Ayana Misola, nahanap na raw ang sarili sa showbiz

Kung isa ka sa nakasubaybay sa career ng Vivamax siren na si Ayanna Misola, mapapansin mong nakarami na siyang role na may sayad. ’Yong okay on the outside bit something dark is brewing on the inside type. And the storyline always ends up in bloodshed.

Sa launching movie niyang Kinsenas, Katapusan, looking for love siya at akala nya ay nahanap niya in the arms of a married older men (played by Joko Diaz) at nang hindi pala, alam na this. Sa minis series na Iskandalo, obsessed fan naman siya ng sikat na influencer character ni AJ Raval. In her latest outing na Putahe na may lesbianism undertone, repressed island girl naman siya na lalaya lamang dahil sa isang trahedya.

We pointed this out to her during our one-on-one Zoom interview kamakailan. We asked what about her that directors seem to keep giving her may sayad roles.

“Baka po close to real life. Hahaha!” natatawang sakay niya. “Ewan ko po. baka po siguro dahil sa eyes ko. Pag tumingin parang psychopath. Haha!”

Pero kahit naka-ilang similar roles na, pinaka-kinakabahan si Ayanna sa mag-i-stream palang na Ang Babaeng Nawawala sa Sarili (ABNSS), a reimagination of the 1989 Dina Bonnevie starrer.

Alam daw kasi niyang mako-compare siya sa idol niyang si Dina at nai-stress siya tuwing sumasagi sa isip niya ito to the point na nag-palpitate na siya one time sa shoot.

“Parang naging harsh ako sa sarili ko sa project na ito...ayokong aalis ako ng taping na hindi ko binigay lahat kasi alam kong mako-compare nga ako sa dati.

“Pero sana, ma-appreciate nila ’yong atake ko.”

Sinabayan na rin daw kasi ng init ng panahon, pressure, at hirap ng eksena kaya daw siguro siya nag-anxiety attack sa set. Nairaos naman daw ang mahirap na eksena. Naging totohanan nga lang ang hirap niya sa paghinga.

In the reimagined version ng ABNSS, tatlong persona ang gagampanan ni Ayanna, a “normal” one, isang scheming other self, at isang sumasapi.

We can understand kung bakit nga siya na-stress.

At habang kausap namin siya sa Zoom, kasalukuyan naman siyang nagpapagaling sa Covid na hindi niya alam kung saan niya nakuha dahil almost a month daw siyang naka-bakante at hindi nagsu-shoot.

Kaka-antigen test lang daw niya ulit to check kung nilayasan na siya ng virus pero sadly, meron pa rin daw kaya quarantine beauty muna siya.

Mabuti nalang at nauso ang Zoom dahil nakakapa-promote pa rin siya ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili kahit papaano.

Ang speaking of nawawala, pabiro naming siyang tinanong kung nahanap na ba niya ang sarili niya at seryoso ang naging sagot niya.

Nahanap na raw niya ang sarili niya sa showbiz at sure na siyang ito ang talagang gusto niyang gawin sa buhay.

“Bata palang ako pangarap ko na ’to...hindi nga ako nag-boyfriend kasi sabi ko sa sarili ko, mag-a-artista pa ako. Haha! Ngayong eto na, mas na-realize ko na ito talaga...ito na ’yong gusto kong gawin kaya oo, nahanap ko na ang sarili ko.”

That being said, her biggest movie yet (especially as far as acting is concerned), Roman Perez Jr.’s Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, is coming on Vivamax on July 15.

But before that, please watch our full Ayanna Misola interview on our YouTube Channel. Or click the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.