Arron Villaflor, napaliwanagan na ang girlfriend bago sumalang sa mga Vivamax projects niya

Matagal na palang mahilig sa mga dangerous sports ang aktor na si Arron Villaflor, ang latest signee ng Viva Artists Agency.

Into autocross and motocross siya ngayon at nagko-compete pa.

“Ano s’ya autocross by Toyota,” k’wento niya sa amin during our short sit-down interview after his Viva contract signing last July 28.

“So hindi pa s’ya tapos. Actually, ang next race namin itong dadating na August 19.”

Mukang doon niya nilalabas ang kanyang inner action star. Iyon daw kasi ang pangarap niyang maging noon, when he joined Star Circle Quest in 2005 (where he placed second to grand winner Erich Gonzales).

“Actually, its’ a dream for me talaga sa probinsya kasi ang pinapalabas mga action movies, e, so naging idolo ko yan sila Robin Padilla, sila Monsour del Rosario, Ronnie Ricketts... kasi sila lang ang pinapalabas sa amin. ’Yon ’yong nag-udyok sa akin para pumasok sa industriya at thankful naman nandito na tayo.”

’Yon nga lang, nalinya siya sa drama at naging magaling sa genre na ’yon. But at the back of his mind, nandoon pa rin ang dream niyang magbida sa isang action movie.

In the meantime, patuloy niya munang pakakabahin ang dibdib ng kanyang mommy at ang girlfriend niyang si Camille Buenaventura sa tuwing mag-e-engage siya sa nakahiligan niyang libangan.

“Actually, sanay na sila sa akin...Hahaha! I have this injury sa aking wrist...sobrang dislocated na yan and my broken collarbone na rin. So, para sa akin ’yong extreme parang mas nag-e-enjoy ako sa extreme but with safety.”

Biro namin, baka mas kabado si Camille ngayong gumagawa na siya ng mga projects sa Vivamax kesa sa pag nag-e-extreme sports siya. Bumabaha kasi ng mga magaganda at seksing babae sa Vivamax na kilala rin ngayon sa paggawa ng mga daring films na hindi nawawalan ng mga sexy scenes.

Tumawa muna nang malakas si Arron bago sumagot.

“She’s very supportive naman ever since kaya wala namang question doon,” tsika niya about his lovely girlfriend. 

“Actually, napag-usapan na namin itong first project ko. Gusto lang n’ya detalye, ’yon lang naman ’yong pang-peace of mind n’ya. And I told her na it’s gonna be like this, the shot will be like this... ganyan-ganyan. Eto ang aming director, ganyan-ganyan.”

He was referring to the weekly mini-series na Wag Mong Agawin ang Akin na lumalabas every Sundays sa Vivamax. Kontrabida ang role niya dito at hindi pa namin alam kung kanino siya may love sene between the series’ two leading ladies na sina Jamilla Obispo at Angeli Khang.

Si Ayanna Misola naman daw ang kasama niya sa isa pa niyang project. At tila magsusunod-sunod na. Inihanda naman daw niya ang girlfriend niya tungkol sa pagpasok niya sa mga usong genre ngayon sa pelikula and that it’s all work and nothing more..

Two years daw siyang nabakante sa acting kaya miss na miss na niya at malawak naman daw ang pang-unawa ni Camille.

“Actually, na-discuss ko na, sabi ko nandito na ako, e. I might as well tell everything to her and good thing naman sabi n’ya, ‘I’m starting to accept things in your work.’ Sabi ko, ‘That’s good.’ ’Yon lang naman, e. ‘Let’s not stop our communication. Baka masira lahat.’ Basta sabi ko sa kanya, ‘I dont want to stop working. I want to work, work, work.’ Kasi ang rest naman, anytime may rest naman, e.” 

“I just like to keep on working,” patuloy niya. “At saka I love my craft. There’s no reason for me to stop working at saka natutuwa ako na it’s another opportunity, it’s another door, it’s a new platform. So, I give my 120% working with Viva.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.