang ang babaeng ’yon.

 

That girl is Andrea Garcia.

 

Nauna na siyang na-interview ng kasama namn dito sa pikapika and in that interview, she said na “wala pa kayong nakitang gaya ni Andrea Garcia.”

 

Quite brazen, but it’s true.

 

Nang-gugulantang ang presence niya. Not only because of her beauty and oozing sexiness, but also because there’s substance to her. In fact, she’s a delight interviewee. She easily won us over at hindi kami magtataka kung sa mga susunod na buwan ay siya na ang pagkakaguluhang tsikahin ng press.

 

May laman ang kanyang soundbites. A mix of intelligence and wit na kering-keri niya. In short, hindi uuwi ang nag-interview na walang baon na pasabog quotes. Hindi kailangang pigain.

 

She kinda reminds us of Osang (Rosanna Roces), sosyal version, noong kabataan niya, na no-filter.

 

Such a rarity among newbies if you ask us.

 

This girl is beauty and brains. Kaya lutang ang confidence.

 

At matapang daw talaga siya in real life. Not the pala-away kind. But ’yong kayang harapin ang buhay head on.

 

In fact, at 18, umalis siya sa poder ng tatay niya—for reasons she won’t disclose—at binuhay ang sarili by working as a call center agent. (Yup, her parents are separated and have their own respective familes now).  

 

Showbiz isn’t really new to her. To those still unfamiliar, she’s the grandchild of ace actress Marissa Delgado. But she didn’t use that card when she tried her luck in showbiz. Hindi n’ya kinalampag ang lola n’ya para tulungan siya.

 

“In our family, we were taught to...you have to work hard for what you want. They gave me all the tools I needed...workshop every summer, acting coach, kahit ano’ng hingin ko to hone my skills, binigay nila.

 

“Pero the path to showbiz, you have to work for it. Kumbaga, kung gusto mong mag-audition ka, mag-audition ka. Hindi ka nila ilalagay lang sa posisyon na ’yon. You have to work for it kasi do’n mo maba-value, do’n mo mas papahalagahan talaga, hahawakan nang matindi ’yong posisyon mo, which I really do now.”

 

At para makapasok sa Viva, dumiskarte ang Andrea. Ini-stalk daw niya noon ang IG ni AJ Raval at nakita nya ang name ng handler nito sa Viva. Hinagilap niya ang number ni John Navarro at iprinisinta ang sarili.

 

Pero kahit matapang, nag-hold back pa rin daw siya noong una nang sabihan siyang may top frontal nudity required sa mga roles na p’wedeg ibigay sa kanya.

 

“Pinag-isipan ko kasi pag may gagawin ako, gusto ko, a hundred percent...so no’ng sabi ko na ready na ako, e, di one hundred percent [ang binibigay ko].”

 

She says she’s friends with Angeli Khang at nang sabihin daw nito sa kanya na hindi naman nakabawas sa pagkatao n’ya ang pagpapa-sexy sa pelikula, she surmised na she has also nothing to lose but much more to gain.

 

But of course, her family had no idea na sexy genre ang papasukin n’ya. But so far, ang dad lang daw n’ya ang hindi agree sa desisyon n’ya. In fact, naaalok daw s’yang dadalhin nalang sa Amerika (may kaya daw kasi ang tatay n’ya) at magpatuloy nalang ng pag-aaral doon.

 

Cause if her dad had his way, maging lawyer o diplomat ang pangarap nito para sa anak. But Andrea’s calling is acting. Kahit daw bit role ay nae-enjoy n’ya. Feel na feel daw niyang nagro-role play ng iba’t ibang karakter. Malamang, malaki ang kinalaman dito ng kanyang lola, who used to bring her to movie or TV sets.

 

So far, Andrea has done seven movies since signing up with Viva at sa Pabuya nga siya pinaka-nagmarka. In the coming days, mas madalas natin siyang mapapanood sa Vivamax dahil bahagi siya ng dalawang mini series, ang sexy-thriller na Secrets of a Nympho na magpa-pilot na on October 23 at Lovely Ladies Dorm, na sexy-drama naman, na kasalukuyan na nilang sinushoot ngayon.

 

Andrea is beyond thrilled these days dahil magagandang roles na raw ang nabibigay sa kanya. Hindi na siya, extra, kumbaga.

 

At hindi na kami magugulat kung isang araw ay may solo starrer na s’ya. Siya na rin ang nagsabi na maraming mas maganda sa kanya pero wala sila ng aura ng isang Andrea Garcia.

 

Beware of that aura...dahil may taglay na gayuma.

 

Watch our full interview (link below) to find out what we mean and watch out for our nakakabaliw na sexy random interview with her, too.  It’s coming up next.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.